Marami ng tao nang pumasok ako sa event hall. Itinuro sa akin ng receptionist ang seats na naka-reserved sa amin ni Benny. Umupo ako rito at wala sa loob na nagpalinga-linga. Sanay na akong makakita at makihalubilo ang mga mayayaman at totoong may kaya sa buhay. Kaya’t hindi na bago sa akin na makahalubilo sila sa mga ganitong event. Nang wala ako makita kahit na isang kakilala ay yumuko na lang ako at nag-browse ng cellphone ko. Binuksan ko ang f*******: ko at unang lumabas sa newsfeed ko ang post ni Chelsea. Kumunot ang noo ko. “So annoying, we were not able to stay at the party.” Iginala kong muli ang mga mata sa paligid. ‘Bakit same ng hall na ito ang background ni Chelsea at Tommy sa picture? Ito rin ba ang sinasabi niya na party na pupuntahan nila?’ Binuksan ko ang messenger k

