Naghilamos ako at pilit ibinalik sa normal ang emosyon bago lumabas pagkatapos ng ilang minutong pananatili ko rito sa penthouse. Pagbukas ko ng pinto ay bigla kong nasapo ang dibdib sa gulat nang makita si Tita Suzette at Blake sa labas at may kasama silang babae na kung hindi ako nagkakamali base sa suot at buhok nito ay siya si Tiffany. “Oh hi Nica, where are you going?” tanong nito na parang inaasahan nang makita ako rito. I pursed my lips at nag-aalangang tumingin kay Tiffany. “By the way, Nica, this is Tiffany Lopez Ethan's good friend. Tiffany, this is Nica, EJ's mom and hopefully my future daughter in-law.” She widened her eyes and exclaimed. “Oh my, finally I meet you, Monica. Now I know why Ethan is very eager to stay here na, for good. Nice to meet you Monica. Again I'm Ti

