Chapter 47

1433 Words

Naghihintay na si Manong Edwin sa lobby ng hotel nang lumabas ako ng opisina. Tumayo ito at nakangiting bumati sa akin. “Good afternoon po, Mam Nica, aalis na po ba tayo?” magalang na bati nito. “Opo, Manong. Mabuti na po na mauna tayo dumating kesa si Sir Arvin pa ang maghintay sa atin.” Saglit kong pinasadahan ang sarili ko sa glass wall ng lobby. I just wear an ordinary jeans and sleeveless blouse and blazer since sa farm resort daw ang diretso nito. Nilapitan ko si Manong Edwin na nakamasid sa akin habang naghihintay. “Maganda ka na Mam kahit hindi ka mag-ayos, panigurado kahit si Boss eh mai-inlove sa'yo.” Biro nito. “Si Manong talaga, paborito mo talaga akong utuin. Syempre nakakahiya naman po sa anak ng boss natin na mukhang haggard ang susundo sa kanya,” natatawa kong paliwanag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD