GABI NA LUMAPAG ang eroplanong sinasakyan nina Lynnette at Henry sa Manila International Airport. Natagalan din sila sa stop over nila sa Singapore, kaya naka pamasyal pa sila sa Jewel. Ang Jewel ay isa sa tourist attraction na matatagpuan sa labas mismo ng Terminal 2 ng Changi International Airport. Kumain pa sila sa Basement ng Jewel at kitang kita mula sa kanilang table ang tubig na umaagos sa isang malaking glass tube. Galing ang tubig na yun sa Rain Vortex ng Jewel. Ito ay isang waterfall mula sa glass ceiling ng Jewel, at pababa ang tubig sa isang malaking butas. Pagbaba naman nito sa butas na nasa first floor ay tatagos naman ang tubig at dadaloy ito pababa sa isang glass tube sa gitna ng mga restaurant sa Basement. Napaka ganda nitong attraction para sa mga tourist at local. TULO

