Nakangiting sinipat ko ang sarili sa salamin. Sabi ni Tita Suzette ay kailangan ko lang naman um-attend sa launch party ng isang condominium ng future business partner niya. Importante raw na may representative from Main office so technically, attendance lang kailangan at wala naman akong gagawin kundi umupo doon. Napili ko ang isang blue dress below the knee length na tinernohan ko ng 2 inches high heels mula sa mga pa-wardrobe ni Benny. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at the same time ay excited sa gabing ito. Samantalang hindi ko na rin naman mabilang kung ilang social gatherings na ang napuntahan ko kasama ang ilan sa mga elite businessman/woman na nakakausap ni Tita Suzette. Paglabas ko ng kwarto ay may nakita akong lalaki na mukhang galing din sa isa sa mga presidential

