Episode 1

1773 Words
GALIT na galit ako ngayon. Ang kapal ng mukha niya! Kaya pala ha? May sakit pala ang nanay niya kuno. Pero nahuli ko lang naman ang nobyo kong si Jason na may ka-date sa mall. Buti lang at naisipan kong gamitin ang day-off ko. Kung hindi ay hanggang kailan ako papabilugin ng batugan na iyon?! Naging kami niyang lalaki na iyan sa loob ng anim na buwan! Natanggal lang siya sa trabaho after namin na mag-third monthsary. Pansin ko nga na ang dami na niyang hinihingi sa akin. Para sa school ng kapatid niya, maintenance na gamot ng tatay niya, grocery, kuryente, tubig, bahay-- pati ata 'yong bisyo niya sa akin niya kinukuha. Mukha ba akong sugar mommy? Hello! 28 pa lang ako. Gwapo naman kahit papaano si Jason, maputi, matangkad, chinito tapos gentleman. Pero ang boba ko rin e. Sana napansin ko na 'yong mga sign. Sana nakinig ako kay Klint. Mabuti pa si Klint na best friend ko, bakla man pero may asawa na. Ako na may puday, wala, nganga, zero, malas sa love life. "BABE..." dinig kong sabi niya. Nasa isang coffee shop kami. Magkaharapan kaming nakaupo. Ilang ganito ng eksena ang naranasan ko. Madalas kapag closure na ng isang relasyon na dumaan sa buhay ko. It pains... It always feels like that, the goodbyes. Pinapakalma ko lang ang sarili ko. Baka kasi may masabi akong masama sa kanya. He deserve my anger, but I just can't let it out. After all, minahal ko rin siya. Pero kahit anong galit na mayroon sa puso ko, nandoon siyempre' yung sakit. Masakit 'yung ginawa niya sa akin. Una ay umasa ako na siya na talaga. Mahal ko na siya e. Pinaniwala niya rin akong mahal niya ako. Pero ginamit niya lang din ako. Tulad ng ibang lalaki na dumaan na sa buhay ko. "Jason, sandali lang ito ha? Itatanong ko lang sa iyo ito. Bakit? Bakit mo ginawa sa akin ito? May ginawa ba akong masama para lokohin mo ako?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na maitago ang sama ng loob ko sa aking tinig. Umiling siya. "Napakabait mo, Aroz. At guilty ako, kasi alam ko na nag-take advantage ako. Sorry, mahal naman kita e. Pero hindi mo kasi kayang ibigay ang pangangailangan ko." Ayun. Lagi namang ganoon e. "Salamat at ngayon alam ko na. Sige... Huli na ito, break na tayo." Tumayo na ako para umalis. Hindi niya ako pinigilan. Alam ko na ang pinanghihinayangan lang niya ay ang sustento niya sa akin. Pag-uwi ko ay agad ko ng naramdaman lahat ng sakit at bigat na dulot ng break-up namin. Hindi ko na napigilan na umiyak at i-luha lahat ng hinanakit ko sa kanya. Ang hirap na tuloy na magmahal. Ang hirap na ngang magtiwala tapos lolokohin pa ako? Mahirap bang maging tapat? O sadyang mahirap lang akong mahalin. Marami ang nagsasabi na, kahit ilang maling tao pa rin naman ang dumaan sa buhay natin ay dadating pa rin si Mr. Right, basta huwag lang natin siyang lalagpasan. Pero bakit gano'n? Bakit feeling ko lahat sila Mr. Wrong? Wala na bang lalaki na seseryoso sa akin? Ganoon ba talaga ako? Hindi kaseryo-seryoso? Fine! Hindi ko na hahanapin ang lalaki na para sa akin. Nagsasayang na lang ako ng panahon. Gusto ko na lang siguro ng anak. Kahit anak na lang. Ngayon ko naramdaman 'yung galit sa ilang taon na niloloko ako. Paulit-ulit na lang na para bang sumpa! Nakakasawang magmahal kung lolokohin din naman pala ako! Pero para sa akin ay masakit pa rin ang paghihiwalay namin ni Jason. Nagpakatanga pa rin ako roon a? Kasi minahal ko siya. MATAPOS ng mga papeles na inayos ko sa opisina at pagtapon ko ng ibang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Jason, agad ko ng sinimulan ang ritwal ko kapag bagong break-up ako. Kaya ngayon, kakatapos lang ng shift ni Klint sa ospital ay ginulo ko siya kaagad. Nasa kotse niya ako. Umiiyak ako ngayon sa tabi niya. Lagi naman siyang nandyan kapag ganitong nasasaktan ako, at sobrang thankful ako na may kaibigang tulad niya. "Tumigil ka nga sa kakangawa mo, Bakla ka. Hayaan mo na 'yong Jason na iyon. Hindi ka fresh, Aroz, pero hindi ka pa naman nasa point na gagawin ka niyang sugar mama!" inis na sambit niya. "Ganoon na ba ako kapangit? Mukha ba akong pang-side chick lang?" Hindi ko maiwasan na i-degrade ang sarili ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang pangit-pangit ko. "Hindi ka nga mukhang pang-side chick, 'te, e. No offense, ha?" "Nakakaletse ka! Seryoso na kasi, at kailangan kong uminom ngayon! Gusto kong idaan sa alak itong sakit na nararamdaman ko sa kanya! Bakit ba may swerte at may malas sa pag-ibig?! Minahal ko lang naman si Jason a?!" naiiyak na saad ko. "Klint, nakakapagod ng magmahal. Parang gusto ko na lang gawin 'yung napanood ko." Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ano na naman ba iyang napanood mo, Inday! Naku!" "Kailangan ko na lang ata ng bubuntis sa akin. Imposible na ata akong makahanap ng true love..." hopeless na sambit ko. "Huy, doon tayo sa safe na paraan, Aroz. Hire baby maker or willing mag-donate ng sperm. Baka kung sinong may sakit pa mukuha mo diyan sa bar." Point taken. Ang dami ko tuloy naiisip. Ito ata ang epekto ng break-up sa akin. Hays. "Bahala na. Basta suko na ako sa love na iyan. Hindi na bumabata ang matres ko. Hindi naglalakad pabaliktad ang kalendaryo. Need na akong madiligan at maambunan. Kailangan ko ng makatikim ng luto ng Diyos!" sabi ko, determinado ang tono. Sabay balik sa iyak ulit. Walanghiya ka Jason! Mabaog ka sana! Manloloko! "Girl, papunta pa lang tayo ng bar ha? Nasa kotse pa lang tayo, lasing ka na agad, 'te?" sabi niya na natatawa. Hinampas ko nga. Nasanay na siya sa drama ko. Immune na immune na siya. Ganoon ako kadalas maloko. AGAD na kaming nakarating sa nasabing bar. The usual lang naman, maingay at nakakasilaw ang liwanag. Maraming tao ngayon dito at halos ay para magsaya-- kabaliktaran ko na luksang-luksa na sa namatayan kong puso. The lights are blinding, sweat bodies were grinding. They are all loud and cheering fun, I hope I am as happy as them. This bar is dark, or deem lighted. Amoy din ng sigarilyo at alak ang namumutawi. Sorry na lang at sanay na ako sa ganitong kalakalan. Sa sobrang dalas kong ma-broken hearted, napagkakamalan na akong suki rito. Habang papalapit ako sa bar counter ay hindi ko maiwasana na isipin. Gusto ko lang naman na mahalin ako tulad ng kung paano ako magmahal. Alam ko naman na iniiwan ako sa maraming dahilan. Una, hindi kasi ako kagandahan. May itsura lang, pang pwede lang, at mga ganoong level lang beh. Pangalawa at huling rason ay dahil hindi ako fan ng premarital s*x ano. Never pa akong kumalampag. Kahit anong pangdedemonyo pa nila ay hindi ako bumigay sa temptations, ganoon ako kabait. Kaya lagi akong nalalamangan. Lagi silang may dahilan kung bakit hindi ako good enough, hindi ako 'yung tipo ng babae na iki-keep nila forever. Umupo na ako sa stool malapit sa bar counter. Nag-order na ako ng mga pang-warm up na alak. Hindi man halata sa akin, pero tomador talaga ako. Masyado lang akong nasaktan. "Alak na alak, teh a? Kakarating lang natin, Aroz, nakatatlong bote ka na! Ano ba naman iyan. Doon ka nga sa dance floor at makipagsayaw ka! Babantayan kita mula rito! Dali! Huwag mo ng masyadong isipin pa itong si Jason. Mas madami pang isda diyan, 'yong sisisirin ang perlas mo!" Hayop na kaibigan 'to. Hindi niya ba nakikita na nakapangluksa ngayon ang itsura ko? "Hindi ko pa feel na sumayaw e. Baka mangamoy putok lang ako, bakla ka. Ikaw ba Klint, nagpaalam ka sa jowa mo? Baka mamaya magalit sa akin si Rigo ha? Sakalin kita dyan." Mukhang umo-okay na rin ako. Hindi ko na rin naiisip masyado si Jason. Mamaya siguro pag-uwi ay iiyak na naman ako panigurado. Umirap naman siya, taray, ang kinis ng balat. "Siyempre ano. Alam mo namang napaka-seloso ng asawa ko e. At saka nandito lang siya sa bar at kasama ang mga kaibigan niya." Tumango na lamang ako. Minsan nakakaramdam ako ng inggit kay Klint. Mabuti pa siya ay nakapag-settle na. Mabuti pa siya ay nasa tamang tao na. Habang ako ay parang sinumpa na paulit-ulit na lang na naloloko at nasasaktan. Maybe, I am not just good enough. "Eh 'di sanaol. Kasama niya ba ang mga Agustinian Boys?" Mga kilalang basketball player sila way back nang college pa kami. Gwapo lahat sila. Kaso wala naman akong matipuhan sa kanila. Allergic ako sa mga lalaking sobrang gwapo at napaka-perfect ng physical appearance nila. Hello, masyado silang mataas para pangarapin ng tulad ko lamang. Iyon ngang mga nasa baisc level na lalaki, niloloko ako, sila pa kaya? Matapos kong maramdaman na sumipa na sa aking sistema ang alak ay agad na akong dumiretso sa dance floor. Para lang akong tanga na nagsasayaw roon. Hindi naman kasi ako magaling sumayaw. Baka kailangan ko pa ngang palambutin sa pressure cooker. Sobrang nahihilo na ako at wala na sa wisyo. Matapos kong pahiyain ang sarili ko roon ay nakaramdam ako ng pamimigat ng pantog. Siyempre diretso banyo na ako. After magbawas at lumabas na ako roon ay may nakabangga naman ako. "Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo, Miss?!" galit na bulyaw sa akin ng lalaki. "Bakit? Ako ba nakita mo? Ungas na 'to!" Inis na sabi ko sa kanya. Kaltukan ko 'to, e. Hindi ba pwedeng patawarin? Nabangga lang e! Broken hearted 'to! Pagkaangat ko ng tingin, dahil matangkad siya, agad akong nanigas sa kinatatayuan ko. Parang nagising ang diwa ko. Daig ko pa ang nakainom ng kape. Shete! Si Jake Montana ito a? Isa sa mga kaibigan ni Rigo! Isa sa mga Agustinian Boys, at kilalang cassanova s***h babaero magmula noon pa!? "Natulala ka na diyan miss! Sinasabi ko sa iyo, hindi ako pumapatol sa mga hindi nagsusuklay ng buhok!" mayabang na sabi ng lalaki na ito! Ha! Boy! Hamunin mo na ang lasing at bagong gising! Huwag lang ang babaeng niloko ng paulit-ulit! Bwiset! Sinimangutan ko naman siya. Ayan ang ayaw ko sa mga gwapo! May tumor sa utak kaya ang laki ng mga ulo nila. "Asa ka ano! Hindi kita type, peste ka," naiinis na sambit ko sa kanya. Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko. "Hindi mo ako type? Sigurado ka?" aniya na nakangiti. Problema nito? "Siguradong-sigurado! Kaya nga bitawan mo na ako." Kita ko naman ang pagngisi niya. "I see." Bakit pakiramdam ko ay ayaw ko sa mga ngiti niya? Mukhang hindi gagawa ng mabuti e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD