Dahil sa pag aaway nila may tatlong armadong lalaki ang nakalapit sa kanila ng hindi nila namamalayan.Parepareho itong nakaitim na jacket na akala mo mga kontrabida sa pelikula.
Pasimpleng dinikitan sila nito habang nakatutok ang baril sa kanila.
"Oy Pre may lover's quarrel!Sige sakay at wag na wag kayong sisigaw kong hindi ipuputok ko tong baril na hawak ko."banta ng isa sa lalaking may hawak na baril.
Halatang nagulat ang dalawa.Nabahiran ng takot ang mukha ng dalaga ng tutukan sila ng baril ng tatlong armadong lalaki.
Hindi rin nakaporma ang binata kung siya lang wala namang problema dahil kaya nyang patumbahin ang mga ito.Anong silbi ng self defense at martial arts na pinag aralan kung di naman magagamit.Ang problema nya lang ang eskandalosang babaeng kasama.Baka may mangyaring hindi maganda dito malalagot siya sa kaibigang si Nick.
Itinulak sila ng isang lalaki papasok sa loob ng backseat.
Samantalang ang dalawa ang nasa unahan.
"Ang susi?ibigay mo sa kin kung ayaw mong may mangyari sa yo!"anang lalaking nasa driver seat.Tiim ang bagang na ibinigay ni Diego ang susi dito.
Napadikit naman si kim kay Diego ng sumakay ang isang lalaki sa likod katabi nya.
She does not like his smell anytime ay parang gusto nya masuka hindi lang sa itsura nito kuni sa katawan nito.
Nandidiring napadikit siya sa binata at nandun pa rin ang takot nya ng tutukan sila ng baril.
"Please maawa naman kayo sa min,ano bang kailangan nyo?lakas loob na sabi ni kim kahit nanginginig ang boses.
"Kung mamalasin nga naman!"bulong ni Diego.
"Tumahimik kayo!baka kung anong maisipan namin e hindi kami mangiming patayin kayo."
"Wow brod,ganda ng kotse natin ah...angas kahit isang taon kong sahod hindi ako makakabili nito."nakangising turan ng isang lalaki na nakapwesto sa driver seat.
Napatiim bagang si Diego,Gusto nyang basagin ang mukha ng tatlo pero hindi nya magawa.
"Brod ang ganda ng girlfriend mo ah,pwede bang tikman?"nakangising baling ng isang nasa unahan kina Kim at Diego.
Umakyat ata sa ulo ang dugo ni kim sa narinig.
"Kapal ng mukha mo!Tikman?over my dead body kung mukhang gorilyang tulad mo lang naman wag na oi.kakadiri ka pagmumukha mo may papatol sa yo."iritadong sagot ni kim.
Wala sa loob na natakpan ang hita na lumitaw sa suot nyang dress na may slit sa bandang hita.
"Abat!ang walang yang babae na to,akala mo ba kagandahan?
Kung magsalita ka parang ikaw lang ang babae ng syota mong yan!eh kung ipakain ko tong baril ko ng makita mo hinahanap mo ha?"galit na turan ng napikon na lalaki.
"Manahimik ka kung pwede baka matodas tayo sa ingay ng bibig mo!"bulong ni Diego sa dalaga.
"Relax pre,hindi naman yang babae na yan kailangan natin.
Sige na kunin mo na mga mahalagang gamit nila na pwede nating pakinabangan."Utos ng nagmamaneho.
Wala silang nagawa ng kunin ng mga ito ang wallet,bag,pera at cellphone nila.
Mahabang byahe pa at hindi na nila alam kung saang lugar na ang tinatakbo ng kanilang sinasakyan.
Halos mangawit ang pang upo at binti nya sa haba ng byahe nila.Hindi siya kumportable sa upuan dahil naiirita siya sa mukhang impaktong katabi nya na pilit dumidikit sa kanya.
Mangani ngani nyang sampalin ito kung hindi dahil lang sa binata.
Hinawakan nito ang isang kamay nya ng umangat na para sampalin ang impaktong katabi.
"tssk...dont you dare kung ayaw mong mapahamak tayong dalawa."mariing bulong nya sa dalaga.
Hinila na nya lang ito pasubsob sa katawan nya at pinulupot ang braso sa katawan nito bilang harang na rin sa katabi nitong lalaki.
Kahit gusto nyang magprotesta sa ginawa ng binata sinubsob na lng nya ang mukha sa katawan nito.Nanunuot sa ilong nya ang amoy nito and his perfume calm her senses.
He smell "masarap and hot overload" too.Mariing naipikit nya ang mata sa mga kalaswaang pumapasok sa utak nya.
Gusto nyang sabunutan ang sarili dahil nakakapag isip pa siya ng ganito sa binata samantalang nasa panganib na nga sila.
Hindi nila alam kung saang lupalop sila ng huminto ang kanilang sasakyan at sapilitang pinababa.
Mabilis namang humarurot ang sasakuan ng maibaba sila ng mga ito.
"Kung manalasin ka nga naman bwisit!"ani Diego.
Hindi nila alam kung saan tutungo. Mas pinili nilang lakarin ang pabalik na pinanggalingan.
"Dont tell me na ako ang tinutukoy mo na malas?."ani kim na tinarayan ang lalaki.
"Ikaw nagsabi nyan hindi ako.Wala naman akong ibang kasama dito kundi ikaw.
Pag nagsasanga ang landas natin puro kamalasan inaabot ko sa yo!"ani Diego na iniwan siya.
Inis na sumunod ang babae dito.
Muntikan pa siyang masubsob dahil madilim.
Walang kahit anong sasakyan ang dumadaan.
"Hoy FYI hindi ako malas,baka ikaw ang mas malas.Remember ikaw ang unang bumangga sa kin nung una pa man,kung anong kamalasan na ang dumating sa buhay ko ng dahil sa yo.At kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako lumapit sayo!"sigaw nya dito.
"Malas pala ha?eh bakit sumusunod ka pa sa akin?"Diego said with sarcastic voice.
"Ah eh ibang usapan yon.Im afraid nakikita mo ba kung saang lugar tayo at ang dilim dilim.
Malay ko bang may mga maligno at kapre dito."
Mabilis siyang umagapay sa paglalakad nito at baka iwanan pa siya.
"Maligno at kapre?nahihibang ka na ba?mas matakot ka kung ang makasalubong mo rapist at pagtripan ka.Sa suot mong yan malamang ma attempt sila."bruskong sabi nito sa dalaga.
"Rapist duh!baka ikaw pa gumawa nun sa kin."taray nito.
"Hindi kita papatulan.Baka ikaw pa nga ang mang rape sa kin.Make sure na magmamakaawa ka sa kin malay mo maawa ako sa yo."ani Diego
"What??do you know what you talking about?ikaw pala tong hibang not me.Masyado naman palang mataas ang expectation mo sa sarili mo noh!at gwapong gwapo ka pa sa mukha mong yan?"
"Hindi ba?alam ko gwapo lang hinahabol tulad ng paghabol mo ngayon sa kin.Isa pa halos gahasain mo na nga ako kanina sa kakayakap mo."
"Abat ang saksakan ng aroganteng mo,kala mo feel na feel ko kagwapuhan mo.
Natural lang na sumunod ako at humabol sayo,ang bilis mo kayang maglakad at isa pa ikaw itong humigit sa kin para mayakap ka noh!!
Kapal ng face nito,where here in nowhere at ang dilim haller!Pwede ba huminto naman tayo.
Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Pwede ba manahimik ka nakukulili na ang tainga ko sa kakadakdak mo.Yang bibig mo ang ingay ingay.
Pati lahat ng tulog na insekto magigising sa kakatalak mo.
Hindi ko alam kung pinaglihi ka ng nanay mo sa pwet ng manok.
Panay ang putak,pati eardrum ko nagrereklamo sayo."
Napamaang si kim sa bruskuhan ng lalaki.
"What the f**k are you talking about?hindi mo ko mapipigil sa pagsasalita ko."
"Yeah maybe you want another kiss for me para matahimik ka?anitong tumigil paharap sa kanya kaya nabangga pa siya nito.
Langhap nya ang mabangong amoy ng binata.
Namula ang kanyang mukha kahit madilim ramdam nya yon.
"Kiss your ass unggoy feeling mo nagustuhan ko yong halik mo?asa ka pa!Namumuro ka sa kin ha ilang halik na ninakaw mo sa kin!"gigil na gilil siya dito.
"Hindi mo ba nagustuhan? Well mali lang siguro ako,but I heared you moan while im kissing you that time."nakangisi pa ang binata bago siya tinalikuran.
"s**t!naisahan siya ng walanghiya.Tahimik na sinundan na lang nya ito.
Napangiti naman siya sa reaksyon ng dalaga.Halos isang oras silang naglakad ng makakita ng konting liwanag.
Marahil nanggaling yon sa isa sa bahay na may kalayuan pa.Nag iisa lang ito na may ilaw na nakikita nila sa dilim.
May kalayuan din pala ang bahay na yon bago nila narating.