Sumakit na ang paa nya sa tagal nilang naglalakad at ilang beses na siyang natalisod dahil sa madilim ang paligid. Nakarating din sila sa bahay na natanaw nila akala lang pala nila na malapit pero malayo rin ang nilakad bago nila narating. "Tao po!tao po!" Tawag ni Diego. "Baka tulog lang o kaya walang tao."ani kim "Tao po!tawag ulit ng binata.Nakailang tawag din sila. Mayamaya lang ay may nagbukas ng pinto at lumabas ang isang matanda na hawak ang isang gasera. "Mawalang galang po at pasinsiya na po sa abala.Hihingi lang sana po kami ng tulong."ani Diego sa matanda. Mukhang mabait naman ang matanda at walang pag alinlangan na pinatuloy sila. Pinaghanda sila nito ng mainit na kape. Dahil sa kalalakad nila,wala pa silang pahinga at tulog. At mukhang madaling araw na. Naikwento n

