Umuwi ako sa apartment kagabi pagkatapos matiyak na mahimbing nang nakatulog si Ethan. Alam kong nakabuo na ng mga kung anu-anong espekulasyon ang mga ka-trabaho ko pagkatapos makita at marinig ang mga ginawa at sinabi ni Ethan at alam kong madadagdagan pa iyon kung sa penthouse pa niya ako magpapalipas ng gabi. Pinilit ko pa na sumama sa akin si Blake dahil gusto pa raw niyang makasama ang Daddy niya, nagpaawa lang ako at nag-drama ng konti para mapilitan siyang sumama sa'kin. Maaga pa lang ay nagising na ako sa maliliit na halik sa pisngi ko. “Mommy, wake up! Pupunta tayo sa hotel, 'di ba? Baka gising na si Daddy, Mommy!” Naghikab ako habang nag-iinat. “Blake, maaga pa. Walang work si Mommy today, right? Weekend ngayon, we're supposed to stay at home then bukas pa tayo lalabas, hindi

