Tinakpan ko ang tenga ko nang marinig ang nakabibinging tili ni Aileen. “Girl, you're so lucky! Kaya naman pala ganon ka-gwapo si baby EJ!” I glared at her. “So sinasabi mong pangit ako?” “Gaga, what I mean is dati ko pa ini-imagine kung ano ang hitsura ng daddy ni EJ. Dahil parang walang nakuha sa'yo kundi lips lang. Ngayon ko lang na-realized na medyo may combination sa inyong dalawa kaya pala ganoon ka-gwapo ang inaanak ko. Mas lamang nga lang ang jowa mo.” I rolled my eyes. “OMG, girl sinusundo ka na ba niya?” kinikilig nitong tanong. “First of all, he's my past. Pangalawa, nakita mo ba ‘yong babaeng kasama niya kanina? Asawa niya.” I felt an invisible lump on my throat. “F*ck! May asawa na siya?” Sabay namin tiningnan si Eric nang magmura ito. “Bakit, type mo? Si Nica nga wala

