"Gusto ko ng cheese at bread." humihikbi na sagot ni Lynnette. Pinunasan din niya ang kanyang luha, dahil alam niyang masama na umiiyak sa harapan ng pagkain. Itinulak na din niya ang kanyang plato palayo sa kanyang harapan. Gustuhin man niyang kumain, pero hindi talaga niya malunok ang ulam na nasa plato niya. Kunot ang noong nakatitig si Henry sa asawa. Hindi niya talaga alam kung ano ang nangyayari sa babae. Biglang bigla na lang kasi itong nag bago. Hindi rin iyakin dati si Lynnette, ngunit ngayon ay tila napapadalas na ang pag iyak niya. Ang isa pa na ipinag tataka niya ay ang biglang pag babago ng pang amoy at panlasa ng asawa. Walang nagawa si Henry, kun'di ang tumayo upang ikuha ng cheese at bread si Lynnette. Kinuha niya mula sa loob ng ref ang malaking block ng cheese, saka

