Chapter 1

1574 Words
CHAPTER 1   Isang malamig na titig ang ibinalik sa akin ng bagong dating bago tumuloy at umupo sa katapat kong silya.   So he is the f-father, huh? Nagkakagulo ngayon ang brain cells ko. I just got the biggest surprise of my life. Mapait akong napangiti.   How unfortunate for us to meet again this way.   Nagsilbing facilitator si Misis Makabuhay. Andami niyang sinabi pero hindi kayang i-accommodate ng utak ko. Parang hangin lang na pumapasok sa isang tenga labas sa kabila. Nakatingin lang ako sa lalaking nasa harap ko na ni sulyap ay hindi man lang ako mapagbigyan.   Gaano ba kalaki ang galit niya sa akin? Is this still about me leaving him even if he didn't want me to go? But it was... a long time ago.   Is he just pretending that he doesn't know me or he really did forgot me? And why do I care?   Clarke, pull yourself together!   "Misis, pu-pwede pong ma-expel ang anak niyo dahil sa ginawa niya." Sabi ni Misis Makabuhay. Napa-maang naman ako.   "Sobra naman po siguro iyon. Isa pa ay hindi lang naman ang a-anak ko ang may ginawang mali." Parang may bikig sa lalamunan ko.   "Baka naman po pupwede nating pag-usapan."   Kahit matayog ang pride ko ay nilunok ko na. Kung ano ang rason ay hindi ko na alam. Sa katunayan ay hindi ako makapag-isip ng tama. Basta hindi pwedeng ma-expel ang anak ko.   "S-sir..." Really, Sir? Nyeta naman. Bakit ako nagsta-stammer? He looked at my direction. Napalunok ako. His stare is piercing, dama ang galit doon.   "Away bata lang naman ito baka naman pupwedeng pag-usapan na lang. A-anak niyo naman po ang nauna." I look away hindi ko kayang tagalan ang titig niya.   Oh, nasaan na ang tapang mo Clarke?   Tinaasan niya ako ng kilay bago bumaling sa anak niya.   "What can you say son?" Tanong nito sa baritonong boses. Parang gusto ko na lang maglupasay at umiyak pero nakakahiya naman iyon.   Tiningnan ko na lang si Laviña. Masasamang tingin ang ipinupukol niyo doon sa kaaway niya. Sinuway ko naman siya.   "Kala mo naman sinong gwapo! Eh, mas pogi naman si Arth." Bubulong-bulong pa ito.   I caressed her back. "Hayaan mo na ‘nak."   "It's fine but with my conditions. First, she must apologize for punching me. Second, she will not sit beside Arthur and share her food with him." Parang malaking tao na sabi nito.   I frowned. Ano ba namang bata ito, manang-mana sa ama. Baluktot mag-isip! Ang sarap kutusan. Ganito ba siya magpalaki ng anak? I smirked.   "Pumapayag po ba kayo Misis Roa?" Tanong ni Misis Makabuhay.   Tumango ako.   "Nak, mag-sorry ka na." Sabi ko kay Laviña.   I just want to roll my eyes sa mga pinagsasabi noong bata. Madamot. Bakit naman siya makikialam sa mga gustong gawin ng anak ko? Ang arte ng mag-amang ito. Nako talaga!   Halata namang ayaw ng anak ko mag-sorry. Matayog din ang pride ng isang ito mana sa pinagmanahan. Pero kasi wala naman kaming magagawa. At the end of the day we are powerless. Umaasa lang sa scholarship para makapag-aral sa ganito ka prestihiyosong paaralan. Saying sorry won't hurt... pero bakit sa kanya pa, sa anak niya?   Nag-angat ako ng tingin kaya nagsalubong ang tingin namin ni... Ludwig Ricaforte. He glared at me. Umirap ako, pambawi man lang ng dangal. Bitter ang gago.   Siya nga ba ang bitter o ikaw? Nang-uukray na naman ang isang bahagi ng isip ko. Leche!   "Sorry." Labas sa ilong na sabi ng anak ko. Napailing na lang ako.   Sana matapos na ito.   "She don't look sincere." Komento ng batang lalaki.   Gusto kong umismid, ang daming keme. Ano pa ba ang ina-arte ng batang ito? Kinalabit ko naman si Laviña at sinabing ‘wag na maarte. Bad din naman kasi iyong ginawa niya.   "Sorry na Aristotle. H-hindi naman malakas iyong suntok ko eh." Napalabi si Laviña. Sige anak daanin mo sa cuteness!   "Anong hindi malakas? My nose bled!" Giit nito.   Napamaang ako at tiningnan si Laviña. Nag peace sign siya sa akin. I noted mentally na pagsabihan ang anak ko.   "Nag-sorry na nga diba?" Naiirita na ang boses ni Laviña.   "See dad? She is not sincere." Aris insisted to his father.   "Misis Roa ano ba ang tinuturo mo sa anak mo?" He gave emphasis to what he called me.   Umismid ako.   "Nanakit na nga hindi pa marunong mag-sorry."   Annoy na annoy naman ako sa mag-amang nasa harap ko. "Excuse me lang Sir, ha. Hindi naman ata tama iyang ginagawa ng anak mo. Kino-konsenti niyo pa."   Pinag diinan ko talaga ang 'anak mo'. Hindi na ako nakatiis. Sumosobra na kasi ang pang-aapi nila sa aming mag-ina.   "Dapat nga pong ang anak mo mag-sorry din sa anak ko. Sinabihin ba namang pangit ang anak ko?"   Misis Makabuhay looked appalled dahil sa sinabi ko at malamang dahil nagawa kong pagtaasan ng boses ang respetadong kaharap. Huh! Respetado my ass. Ano naman kung mayaman siya? Napuno na kasi ako.   "Now you're being childish Misis Roa. Ikaw na ang nagsabi away bata lang ito, eh ano naman ngayon. It's not a big deal if my son called your daughter na pangit."   Nakapamewang ako na tumayo saka hinarap ang talipandas. "Hindi big deal? Hindi ba malinaw na bullying iyon?" I raised my point.   Tumayo din siya. Napatingala tuloy ako.   "Bullying is different from a childish fight. Ang point dito sinaktan ng anak mo ang anak ko."   "Ang sabihin mo konsintidor ka. Ganyan ka ba magpalaki ng bata? Kita namang spoiled brat iyang anak mo."   Feeling ko lalabas na ang litid sa leeg ko. Nasagad na talaga niya ang pasensya ko. Masasakal ko talaga ang hinayupak na ito.   How dare him let his son call my daughter ugly!   "Look who's talking..." He shook his head in disbelief. Napatiim ang bagang niya.   "Hindi spoiled ang anak ko!"   "Maam. Sir. Huminahon po tayo." Awat sa amin ni Misis Makabuhay.   Saka ko lang na realize na ang lapit na namin sa isa't-isa. Napalayo agad ako. Ang lakas ng tahip ng puso ko. Dahil siguro sa pagtatalo namin or... Never mind. Kinalma ko ang sarili. Nakalimutan ko ng nandito pala ang mga bata.   Obviously na-stress si Misis Makabuhay sa amin. Pati kami ay kinailangan pang pakalmahin. Iyong kaninang nararamdaman ko ay napalitan na ng inis at pagka-bwesit.   Inabot na kami ng siyam-siyam. Sa huli ay naiayos naman. Hindi na daw nila i-expel ang anak ko. Aba dapat lang. Kung hindi ay magrereklamo talaga ako sa DepEd o hindi kaya ipo-post ko sa social media nang magviral.   Naglahad ako ng kamay kay Ludwig kahit labag sa loob bilang tanda ng aming pagkakaunawaan. Tiningnan niya lang ito saka umismid. Agad ko itong binawi at baka ako naman ang makasapak.   "I hope this won't happen again." Si Misis Makabuhay.   Ang unfair lang talaga!   "Ma’am thank you for your kind consideration. Mauna na po kami. Say good bye na anak." Tumayo naman si Laviña at kumaway kay Misis Makabuhay.   "Good bye po Ma’am."   See how adorable my daughter is?   Mabilis kong hinila palabas si Laviña. Hindi ko na matiis ang huminga sa iisang lugar kasama ng taong iyon. Nagugulo ang systema ko which is not good.   "Anak huwag ka ng lalapit sa batang iyon ha. Umiwas ka na. Wag mo ng patulan. Hindi ka pangit. Mana ka sa akin, maganda. Sila ang pangit." Kinausap ko ang anak ko nang makalayo kami.   "Yes ma." Sagot ng anak ko.   "Very good."   Ako na ang nagdala ng bag niya. Naglakad pa kami hanggang sa makarating sa sakayan ng tricycle. Hindi naman kalayuan ang apartment namin kaya mga sampung minuto lang ay nasa tapat na kami ng inuupahang unit. Isa itong studio type apartment may kaliitan pero keri naman sa cuteness naming mag-ina.   "Nak, bihis ka na. Ihahanda ko lang ang merienda mo." Bilin ko nang makapasok kami sa bahay.   "Okay po." Sagot nito at pumasok na sa kwarto naming mag-ina.   Diretso ako sa kusina para maghanda ng sandwich niya. Pagkatapos magmerienda ay nagre-review kami o di kaya gumagawa ng assignment niya. Although, sa tingin ko naman ay hindi na kailangan ng tulong ni Laviña. Mataas ang IQ nito kumpara sa average na five years old. Katunayan ay grade one na ito. Kumakayod ako para mapag-aral siya doon sa private school. Nakakatuwa nga at dahil sa isang raffle ng gatas ay naipasok ko nga siya sa prestihiyosong paaralan. Nanalo kami ng scholarship.   Oh diba, bongga?   "Ma!" Tawag ng anak ko habang papalapit sa akin.   Umupo siya sa silyang katabi ko. Nagpray muna siya bago kainin ang sandwich niya.   "Mama sorry po. Nitawag ka po sa school." Usal niya. I lightly tapped her head. Napabuntong hininga ako.   "Ayos lang ‘nak. Basta sa susunod ‘wag mo na lang papansinin kapag may sinasabing hindi maganda sayo, ha? Bad kasi iyong nanapak. Pero kapag sinaktan ka sabihin mo agad sa akin." Pangaral ko sa kanya. Tumango naman siya.   Binalingan niya ang librong sinasagotan, ako naman ay nagbabasa ng emails sa cellphone ko. Tungkol parin sa trabaho. Nagreply ako sa ilang mensahe.   "Ma nasaan ba kasi ang papa ko?" Ungot niya.   Natigilan ako.   Ito talaga ang million dollar question kapag single mom ka. Nasaan nga ba?   "Alam mo kasi ‘nak, hindi mo pa maiintidihan sa ngayon pero ‘pag malaki ka na ipapaliwanag ko sayo, okay?"   Her cute lips pouted.   "Kung kasing old na po ako ni Ate Tratra?" Tukoy niya sa kapit-bahay naming nasa college na.   Ngumiti ako. "Oo."   Bumalik siya sa ginagawa habang ako ay hindi na magawang makapag-focus. Naglalakbay na naman ang isip ko.   Nagkwentohan kami habang kumakain at ginagawa ang assignment niya. Kaya lang natigilan ulit ako sa bigla niyang sinabi. Nabitin tuloy sa ere ang pagsubo ko ng sanwich.   "Ma ang pogi noong daddy ni Aris noh?" Napanganga talaga ako, muntik pa akong mabilaokan ng sariling laway.   "Ganoon din kaya ka pogi ang tatay ko?" She said nonchalantly. Hindi naman ako nakasagot agad. Napipilan ako.   I sighed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD