“Wait, bakit ang dilim?” tanong ko nang lumingon sa bintana. “Malamang brownout," walang gana niyang sagot. I rolled my eyes. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito. Palabas na ko nang magsalita siya ulit. “Where are you going?” “Tatawagan ko lang ang technician, nakalimutan yata na may genset dito.” matabang ko rin sagot. Lumapit siya sa akin. Kita ko ang matalim niyang tingin dala ng konting liwanag na nagmumula sa bukas na bintana. “Do you really have to go out when making phone calls?” I twitched my lip. “Sa pagkakaalam ko po ay kwarto mo ‘to, so natural lang na lumabas ako 'di ba?” naiinis kong sagot. “Monica, why are you so---” “Ayyy!!” tili ko ng marinig ang malakas na kulog. Nanginginig ang mga kamay na tinakpan ko ang magkabilan

