MABILIS NA bumalik sina Henry at Lynnette sa kanilang bahay. Iyak din ng iyak si Lynnette, dahil sa awa nito sa kanyang mga magulang. "Mahal, tama na yan. Namumugto na ang mga mata mo." wika ni Henry, habang nagmamaneho ng kanyang kotse, pauwi sa kanyang bahay. "Naaawa lang kasi ako kina Daddy at Mommy, Mahal. Lalo na si Daddy, nasa ganon pa siyang kalagayan, tapos ganito pa ang nangyari sa kanila ni Mommy. "Huwag kang mag alala, Mahal, ipapagamot natin ang Daddy mo, gagaling siya at makakapag usap ulit kayong dalawa." pag papalakas ng loob ni Henry sa asawa. Matulin ang pag papatakbo ni Henry sa kanyang Rolls Royce na kulay itim, pabalik sa kanilang bahay na mag asawa. Highway naman ang daan nila patungo sa Subdivision, kaya napaka bilis lang nilang narating ang kanilang tahanan.

