CHAPTER 4
“Good morning people!” Energetic na bati ni Tratra nang makapasok sa apartment namin.
“Good morning ate.” Bati naman ng anak ko. Kasalukuyan kong sinusuklay ang buhok niya.
Linggo ngayon at magsisimba kami. Sasama naman sa amin si Tratra. Umupo siya sa maliit naming sofa.
“Tra, kamusta na pala ang mommy mo?” Bigla kong naalala. Parehong OFW ang mga magulang niya. Balita ko ay na-aksidente daw ang mommy niya.
“Maayos na po. Nothing major naman daw. Nakausap ko siya kagabi.” Sagot niya.
“Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon.”
Tinapos ko na ang pag-aayos kay Laviña. Off we go. Sumakay kami ng tricycle papuntang simbahan.
Matapos ang mahigit tatlong oras matiwasay na natapos ang simba. Balak naming kumain sa labas isasabay naman namin ang pagbili ng kakailanganin ni Laviña sa school. Hindi na sumama sa amin si Tratra. May school activity daw ito.
“Bye Lavi. Mauuna na ako Ate.” Paalam nito.
“Mag-iingat ka.” Bilin ko.
Sumakay na kami ng jeep papunta sa mall ni Laviña. Excited naman siya parang hindi kami galing dito kahapon. Naipilig ko na lang ang ulo ko nang maalala ang tagpo kahapon.
Doon kami kakain sa bubuyog na pula. Nangako kasi ako kay Laviña.
Pagkatapos naming kumain ay diretso kaming NBS. Kailangan kasi ng art materials ni Laviña para sa project niya. Mabuti na lang talaga at may sahod na. Pumasok kami at nagtungo sa school supplies. Nilabas ko naman ang checklist na si Laviña mismo ang gumawa.
“Uy Arth!” Narinig kong tawag ni Laviña sa isang batang lalaki na nakasalamin. Kaklase niya siguro. Madalas niya kasing mabanggit ang pangalang iyon. Mukha namang mabait na bata hindi kagaya ng anak ni Ludwig. Lumapit ang bata sa amin.
“Arth, Mama ko.” Tinuro ako ni Laviña. Bumaling naman sa akin si Arthur.
“Good afternoon po Ma’am.” Magalang na bati noong bata. Very good! Hindi kagaya noong Aristotle. “Ako po si Arthur Lohan Damascus.” Pakilala niya sa sarili. T-teka, Damascus ba kamo?
“Anong pangalan ng Daddy mo?” Tanong ko, medyo nagtaka ang bata sa tanong ko pero sumagot naman siya.
“Lohan Miguelito po.” Sagot niya.
Nagulat naman ako sa nalaman. What a surprise! Lohan is my friend in college. Ang huli kong balita ay doctor na ito.
“Kilala niyo po ang daddy ko?”
Tumango ako.
“Nice.” Komento pa ni Laviña.
“Clarke?” Ani ng isang baritonong boses.
“Miguelito?” Tanong ko sa lalaki na kalalapit lang.
“Small word.” Sabay pa naming sabi. Nagkatawanan kaming dalawa.
“Anak mo?” tukoy niya kay Laviña.
“Yep. This is Laviña. Classmate sila ng anak mo.”
“Talaga?” Halatang na surpresa din ito. “So anak mo pala ang palaging kinukwento nitong si Arthur."
Nauwi kami sa kumustahan at kwentohan sa mga buhay buhay namin habang namimili ng gamit. Parehas lang naman pala ang bibilhin namin. Natigil lang kami nang may exaheradang tumikhim.
I frown.
“Lud?” Usal ni Miguelito. Kinabahan agad ako just the mere mention of that name. Isang Lud lang naman ang kilala ko.
“Andito ka pala. What a coincidence, nandito din kasi si…” Hindi niya na natapos ang sasabihin niya. I know this is awkward for the three of us. Miguelito clearly knows what Ludwig and I had in the past. In fact he was even involved. Miguelito tried to court me by the way before. Syempre binasted ko and we just became casual with each other.
“I can see that.” Malamig niyang sabi.
I am rooted on my feet. Hindi malaman ang gagawin. Dapat ba akong mag-hi?
“So why are you here? Bibili ka din ng project ni Aris?” Tanong ni Miguelito and as if on cue lumabas iyong uma-attitude na bata. Nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa anak ko na kausap si Arth.
“Hi Aris.” Bati ni Arth nang mapansin si Aris.
“Dad. I wanna go home now.” Sabi nito sa ama hindi man lang pinansin si Arth.
I want to roll my eyes. Spoiled brat talaga. Ano kayang klaseng pagpapalaki ang ginawa ni Ludwig dito?
“I thought we are gonna buy the materials for your project?” Bumaling si Ludwig sa anak na nag-iinarte. Kung ako talaga nanay nito, nakurot ko na sa betlog ang batang ‘yan.
“Ayoko na.” Sagot nito sabay nagwalk out. Wala tuloy nagawa si Ludwig kung hindi sundan ito.
I was like, what was that?
Tapos na naman kami kaya nagbayad na kami sa counter. Miguelito and I exchanged numbers. He even invited me to Arthur’s birthday party sa Sabado. Naghiwalay lang kami ng daan dahil papunta silang parking lot. They offered us a ride kaso tumanggi na ako out of the way kasi.
“Bye Laviña. Bye po Tita.” Paalam ni Arth.
Ngumiti ako sa bata.
“Ba-bye Arth saka Tito Miguel.” Sabi ng anak ko at kumaway na.
Bitbit ko ang mga pinamili namin at mahigpit na hinawakan si Laviña sa kanang kamay. Mahirap na at maraming tao baka malawa pa siya. Nag-abang kami ng jeep. Punuan kaya hindi kami nakisiksik baka maipit pa ang anak ko. May humintong Montero sa tapat namin. Hindi ko na sana papansinin kaso bumukas ang bintana nito. Nagulat na naman ako.
“Get in.” Utos ni Ludwig.
Umiling ako.
“No. Thank you na lang.” sagot ko.
“Get in.” Ulit niya this time may diin. Kumalabog agad ang puso ko.
“Laviña’s mom will you just get in? You see we are causing traffic if you keep on declining.” Diretsahang sabi ng batang antipatiko. Napamaang ako.
“Ma sakay na lang tayo. Hindi tayo titigilan ng unggoy na ‘yan.” Sabi ni Laviña.
Wala nga kaming nagawa kung hindi sumukay. Nakakaabala na kasi sa mga pumipila para makasakay ng jeep. Nasa backseat ang dalawang bata. Ang awkward lang. Nagtagisan ng tingin ang dalawa at sabay din na nagiwas at humalukipkip na lang.
“Akala ko umalis na kayo.” I said sa kawalan ng sasabihin. Hindi niya na naman ako pinansin.
“So getting together with Damascus, huh?” he said laced with malice.
Napataas naman ang kilay ko. Ano daw?
“Nagkataon lang na nagkita kami ngayon. I did not even know na kaklase ng anak ko ang anak niya.” Depensa ko.
“I hope you know that he is already married.” Sabi pa niya. Aba loko ‘to ah. Anong akala niya sa akin, nakikipaglandian kay Miguel?
“Oo, alam ko.” Inirapan ko pa siya. Nagtiim bagang lang siya.
“Where is your husband?” Bigla niyang tanong.
Exaherada talaga akong napalingon sa kanya.
“La kang paki.” Sagot ko at umismid. Lalong nagtagis ang bagang niya. Napikon siguro sa inasta ko. Nakakainis na kasi siya. Akala mo kung sino. Nag-iinit ang ulo ko.
“Paki baba na lang kami d’yan sa may sakayan.” Tinuro ko pa ang sakayan ng tricycle pero hindi niya ako pinakinggan. Tuloy-tuloy lang siya. Nanlalaki tuloy ang mata ko nang binaybay niya ang kalye papuntang apartment namin.
Paanong…
Huminto siya sa tapat ng compound. Takang-taka naman ako kung paano niya nalaman saan kami nakatira. Gusto kong magtanong pero baka mapahiya lang ako. Una akong bumaba para kunin si Laviña sa likod. Nabungaran ko pa si Stevan na nakatambay sa may gate. Apo siya ni Lola Pasing na may ari ng mga apartment na dito. Kumaway siya sa akin kaya tumango ako. Nandito pala ang kumag.
Tinanggal ko ang seatbelt ni Laviña at pinababa siya. Bumaling ako sa driver seat para magpasalamat kaya lang ay nakabusangot na ito. Ano na naman kayang problema nito? Hindi ko na lang pinansin. Who cares anyway?
“Salamat. Pasensya na hindi ko na kayo maalok na pumasok. Nakakahiya naman kasi sa inyo.” Sabi ko ng labas sa ilong.
Sinarado niya ang bintana. Ang rude lang talaga. Nagngitngit ang kalooban ko. Hindi ko tuloy nasakyan ang biro ni Stevan nang dumaan kami papasok ng gate. Pasimple din kasi itong si Stevan. Nagpapalipad hangin ang loko.
Naupo kami ni Laviña sa maliit naming sofa. Nakahalukipkip ito at nakabusangot.
“Oh anong nagyari sayo?” Tanong ko.
“Naiinis ako kay Aris. Unggoy siya!” Himutok ng anak ko. Parehas lang pala kami bwiset doon sa mag-ama.
Buhay nga naman, bakit pa kasi kailangan pang magkrus ang mga landas namin. May kanya-kanya na naman kaming buhay. We don’t need to be in tangled again. Sabay kaming napabuntong hininga ng anak ko.
#LikeMotherLikeDaughter #GandaProblems