Nahihilo akong nagising dahil sa marahang tapik sa balikat ko. “Ate Nica, gising na po. Ako ang nahihirapan sa pwesto mo rito sa sofa ih. Bakit ba rito ka natulog?” nag-aalalang tanong ni Susan. Inalalayan niya akong bumangon dahil sapo ko ang ulo ko dahil sa pagkahilo. “Susan, anong oras na? Dumating na ba si Ethan?” Tumayo ako at akmang lalabas para tingnan ang sasakyan nito. “Hala, ati nakaalis na ulit si Kuya. May lakad yata sila ni Kuya Calvin. Nagpahanda nga ng maraming damit, parang dinala yata lahat.” Napatigil ako sa paghakbang. “Ha? Anong oras ba siya dumating? Nakita ba niya ko rito? Bakit hindi mo 'ko ginising?” “Ou ati, tinanong lang niya kung bakit ka raw diyan natulog sa sofa tapos dumiretso na sa kwarto niya pero dalawang oras lang yata nagpahinga at umalis din. Madal

