Chapter 66

1999 Words

“Magpahinga ka na muna dito, Nica.” Inihatid ako ni Manang sa isang bakanteng kwarto. Nahuhuli ko siya na patingin tingin sa akin na parang may gusto itong itanong. Marahil ay narinig niya ang sinabi ni Ethan. Umalis si Ethan na hindi ko alam kung saan nagpunta. Nag-aalala ako dahil padilim na ay wala pa rin ito. Pinilit ako ni Manang na saluhan siya sa pagkain at baka raw kinabukasan pa bumalik si Ethan. Alas-9 na ng gabi nang marinig ko ang pagdating ng isang kotse. Sumilip ako sa bintana upang tingnan kung sino ang dumating dahil hindi ko inasahan na si Ethan ito dahil motor ang gamit niya nang umalis kanina. Matagal bago lumabas ang sakay ng kotse. Dahil iilang ilaw lang ang buhay sa labas kaya hindi ko makita ang loob nito. Maya maya ay lumabas ang driver. Isang babae na mukhang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD