AGAD NA ITINIGIL ni Lynnette ang kanyang kotse sa tabi ng kalsada. Mabilis siyang lumabas at patakbong tinungo ang nakatigil na Van. "Mahal, wait!" sigaw naman ni Henry. Mabilis din siyang tumakbo, upang maabutan ang kanyang asawa. Nag aalala siya na baka mapahamak si Lynnette, oras na buksan nito ang pinto ng Van. "Sandali, dito ka muna. Ako na ang lalapit sa Van, baka manlaban pa ang mga nasa loob at mabaril ka." sabi ni Henry, saka siya mabilis na naglakad patungo sa pintuan ng Van. Mahigpit na hinawakan ni Henry ang kanyang baril, habang naka tutok ito sa pinto ng Van. Kailangang maging alerto siya sa mga ganitong bagay. Kailangan niyang protekyonan muna ang sarili, para hindi siya mapahamak. Bigla naman bumukas ang pinto ng Van at nakita niyang palabas ang mga anak ni Renz,

