Atubili akong kumatok sa kwarto ni Ethan pagkatapos sabihin ni Manang Ana na may kausap ito sa telepono na rinig daw niya ay pinapaasikaso ang pagbalik nito sa America. Pinakiusapan ako ni Tita Suzette na gawin ang lahat para i-delay ang pag-alis ni Ethan kahit hanggang sa makabalik sila rito. Naka-tatlong katok ako nang marinig ang sagot niya ng “come in”. Dahan dahan kong binuksan ang hindi naka-lock na pinto. Tumambad sa akin ang isang maleta sa ibabaw ng kama niya, sa tabi nito ang ilang damit na nakalatag. Nakaharap sa akin ang bulto ng likod nito habang tuwalya lang nakatapis sa baywang, mukang kakatapos lang maligo at medyo gulo pa ang basa nitong buhok. Nakayuko ito at abala sa paglalagay ng mga gamit sa maleta. Humarap siya sa akin with his darkened face. “Yes? May kailangan k

