Chapter 5

1262 Words
CHAPTER 5   Matiwasay ang weekdays ko na siyang ipinagpapasalamat ko. Heto Sabado na ngayon. Inaayosan ko si Laviña para sa birthday party ng anak ni Miguelito. Nakabihis na si Laviña ng Tinkerbell costume niya.   Ang ganda-ganda talaga ng anak ko. Bagay sa kanya ang maikling dress ni Tinkerbell dahil sa malaman niyang hita. Sobrang puti pa niya.   “Oh ayan nak, ang ganda-ganda mo na lalo.”   “Syempre naman ma. Mana ako sayo.” Pambobola niya.   Kinuha ko na ang shoulder bag ko. Isinarado kong mabuti ang bahay bago umalis. Nakasalubong ko si Stevan na nag da-dumbbells.   “Aalis kayo?” Tanong niya.   “Oo. Birthday ng kaklase ni Laviña.”   “Ganda natin pare ah.” Nag-apir pa si Stevan at Laviña.   “Syempre naman.” Sagot ng anak ko.   “Hatid ko na kayo.” Alok ni Stevan.   “Nako, wag na.” Tanggi ko.   “Wag ka na nga tumanggi. Nakakahiya naman kung mauusokan lang itong kumpare ko. Eh, ang ganda ng ayos.”   I rolled my eyes. Friend kasi itong si Laviña at Stevan simula nang lumipat kami dito two years ago. Madalas ko kasing iwan noon si Laviña kay Lola Pasing kung hindi pwede kay Tratra.   “Sige na ma.” Pamimilit ni Laviña.   Hindi ako nakapalag nauna na sa sasakyan ni Stevan ang anak ko. Minsan talaga makapal ang batang ito.   “Saan ba kayo?” Tanong ni Stevan habang binubuhay ang makina ng kotse niya. Sinabi ko ang address nila Miguelito. Nasa isang pribadong subdivision ito.   Habang nasa byahe ay naguusap at naguutuan ang dalawa. Paminsan-minsan ay nakikisali ako. Mabait naman itong si Stevan minsan lang ay epal. Seaman siya at anak ng panganay ni Nanay Pasing. Kay Nanay Pasing siya lumaki kaya kapag hindi ito sumasampa ng barko ay nasa apartment siya. Wala na din kasing kasama si Nanay Pasing.   Nakarating din kami sa wakas. Puro mararangyang bahay ang nasa paligid. What do you expect, mayayaman ang mga nakatira dito? Huminto kami sa kulay pulang gate. Excited na bumaba si Laviña.   “Salamat talaga Stevan. Naabala ka pa tuloy.” Sabi ko.   “Sus. Wala ‘yon.”   “Laviña magpaalam ka na kay Tito Stevan mo.” Kausap ko kay Laviña.   “Ba-bye po!” Jolly itong kumaway.   “Paano Stevan, pasok na kami.”   “Teka, baka gusto niyong daanan ko na lang kayo kapag uuwi na kayo?” Kumunot ang noo ko. “May pupuntahan kasi akong kaibigan. Naisip ko na pwede ko kayong daanan.” He added.   “Hindi na Stevan.” Of course tumanggi na ako. Ginawa ko namang driver iyong tao.   May sasabihin pa dapat si Stevan kaya lang ay may bumusina ng malakas sa likod.   “Sige Stevan. Salamat ulit.” Wala na siyang naguwa kung hindi ang kumaway. Hinintay ko muna siyang maka alis bago pumasok. Huminto sa tapat namin iyong bumusinang sasakyan. Bumukas ito at bumaba ang spoiled brat. Invited din sigurado ito. Kinabahan na naman ako, baka andito din ang ama niya. Dali-dali kong hinila si Laviña papasok ng bahay.   “Clarke!” Tawag sa akin ni Miguelito.   “Hi po.” Nagmano pa si Laviña sa kanya.   “Mabuti at nakarating kayo. Tara, pasok sa loob. Kanina pa hinihintay ni Arth itong si Laviña.” Sabi ni Miguelito. He lead the way.   Lumabas kami sa likod bahay kung nasaan ang malawak nilang garden. Marami ng bisita, karamihan ay mga bata. Sinalubong kami ni Arth.   “Happy birthday Arth.” Bati ni Laviña sabay abot ng gift niya na siya mismo ang gumawa. Naka suot ito ng Captain America na costume.   “Thank you.”   May matangkad na babae ang lumapit sa amin. Nakasuot ito ng pulang knee length dress. Nakakulot ang dulo ng kanyang buhok. May ngiti sa kanyang labi.   “Hon.” Tawag ni Miguelito sa babae. This must be the wife. In fairness very pretty.   “Hon this is Clarke an old friend of mine. Clarke, my beautiful wife Arthuria.” Ngumiti naman ako.   “Hi!” I greeted.   Nakipagbeso pa ito sa akin.   “A, nalang nakaka-julogs ang Arthuria.” Tumawa siya. Nakita ko tuloy ang pantay niyang ngipin.   “Thanks for coming.” Sabi niya.   Ngumiti lang ako feeling shy. Nakakaintimidate kasi ang ganda niya.   “Hi po Tita.” Bati ni Laviña kay A. She even kissed her cheek.   “Hey there young lady.”   Humalo si Arth at Laviña sa ibang mga bata. Nagpaalam si Miguelito. Naiwan tuloy ako kay A. Nakipagkwentohan siya sa akin. In a short period of time ay nalaman ko na ang love story nilang dalawa. Natigil lang kami nang kailangan na siya dahil magsisimula na ang program. I chose to stay sa may sulok. Nakakahiya kasi. Wala pa akong kakilala.   May tumikhim sa tabi ko. Napalingon tuloy ako.   “Ludwig.” I uttered.   Halos kapusin ako ng hininga habang sinasambit ang pangalan niya.   “So that was your husband, huh.” Bigla niyang sabi.   “Ano bang sinasabi mo?” Nagulohan naman ako sa kanya.   “Tss.” Mukha na naman siyang galit.   Okay. Anong problema non?   “Bakit ka pala nandito?” Tanong ko na lang.   “Obviuosly, I am invited.” Suplado niyang sagot.   Edi, shing!   “Pansin ko lang, hands on ka pala sa anak mo.” Komento ko. Kaya nga kami madalas magkasalubong. I wonder tuloy nasaan si Caroline. Diba usually, mother naman ang laging kasama ng bata?   “Nasaan pala si Caroline?” I swallowed the invisible lump on my throat.   “She’s busy.” Tipid niyang sagot.   “Ah, I see.” Hindi na ako kumibo. Hinihintay ko siyang umalis pero hindi naman niya ginawa. Hindi tuloy ako mapakali. Hindi pa nakakatulong na nagwawala ang puso ko.   “Clarke?” I heard a familiar voice. Kumunot ang noo ko.   “Hala girl.” Pina run to me.   “What are you doing here?” Tanong ko sa kanya.   “Birthday ng inaanak ko.” Sagot niya.   “Sino? Si Arth?” I probed. Ang liit nga naman talaga ng mundo!   “Oo. Teka, ikaw?”   “Classmate ni Laviña si Arth at kaibigan ko naman si Miguelito. Kailan ko lang din nalaman.”   She gasped. Ang akala ko ay dahil sa sinabi ko, iyon pala dahil napasadahan niya ng tingin ang katabi ko.   “Parang gusto kong kumanta ng it’s a small world after all.” Tumawa pa si Pina. Hinampas ko tuloy.   “Really? Friend ko naman si Arthuria. Have you met?” Tumango ako bilang sagot.   “Pero bakit kasama mo yan?” Bulong niya sa akin, referring to Ludwig.   “Nandito din iyong anak niya.” Bulong ko pabalik.   “Oh…” Exaherada niyang expression.   I rolled my eyes. Loka-loka talaga.   “Tara doon tayo.” Hinila ako ni Pina habang kumakanta ng ‘It’s a small world after all’. If I know makikichismis lang ‘to.   Tuwang-tuwa ang mga bata sa iba’t-ibang games. Todo cheer naman ang mga parents. Napansin ko lang ang snob noong anak ni Ludwig. Nakasuot ito ng Peter Pan costume. Ang gwapo-gwapo niyang tignan pero nakabusangot naman. May pinagmanahan.   “Girl.” May ininguso si Pina. Nilingon ko naman.   “Kanina pa ‘yan nakatingin sayo.” Dugtong niya.   “Si Ludwig? Di naman siguro.” Ang totoo kanina ko pa nararamdaman na may nakamasid sa akin. Natatakot lang akong lumingon.   “Asus. Ano may something pa ba?”   “A-anong something pinagsasabi mo?” Deny ko when the truth is alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.   “Sus deny pa more.” Tinulak niya pa ako.   “Sira ka talaga.  ‘Wag ka ngang issue, may asawa na iyong tao.” Napabuntong hininga pa ako. Nanikip ang dibdib ko as I recall the scene sa restaurant.   “Masakit pa diba?” Now she look concerned   “Slight.” Ngumiwi ako. ‘Slight mo mukha mo.’ Epal ng isip ko.   Hindi ko naman kasi inexpect na sobrang sakit pala. Akala ko pagdaan ng panahon, mawawala na lang. that it will just remain a memory. Pero diba nga momeries are what pains us. Idagdag mo pa ang gabaldeng what ifs at bakit.   Nagulat ako ng yakapin ako ni Pina. Napalayo tuloy ako. Ayokong maiyak. Jusko!   “OA girl ha. Long overdue na ang dramang ito.”   “Hindi kaya kailangan mo ng closure girl?” Suggestion niya.   “Closure-closure, ano to pelikula? Isa pa nakalimutan mo na ba girl? Ako ang tumapos.”   “Sabagay. Pero ito girl, wala ka ba talagang plano ilabas ang totoo?”   “Truth is hindi ko alam Pina. Hindi naman kasi ganoon kadali. Maayos naman na kami. What if makasira lang ako diba?”   “Don’t you think it’s unfair para sa bata?” Sabi ni Pina habang pinasadahan ng tingin kung nasaan si Laviña, pati ako ay napatingin din. Huminga ako ng malalim. Bumuka ang labi ko pero isinara ko din nang walang maisip.   Wala akong maisagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD