bc

She's a Badass

book_age18+
583
FOLLOW
1.7K
READ
spy/agent
arrogant
badgirl
kickass heroine
student
heavy
serious
mystery
reckless
seductive
like
intro-logo
Blurb

Yumi takamura is a mysterious and a badass girl. Kinatatakutan siya dahil sa 'cold aura' niya. She's a b***h but it depends on the people. Mabait siya sa mabait at mas demonyo siya sa dumedemonyo sa kaniya.

She's once a shy and kind girl, but things happened, and she need to be strong for her sake and for her parents who passed away with unbelievable reason.

She know's that there something going on, and she will surely find out.

But unexpected happened, alam niya namang may mahirap siyang gagawin pero hindi niya akalain sa pagpasok niya sa bagong paaralan ay mahihirapan pala siya dahil sa isang lalaki.

The president/ captain of SAINT DUKE UNIVERSITY (SDU) - LEIGH COLE SERRANO

LEIGH is a president of student council, serious and responsible for his position in council. He is also a captain in SDU basketball team.

Magagawa niya ba ang mga misyon na dapat niyang gawin o makakasagabal ito sa kaniya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Napaatras siya nang masuntok siya ng lalaki, nalasahan niya pa ang dugo sa gilid ng labi. Bwisit! Umagang umaga may holdupper. Agad siyang tumakbo nang tumalikod ito, hinablot niya ang collar nito sa likod at malakas na tinulak sa pader. "Alam mo bang late na ako sa school? This is my fvcking first day, you assh*le!" hinablot niya ang bag at binato malapit sa matanda na ninakawan nito. Binalik niya ang tingin sa lalaki, nasa may eskenita sila at dito siya dumaan para sa shortcut dahil sira ang ducati niya. "Paki-pakialamera!" Hinigpitan niya paghawak sa collar nito, nakatalikod ito sa kaniya at nakadikit ang pisngi sa pader kaya nagagawang makapag-salita. " Gago ka ba?! Alangan namang hayaan ko na hino-hold-up mo ‘yong matanda?! " mainit na ang ulo niya, hindi niya ine-expect na ganito ang first day niya. "Ayan ho! Nako mamang pulis hulihin niyo ‘yang lalaki na ‘yan. Jusmiyo…" napalingon siya ng marinig ang matanda. May dumating na dalawang pulis, pero bago niya bitawan ang lalaki diniin niya muna ‘to sa pader ng malakas. "Ah!!" daing nito pero hindi niya pinansin, nang mahawakan na ng pulis ang lalaki tsaka niya lang ito binitawan. "Baka puwede kang sumama sa amin? May katanungan —" umiling agad siya. "I'm very late in my first class" hinawakan niya ang pisngi dahil naka-ramdam siya ng hapdi. May pasa pa ata siya dahil sa lalaki na ‘yon. What a first day! Fvck! "Nako hija, ito ang bag mo, salamat at pasensya sa abala." tumango lang siya rito at kinuha ang bag. Tumalikod din siya agad dahil nakikiusap pa ang mga pulis na sumama siya papuntang presinto. Sumakay siya ng jeep nang may dumaan, nakita niya pa ang mga tingin ng ibang pasahero sa kaniya. She's wearing a sleeveless white top, black high waist pants and black boots. Hawak-hawak niya ang leather jacket sa isang kamay at sa isang kamay naman ang black bag niya. Nagbayad na siya at hindi pinansin ang mga nakaw tingin ng mga ibang pasahero. I look mess... damn Kumikirot ang pisngi niya dahil sa pagkasapak sa kaniya. May dugo pa ang gilid ng labi niya. Well, wala siyang paki-alam sa mga ini-isip ng nasa paligid niya. As long as she will do the right thing, she will do it. Nag para siya at bumaba na ng jeep, kita niyang wala nang masyadong tao sa labas. She checked her watch. 7:10 am She's late already, 7am ang start ng class. Napabuga siya nang hangin at dumeretso sa gate, hinarang naman siya ng guard. "I.d?" Nilabas niya ang i.d sa bag niya at pinakita, sinenyasan naman siya na pumasok. Tinap niya lang ang i.d niya at nakapasok na siya. Nilibot niya ang paningin, malaki ang school medyo maliligaw siya kung hindi niya pa inaral ang mapa ng paaralan. Sinuot niya ang jacket niya bago mag-umpisa maglakad. Alam niyang late na siya kaya hindi na rin siya magmamadali. May iilang studyante sa field at pasimpleng tumitingin sa kaniya... or should she say sa mukha niya lang talaga? Ngayon lang ba sila nakakita ng sugat?! Nang makarating siya sa tapat ng room, dere-deretso siyang pumasok. "You're late-- what happened to your face?" Hindi naman siya masyadong bastos para hindi pansinin ang professor na nasa harapan. "Sorry I’m late ma'am, may bobong hold-upper kasi akong naka-salubong." nanlaki ang mata ng professor sa kaniya, napanganga pa ito saglit bago magsalita. "Oh-okay... you can sit now." tinalikuran niya ito at dumeretso sa dulo pero may demonyo sa room kaya muntikan na siyang mapatid pero dahil mabilis ang kilos niya hindi siya nito napatid. Nginisihan niya lang ang babae at mukhang na-asar naman sa kaniya. Umupo siya sa pinakadulo, ‘yong wala siyang katabi. Ayaw niya sanang magbigay ng excuse sa professor pero sinabi niya na lang, dahil para kasing nakakita ito ng multo. Parang takot na takot ito sa sugat sa mukha niya. "So, everyone! Ngayong araw lang puwedeng ma-late okay? dahil first day ngayon, wala munang lectures. Have a nice day, and para naman sa mga transferees, welcome in Saint Duke University " tumingin ito sa kaniya ng nakangiti, matipid siyang ngumiti pabalik sa professor. She sighed. Umalis na ito ng room, nag ma-madali pa siya pero wala naman pa lang gagawin. "Okay ka lang?" Binalingan niya ng tingin ang lalaking lumapit sakaniya. "What do you think? " seryosong tanong niya dito. "Sungit," bulong nito pero nakaabot sa tainga niya. "Maganda sana kaso ang sungit tol!" "Tanga ka! wala ka pala e." tumayo siya dahil naiirita siya sa mga tawanan nito. "Hey you! Hindi mo ba ako kilala?" She almost rolled her eyeballs when the girl suddenly goes in front of her. Ito ‘yong namatid sa kaniya. They are fvcking 3rd year college pero may ganito pa rin pala?! Napaka childish! Hindi niya ito pinansin at iiwasan sana kaso may dalawang babae pa ang humarang sa kaniya. "What--" napatigil siya nang may magsalita "No fight" napatingin siya sa lalaking kakapasok lang. Seryoso itong nakatingin sa kanila ngayon. Mukhang estudyante at kaklase nila dahil tumungo ito sa dulo para kunin ang bag. Napa-taas ang isang kilay niya nang sumunod ang tatlong babae. "Humanda ka sa akin." napa-iling na lang siya at akmang aalis na nang harangan naman siya ng lalaking nagsalita kanina. Ano ba?! Lahat nalang ba haharang sa akin?! "We have orientation for the new students or transferees, but you should go to the clinic first." hindi niya ito pinansin at iniwasan na lang para makalabas ng room, pero bigla siya nitong hinawakan sa kamay kaya agad nag react ang katawan niya at naitulak niya ito nang malakas. "Fvck," napa-sandal ito sa white board. Narinig niya pa ang mga bulungan sa loob ng room. 'Tinulak niya si leigh?!" 'Anong problema niya?' 'What a b***h!' "What the hell?!" singhal nito sa kaniya, umayos ito nang tayo at hinarap siya. Mukhang galit na galit pero wala siyang paki-alam. "Sorry," she said. Ayaw niyang makipag-away dahil hindi naman siya na rito sa school para makipag-away. Isa pa, first day ngayon pero napakadami agad ang nangyayari. Masakit na ang ulo niya. "Sorry?! You don't even look like sincere." "Anong gusto mo ngitian kita? Yakapin kita? Tangina! Ikaw ang may kasalanan, hinawakan mo ang kamay ko." Nakita niya ang gulat sa mukha nito pero mas lamang ang inis nito sa kaniya. "I was suggesting that you should go to the clinic first! Well, if you don't want to, go to avr room now." matigas na sambit nito. Sumeryoso ito at kinuha ang bag tsaka umalis sa harapan niya. "Hey you should apologize b***h! He's a president of student council! Gusto mo talaga magkaroon ng red card?" sigaw ng isang babae. Wala siyang pakialam kung presidente pa ito ng pilipinas! Nakakainit ng ulo. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya at lumabas ng room. Hindi siya pupunta sa orientation, bahala sila sa buhay nila! Masakit na nga ang sugat niya, masakit pa ‘yong ulo niya tapos ngayon na-ii-stress pa siya dahil sa pakialamerong lalaki na ‘yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.7K
bc

Dangerous Spy

read
322.4K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.6K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook