AGAD NA NAG BIHIS si Henry, upang puntahan ang bahay ng mga Fuentes. Nagsuot din siya ng black pants, black long sleeve T-Shirt and black shoes. May gloves at bonnet cap, saka isinuot ang kanyang leather jacket. Kinuha din niya ang kanyang helmet, saka pumunta sa kanyang garahe, upang ilabas ang kanyang Ducati. Kailangang makarating siya agad sa bahay ng mga Fuentes, bago kumagat ang dilim. Para walang makakita sa kanyang pag pasok sa loob ng bahay. May susi din siyang dala, dahil ibinigay sa kanya ni Janette ang susi ng kanilang mansion. Kaya hindi siya mahihirapan sa kanyang pag pasok sa loob. Pag dating ni Henry sa loob ng Subdivision ay sa bandang likod siya nag park ng kanyang sasakyan. Itinago rin niya sa likod ng malagong halaman ang kanyang motor, upang walang maka kita na dumada

