CHAPTER 6
“Lud, kausapin mo naman ako oh.” I knock again.
“Please?” Pagsusumamo ko.
Alam kong nasa loob lang siya and he is being hard. Naiintindihan ko naman siya eh. Hindi lang siya ang nahihirapan. If only I have the choice. ‘Oh girl you have a choice. Maarte ka lang talaga.’ Buska ng isipan ko. Yes, I have the choice pero that would be selfishness. Isa pa who knows baka hindi din magwork diba?
“I’m sorry.” I held my tears.
“Kung handa ka na, please mag-usap tayo.” I said in defeat. Napabuntong hininga na lang ako.
Ilang araw na lang aalis na ako. Ayokong umalis na hindi ko naayos ang sa amin. Yes I broke up with him but I don’t want to ruin what we had. Hindi naman kailangang itapon ang pinagsamahan namin diba?
Oo, nakipaghiwalay ako at aalis but in my hearts of hearts umaasa akong hihintayin niya ako. Na may babalikan pa ako. Na ako parin sa huli. Hindi naman siguro masamang umasa. Naniniwala kasi ako ‘kung kami, kami parin sa huli’. Pero paano kung hindi?
Paano nga kaya?
“Hoy! Natulala ka na dyan.” I was drag out from my reverie nang isang hampas.
“Aray naman Pina.” Reklamo ko. Hindi ko man lang napansin nasa tabi na pala namin siya ni A.
“Ang galing talaga. Magkaibigan pala kayo nitong si Agripina.” Natutuwang sabi ni A.
“Shut up Arthuria.” Inirapan ni Pina ang kaibigan. Napatawa naman ako.
“If you don’t mind Clarke…” Nabaling ang atensyon ko kay A. “Nasaan ang father ni Laviña?” Hindi naman siya mukha sumasagap ng chismis. Huminga ako ng malalim. Madalas naman akong tanongin tungkol dyan pero mahirap parin pala humanap ng isasagot.
“Nasa paligid lang.” Sagot ko.
“Does he know? Alam niya ba that you have a daughter?” Concern niyang tanong. Umiling ako.
“Hindi eh.” Hindi naman na nangulit si A. Naiintidihan niya siguro na hindi ako comfortable na pag-usapan.
“You see, I salute you Clarke. Imagine nagawa mong magpalaki ng anak ng mag-isa. Ako nga hirap na kay Arth hindi pa ako nagtratrabaho niyan.”
“Dapat talaga patayuan ka na ng monument girl. Ang martyr mo.” Ayan na naman ang mga pasaring ni Pina. Sinamaan ko siya ng tingin.
Nauwi tuloy kami sa usapang momshie. Out of place si Pina. Wala naman kasi siyang anak. “Kaya ako allergic talaga ako sa mga ganyan. Hello, sarili ko nga hindi ko maalagan bata pa kaya.” Lintaya niya. Nagkatawanan tuloy kami.
“We better hang out often Clarke.” Sabi sa akin ni A. Ngumiti lang ako bilang sagot.
“Ikaw naman Pina magstay ka na dito. Wala ka naman sigurong boylet doon sa Malaysia.” Baling niya kay Pina na umiirap.
“Ay, huwag pakakasiguro.” Sakay naman ni Pina.
“Ang sabihin mo may tinatagoan ka lang.” Kantyaw ni A. Pati ako ay nakigatong na. Alam ko naman kasi sinong tinutukoy ni A.
Papatapos na ang party. Medyo lowbat na ang mga bata. Alas nueve na ng gabi. Isa-isa ng nagpaalam ang mga bisita. Pinunasan ko muna ng pawis si Laviña bago iniwan kay Pina. Naiihi na kasi ako. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nasa may kitchen daw ang banyo. Umihi agad ako. Inayos ko muna ang sarili ko tapos kaonting pulbo at lipstick bago lumabas.
“Ay kambing na may bangs!” Halos kumawala ang espiritu ko nang makita kung sino ang nakatayo sa pinto.
“Ludwig naman.” Hinimas-himas ko ang chest ko, pinapakalma ang puso ko.
Lalagpasan ko na sana siya kaya lang hinawakan niya ako sa pulso at ginitgit sa pinto. “T-teka… b-bakit?” Nagpa-panic kong tanong? Mahigpit ang hawak niya sa pulso ko.
“B-bakit ka pa bumalik?” Madiin niyang sabi. Nakatuon ang mga mata niya sa akin. Automatic naman na nagkagulo ang mga braincells ko. Pati heart beat ko ang bilis. Ang lapit-lapit niya sa akin. Naamoy ko na ang hininga niya. Nyemas ang bango!
“H-ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Nagmamaang-maangan ka pa.” Akusa niya. Kumunot ang noo ko. Ano bang gusto niyang sabihin?
“Dapat ba hindi na ako bumalik ng bansa? Bakit, ikaw na ba ang may ari ng Pilipinas para pagbawalan ako? The last time I checked, Pilipino pa naman ako.” Naiirita kong tanong. Nagalit ko siguro siya lalo dahil diin niya ako lalo sa pader.
“Ay, ano ba! Atras ka nga.”
“B-bakit hindi ka na lang naninitili doon? Di ba may pamilya ka na don? Bakit ka pa bumalik? Para manggulo? And you think, I won’t figure out na sinadya mong ipasok ang anak mo sa Morris, huh?” Gulong-gulo ako sa mga pinagsasabi niya and my rumbling heart beat does not help.
“Lasing ka ba?” I spat. He does not make sense. Bakit naman ako manggulo? At siya pa talaga ang may ganang magalit ha?
“Ludwig bitaw! Nasasaktan na ako.” I tried to push him and escape from his grip pero masyado siyang malakas.
“Keep your distance or better yet umalis ka na lang ulit.” Puno ng hinanakit at galit niyang turan. Napamaang ako sa sinabi niya.
“Gago! A-ano ako sasakyan? Keep distance? Bakit sino ba ang lapit ng lapit? Ako? Hindi ba ikaw?... Let me go!” Nagpumiglas ako.
“Dad?” Natigilan naman si Ludwig nang may tumawag sa kanya, si Aris. I took the chance na makaalis. Halos tumakbo ako pabalik ng garden. Ang bilis ng kabog ng puso ko na feeling ko na relocate ang puso ko sa tabi ng aking tenga. Dinig na dinig ko kasi ang bawat pintig.
“Sinong humahabol sayo girl?” Nagtatakang tanong ni Pina.
“H-ha? Wala. Tara umuwi na tayo.” Sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko. I am still in shock.
“Laviña magpaalam ka na kay Arth. Uuwi na tayo.”
“Okay po. R lang po kayo dyan.” R, meaning relax. How can I even relax. Tumakbo na si Laviña papunta kay Arth.
“Sure ka girl, okay ka lang?” Paninigurado ni Pina. Tumango ako kahit hindi naman talaga ako okay.
Nagpaalam na din ako sa mag-asawa at nagpasalamat. Nagpaalam din ako kay Pina. Dito pala siya matutulog. Panay naman ang tingin ko sa paligid baka magkasalubong na naman kami ni Ludwig. Hindi ko parin ma process iyong nangyari kanina.
Tumunog ang cellphone ko. Inilabas ko naman ito at nakitang si Stevan pala tumatawag. Sinagot ko na. “Oh, napatawag ka?”
“Tapos na kayo? Nasa labas ako pero kung hindi pa hihintayin ko na lang kayo.” Sabi niya. Napa-face palm naman ako. Ang kulit talaga!
“Jusko Stevan! Ang clingy ha.” I heard him chuckled.
“Huwag ka ng pumalag.” Napailing na lang ako.
“Tapos na kami. Lalabas na kami. Saglit lang.” I ended the call.
Kinuha ko na si Laviña at lumabas na ng bahay. Natanaw ko nga ang sasakyan ni Stevan. Lumabas kami ng gate. Lumingon ako sa loob and I accidentally caught someone’s stare. Kumalabog ang puso ko.
Damn!
Napabilis tuloy ang pagpasok ko sa kotse. “Para kang nakakita ng multo.” Komento ni Stevan habang iniayos ang seatbelt ni Laviña. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
“Tara na nga dami mong napapansin.”
Ang transparent naman pala ng reaction ko. Ano kayang naging itsura ko kanina? Ugh! Erase. Erase. Umandar ang sasakyan ni Stevan. Ang sabi ni Stevan ay galing nga daw siya sa kaibigan niya at pauwi na kaya dinaanan niya kami.
“Whatever Stevan.” Sabi ko na lang.
Matiwasay kaming nakauwi. Nakatulogan na ni Laviña ang byahe. Nagvolunteer naman si Stevan na siya na ang bumuhat kay Laviña, tulog na tulog na kasi ito. Kinuha ko naman ang mga loot bags ni Laviña.
“Salamat Stevan.” Sabi ko habang hinahatid siya palabas.
“No problem.” Sagot niya.
Ni-lock ko ang pinto bago bumalik sa kwarto para linisan at palitan ng damit si Laviña. Ramdam ko ang pagod pagkahiga ko sa tabi ng anak ko. Daig ko pa ang batang hyper sa paglalaro kanina, eh nakaupo lang naman ako.
I suddenly remember ang mga pinagsasabi ni Ludwig. Bakit siya galit sa akin? May kasalanan ba ako sa kanya? Sa pagkakaalam ko siya ang may kasalanan sa akin.
I heaved a sigh and closed my eyes.