“Twenty years Florie, twenty three long years. Do you actually imagine what kind of life I've been through with those years? Halos mamatay ako habang inaagaw mo ang mga sandaling ako dapat ang nag-aalaga sa kanya. Ako dapat ang kasama niya at nag-aaruga sa kanya,” humahagulhol na sigaw ng isang babae sa loob ng ward ni Mama. “Patawarin mo ako Suzette, nagawa ko lang ‘yon dahil masyado akong nainggit sa'yo. Dahil ikaw ang mahal ni Fred. Kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang hinahanap niya. Mula nang ipagtabuyan mo siya at nagpakasal ka kay Renato pinabayaan na rin niya ang sarili niya pati ako ay ipinagtabuyan na rin niya hanggang sa umalis siya at hindi na nagpakita… at noong ipinahiram mo sa akin ang anak mo, nalaman ko kung nasaan si Fred. Sinundan ko siya and I tried to build a family

