Chapter 2

1576 Words
CHAPTER 2   Hating gabi na. Kanina pa tulog si Laviña samantalang ako, hindi ko man lang magawang pumikit. Gising na gising ang diwa ko.   Sobrang bilis ng mga pangyayari. I was actually caught off guard sa nangyaring pagtatagpo kanina. Sabi pa nga life is full of surprises pero ang ikinakainis ko ay kung bakit ganoon na lang ang reaction ko. I mean, I should be fine right?   Okay na dapat eh.   Tumayo ako mula sa pagkakahiga. I can't sleep anyway. I should make peace with myself kung gusto kong makatulog sa susunod na mga gabi. Dinala ako ng mga paa ko sa sala. Ayoko namang magising si Laviña, mahirap pa naman patulogin iyon.   Bakit nga ba ako naapektohan sa muli naming pagkikita ni Ludwig? It has been what, six years? Bakit may tama parin? Bakit ganoon parin ang t***k ng puso ko, nagwawala? I shook my head. Puro na lang ako bakit.   Kinutosan ko ang sarili ko. Ako lang din ang nasaktan. "Ar-ouch."   Sumagi sa isip ko iyong mukha ng batang lalaki kanina, Si Aristotle. Classmate sila ni Laviña. What a small world nga naman. Lumiliit talaga ang mundo kapag may iniiwasan ka.   Napahinto ako sa iniisip ko. "Ako, umiiwas?... Hindi kaya." Parang tanga kong kausap sa sarili ko.   Hindi naman talaga ako umiiwas. 'Sige, convince yourself girl'. Ayan na naman ang atribidang bahagi ng isip ko.   Ano kayang iniisip niya noong makita niya ako kanina? Nagulat kaya siya? Did he m-miss... Ugh! Stop right there self. You're committing a crime!   "Galit nga diba?" I said thinking out loud. His eyes spits hate which I don't get why. Dahil parin doon?   Suddenly, I remember what happened years ago. How things drastically changed. Iyong turning point para mabago ang buhay ko.       "You okay Clarke?" He looked concerned and bothered. Tumango ako at binigyan siya ng tipid na ngiti kahit naghuhurmentado talaga ang kaloob-looban ko.   I heaved a sigh. It's now or never isip-isip ko. I am actually thinking of those cliché break up scenes I have watched. But hey, no break up is easy lalo na kung hindi mo naman talaga iyon gusto. I sighed again.   "Lud..." I called him.   "Oh?"   "Wag kang magagalit ha." Panimula ko. He automatically frowned.   "P-pwedeng magbreak na tayo?" I said in a small voice. Dahan-dahang umawang ang labi iya. It looks like he want to say something pero he is lost for words. His jaw clenched.   "Makinig ka muna please." Pagsusumamo ko.   This is my chance na ipaintindi sa kanya kung bakit ginagawa ko ito. I don't want us to end up like in those movies kung saan ay magkakasakitan kami. That would be tragic.   "Hindi ako nakikipaghiwalay dahil may iba akong lalaki and the likes, okay? Mahal kita kaya ko ito ginagawa." Lalong nalukot ang mukha niya. He wanted to butt in pero pinigilan ko siya.   "You see, I need to leave. Alam mo naman iyon. Kailangan kong sumunod sa pamilya ko sa Malaysia."   Huminga ako ng malalim. Kinukulang ng hangin ang baga ko.   "Iyon lang ba? Then why do you want us to break up? Eh, ang lapit-lapit lang ng Malaysia ah. We have technology and sort. Hindi kita maintindihan." Litong-lito niyang tanong.   He doesn't get it, does he?   "May sakit si mama and it's getting worst. I have to work for my family. Kailangan nila ako. I don't want to offer you a long distance relationship dahil unfair iyon. Hindi kita mabibigyan ng sapat na oras. At ayokong umabot sa punto na magkasakitan tayo." I tried to elaborate my point wishing he would understand.   Mahirap ang LDR, ilang relasyon na ba ang nasira ng dahil doon? Ayoko ng dumagdag. It almost happened to our family. Thank God my parents love endured. Kaya lang papa passed away.   "Sasamahan kita. Tutulongan ko kayo. Sabi ko naman sayo magpakasal na tayo. That way I can freely help you as your husband." Disidido niyang sabi.   Umiling ako.   He don't get it.   "Iyon ang ‘wag na ‘wag mong gagawin Lud. This is why I am breaking up with you. May sarili kang buhay and you ought to live it with or without me. Hindi lang dapat ako ang iniisip mo."   "But I love you..." Madamdamin niyang saad, punong-puno ng frustration.   "I love you too." Sabi ko sa basag na tinig.   My ground shook. Tama pa ba itong ginagawa ko? But I know this is the best thing to do. I will surely break his heart. It's just a matter of when. Kung sakali mang masaktan ko siya then that would mean I will break my own heart too.   How can I let go of this man?     "Ma! Ma!" Isang maliit na tinig ang gumising sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Ang sakit ng leeg ko. Nag-inat ako ng buto at pupungas-pungas pa.   "Oh, ‘nak gising ka na pala."   "Ma, bakit naman po dito kayo natulog sa sala?"   Saka ko lang napansin na umaga na pala at nakatulogan ko na ang malalim na pagisip-isip.   "Naku, may tinatapos kasi ako anak. Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako." Sagot ko.   Nakakunot ang noo niya. Mukhang hindi siya kombinsido. Magtatanong pa sana siya kaso tumayo na ako.   Anong oras na ba? Agad hinanap ng mga mata ko ang orasan.   Patay! Tanghali na.   "Anak ligo ka na dali. Male-late ka na." Sabi ko.   Mabilisan akong naghanda ng almusal namin. Dapat ay sabay kaming kakain ng anak ko kaso late na talaga. Pagkatapos niyang mag-ayos ay pinakain ko na siya saka ako naman ang naligo at nag-ayos para sa trabaho.   Para kaming hinahabol sa pagmamadali naming mag-ina. Sumakay kami ng tricycle papunta sa school. Pagkahatid ko sa kanya saka pa lang ako papasok. Huminto ang tricycle sa tapat ng school.   "Mama bayad po." Inabot ko sa driver ang bayad. Umibis kami at tumawid na papuntang gate.   "Basta ‘nak ha. Iyong bilin ko." Paalala ko sa kanya saka ibinigay ang bag niya.   "Opo." Nakangisi niyang sagot.   "Love you ‘nak. Pasok na." Nag-kiss pa siya sa akin bago pumasok sa loob ng gate.   "Bye Ma!" Napangiti ako. She waved her hand.   Sa dami talaga ng kamalasan sa buhay ko ang batang ito ang pakonswelo. I smiled bitterly. Ayoko na balikan pa ang mga iyon. Kung pwede lang sana.   Umatras ako at tatalikod na kaso may nabunggo ako. Lumingon ako. Malapad na dibdib ang bumungad sa akin.   "Naku, sorry." Hingi ko ng paumanhin. Nag-angat ako ng tingin para lang magulat. Pati puso ko nagulat.   It's Ludwig, again.   Tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi naman nakatakas ang tingin niyang may kung ano na nagpahurmintado ng puso at isip ko. Aaminin ko he has the most beautiful eyes I have seen. It's deep, prominent and brooding. Kulay abo ito na halong tsokolate. What a beautiful eyes kaya lang may galit sa mga matang ito na ipinagtataka ko. Natigil lang ang titigan moment namin ng ex ko nang may magsalita.   "Dad!" Iyong bata kahapon, his son. Parang may kumurot sa puso ko ng very light. Ako na ang nag-iwas ng tingin.   "Dad..." I muttered. So he really has a son huh? Parang kailan lang nag-iimagine kaming dalawa sa magiging itsura ng magiging anak namin. Ngayon hindi na lang imagination. I shoo away the foul feeling.   "Jusko late na ako!" May time pa akong mag-emote.   Malalaki ang hakbang ko papunta sa paradahan ng tricycle. Bakit ba naman kasi walang paradahan dito gaya ng ibang school? Oo, nga naman. Mayayaman nga pala ang mga estudyante dito. Kami lang ata ng anak ko ang nagtri-tricycle. Mabuti na lang talaga hindi spoiled brat si Laviña, kung nagkataon ay baka ayaw noong sumakay ng tricycle dahil may mga sasakyan ang mga kaklase.   "Ay kambing na may bangs!" Napatalon ako nang may bumusina. Isang itim na mamahaling sasakyan ang huminto sa tabi ko. Wow Cadillac!   "Hoy ano ba!" Reklamo ko. Bumukas ang bintana ng kotse. It was Ludwig.   "Sumakay ka na." He said in a stern and authority in his voice. Pinanlamigan ako.   "Bakit naman ako sasakay?" Alma ko. Bakit nga ba? Nagsimula muli akong maglakad. Nakasunod naman ito sa akin.   "I hate repeating myself. You know that Clarke. Get in." Utos niya na akala mo sinong hari. Umismid ako. Ano bang pinaglalaban niya. Chivalry, ganoon?   "Umuna ka na. Ayoko nga sabi." Iminuwestra ko pa ang maluwag na kalsada. Kung nakaflats lang ako kanina pa ako kumaripas ng takbo. I can't stand his presence. Duwag na kung duwag, eh ganoon talaga walang basagan ng trip.   "Isa!" Banta niya.   "Dalawa!" Nakasunod parin siya.   Nyemas!   "Hoy! ‘Wag mo akong matakot-takot ng numero. Marunong akong magbilang." Pinanlakihan ko siya ng mata. I need to be strong. Tama, strong ka girl.   "Tatlo! Look Clarke, if you don't want to cause a scene sasakay ka ngayon din. You know how I gets."   Hindi na siya mukhang nagbibiro pa. Kinabahan ako. I know him too well. Pero paano...   "Apat!" He continued counting. Napapapikit na lang ako sa frustration.   "Fine!" Padabog kong binuksan ang back seat pero sarado. Lalo akong nairita. I have to sit beside him then. Sinarado ko ang pinto ng malakas. Bahala siya kung masira itong kotse niya. Naiisip ko tuloy para akong si Laviña na may trantrums. Ugh!   "Fasten your seatbelt." Utos na naman niya. Ang bossy lang ha. Hindi ko naman siya sinunod at deadma lang. 'Gosh, ang arte mo girl.' Sita ng isip ko.   "Baka gusto mong ako pa ang magkabit?" He said in a warning tone. Agad ko namang dinampot ang seatbelt at kinabit sa akin. No way na hahayaan ko siya. Ano ako hilo? Tiger look girl. Keep your walls high. Ang bilis talaga ng kabog ng dibdib ko. May marathon teh?   "Stubborn." Sabi niya na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.   "Gago!" I mouthed.   Umandar ang sasakyan. Sinimulan ko na ang pagnonovena. Tulongan niyo po ako Panginoon. Ilayo niyo po ako sa tukso na nagngangalang Ludwig Ricaforte na ex ko. Amen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD