"Mahal, bakit ka naka simangot? May problema kaba?" nag aalalang tanong ni Henry sa kanyang asawa. Kararating lamang niya galing sa kanyang trabaho ng madatnan niyang parang pinag sakluban ng langit at lupa si Lynnette. Hindi naman ito dating ganon, kahit galit ito o kaya'y pagod. Kaya nagtataka siyang nilapitan ang babae. Ngunit sa gulat ni Henry, dahil bigla na lang umiyak si Lynnette. Agad din niyang niyakap ang asawa. Nag aalala din siya kung ano ang problema nito at bakit ganon na lamang ito kaapektado. Pina kalma muna niya si Lynnette, bago niya ulit ito tinanong kung ano ang problema nito. "Anong problema?... Bakit ka umiiyak?" malumanay na tanong ni Henry sa asawa ng kumalma na ito. Pinunasan din niya ang luha nito sa pisngi at dinampihan ng halik sa labi. "Dinatnan na naman

