Episode 15

1573 Words
AYON, pandesal lang pala ni Jake ang gamot sa kasumpa-sumpang lagnat na naranasan ko na may halong sama ng loob. Sino ba kasi nagsabi na pwede ako magselos? Bakit naman kasi ang bilis kong ma-fall? Pero sabagay, hindi pa naman ganoon kalalim itong nararamdaman ko. Walang-wala pa ito sa mga naranasan ko sa mgq ex ko. Kaya shut up, Aroz! Magtigil! Sabi nga ni Elsa, conceal don't feel! Pigilan mo iyang pagiging hindot sundot kulangot! Ngayon ay nasa trabaho ako at todo focus. Natambakan na naman ako ng mga gawain. Hindi nakaka-happy, at mas lalong hindi nakaka-fresh. "El! Pagtimpla mo nga ako ng kape," sabi ko sa kanya. Madilim na sa labas pero hindi pa ako tapos sa mga deadline ko. May timeline kasi ako na sinusundan kahit na sabihin na ako ang boss. "Hindi na pwede! Naka-tatlo ka na kanina, anong akala mo sa puso at bituka mo? Bato?" sermon niya sa akin. Sipain ko 'to papasok ng semenaryo e. "Oo na, pwede ka ng gumora. Alam ko naman na excited ka ng makipaggulungan sa boyfriend mo," wika ko sa kanya. Baka sumobra overtime ng babae na ito. "Hindi ka pa uuwi? Ilang araw ka ng ginagabi a? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?" taning ulit ni El sa akin. "May bayad pagtatanong mo sa akin, gusto mo bang umandar na ang metro?" Inirapan ako ng gaga. "Damot! Sige na nga, uuwi na ako! At least ako may dilig, ewan ko lang diyan," parinig pa ng timawa. "Lakas ng loob mo ah! Baka gusto mo kausapin ko payroll mo?" "Charot lang! Ang fresh mo ngayon, madam!" Pinalayas ko na nga siya sa opisina ko. Pinapataas niya lang 'yung dugo ko e. Pero tungkol doon, iniiwasan ko nga pala si Jake. Hindi naman 'yung obvious na iwas. 'Yung medyo lang, sapat, and wishful thinking na hindi naman niya mapansin. Kung tatanungin niyo naman ako kung ano na namang kagagahan ito, heto ang sagot. Guilty ako, nakokonsensya na nahuhulog na kahit kaunti ang puso ko kay Jake. Expect niya na hindi ako katulad ng iba na bibigay sa kanya. Tapos heto ako, lakas magselos, lakas toyohin. Eh ang katapatan ko lang naman sa pagiging asawa niya, valid kapag umaarte kami sa harap ng iba. Alam mo 'yung masakit? Ito 'yung hindi ko na pwedeng ibalik 'yung to pangako ko. Hindi ko na namalayan ang oras at nine na rin pala ng gabi. Naka-off ang cellphone ko dahil low battery. Isa pa ay nasanay naman akong walang nangangamusta sa akin ng madalas. May sarili naman akong landline for business purposes. Tapos pagkabukas ko ng cellphone, walang halong eme or gimmick, talagang ang dami at tadtad ako ng message. Si Jake lahat, halatang galit na at hinahanap na ako. Daig ko pa may curfew a? Ano siya? Tanod o kapitan? Naisip ko naman na napakabastos ko naman tao kung 'di ko man lang siya reply-an. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na namalayan 'yung oras, ang dami kong trabaho. Then ayon na nga, nag-reply ang masarap kong asawa, on the way na raw siya! At paano naman niya nalaman ang location ko? Ano bang kailangan nito? Ang ginawa ko ay nagmadali na akong lumabas ng building at saka na lang siya hinintay sa labas. Nandoon na rin naman siya at naghihintay. Hindi rin siya mukhang nasa mood. Anyare? "Pasok," utos niya sa akin na walang gatol o emosyon man lang. "Chill ka lang," sabi ko na lang sa kanya ay saka na pumasok. Kinakabahan naman ang u***g ko sa sobrang seryoson niya. "I am not joking here, Aroz. Can you be a little bit more responsible?" sabi niya agad. Ano ba iyan, ano bang parte dito na galit siya? "Bakit ka muna galit?" Hindi pa siya nagmamaneho, buti na lang. Baka bigla niya lang matipuhan na magpabundol sa truck. "You are aksing me why I am mad? Aroz! Pumunta kanina mga parents ko! Tehy are expecting you there! Hindi natuloy 'yung dinner. Napahiya ako! Damn it!" Bigla naman akong nakonsensya. Kabaliwan ko na ito, pumapalpak na naman ako. "Sorry na..." sabi ko sa mababang tono. "I don't need your sorry!" sigaw niya na ikinagulat ko. Biglang may mga inahe sa alaala ko na pumasok. Putukan ng baril, sigawan, banggan at maiingay na busina. Bigla akong napatakip ng tenga habang nakatulala. Nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak. Natatakot ako, nangangamba, inaatake na naman akk ng panic attack. "Aroz? Hey! f**k! Aroz? Look at me," aniya na nagugulumihan na rin. "Look, I am sorry, I should not shouted on you. Hey! Calm down, breath in and out." Tinulungan niya ako na makahinga ng maayos. Umayos pati na rin ang pag-iisip ko. May selective amnesia kasi ako, dahil sa isang rason. Isang aksidente na hindi ko makalimutan. Kaya naman sa tuwing nag-iisip ako ng sorba okaya naman ay nakakarinig ako ng malakas na sigaw ay inaatake ako ng panic attack. Natahimik na lang ako sa buong biyahe. Sorry pa rin ng sorry si Jake. Ako naman ay pinili ko na manahimik. Nakatingin lang ako sa labas ng kotse. Naniniwala ba kayo na ang pinakamasayang mga tao sa mundo, sila rin ang pinakamay mabigay na problemang nakatago sa likod ng nakangiti nilang maskara. Kaya mas maagang namamatay ang mga comedian pansin ninyo. Nakarating na kami sa bahay. Agad akong yinakap ni Jake. "Sorry, sorry, I promise that I will not shout again, hindi ko alam kung bakit ka biglang natakot, pero please, don't hate me with that. I will try my best not to do that again." Hingi lang siya nang hingi ng sorry. "Pakiusap, huwag ka ng sisigaw ulit ha? Pisting yawa ka!" sabi ko na lang. Ayaw ko naman na matulog kami na may samaan ng loob. Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. "Thank you... May gusto ka bang kainin." Sweet naman. Lasang katas ni Adan. "Okay na, nag-early dinner naman ako. Sobrang busy ko lang kanina sa work tapos low battery pa ako. Hindi ko naman namalayan na may mga miscall ka pala. Don't worry, sa susunod ay hindi ko na gagawin iyon." "Nagalit ba sila Mama at Dad nang wala ako kanina rito?" I ask him, I am mentioning about our in laws. Umiling naman siya. "Well, thet are not mad, but they are visibly disappointed." "Message ko sila bukas, I will inbite them for a dinner. Para naman makabawi ako," sabi ko sa kanya. "You sure? Baka marami ka pang gagawin? Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Umiling naman ako. "Okay na, nabawasan na rin naman na ang workload ko. Ayaw ko naman na magbitaw ng bad impression sa nga in laws ko 'di ba?" Ngumiti naman siya. 'Yung ngiting bibigay pati panty ng anghel sa kagwapuhan niya. "Thank you. Nagi-guilty tuloy ako. Bakit ba ganoon na lang 'yung reaction mo kanina? Well, you can also not tell me. Kung masyadong pribado." Nasa sala na kami at magkatabi na nakaupo. Nag-decide na rin naman ako na mag-open up sa kanya. At least ay alam niya 'yung source kung bakita ko nagkakaganon. Baka akalain niya pa ay baliw na ako. "Well, hindi ko na masyadong matandaan lahat ng detalye, pero nasangkot ako sa isang malagim na aksidente nang college ako. Ang pinakanaalala ko lang talaga, nakakarinig ako ng banggan ng sasakyan, putukan ng baril, maingay na paligid. Tapos magmula noon ay na-develop 'yung trauma ko at saka panic attack. Lalo na sa mga sigaw. Hindi ko alam." "But you can withstand loud music like on the bar." Tumango naman ako. "Oo, basta music. Pero 'yung sigaw ng tao, mga tunog ng paputok? Kapag nakakarinig ako ng ganoon, para akong inaatake sa puso na hindi makahinga." Tumango naman siya. "Now at least I know. I hope we can open up more. We have a long term partnership, thus we also have long term goal. It is not bad that we should trust more each other." Pero iniisip ko rin kung tama lang ba 'yung decision ko na mag-open up sa kanya. Kasi the more na nagiging open book ako kay Jake. Mas malaki 'yung possibility na mahuhulog ako sa kanya ng mas malalim. Ayaw ko sanang humantong sa ganoon. "Matulog na tayo? Masyadong mahaba itong araw na ito sa atin,'' sabi ko rito. "Good night, Aroz. I hope you would not shead any tears because of me again." Sana nga. Sawa na rin kasi akong masaktan. KINABUKASAN ay maaga na naman akong nagising. Nag-thank you naman ako kay Lord kasi gumising ako na sobrang fresh. Peeo kidding aside, dapat ay lagi tayong magpasalamat sa araw-araw na chance para mabuhay tayo. Nagluto naman ako ng almusal naming dalawa. Nabigla naman ako nang bigla niya aking yakapin habang tinatapos ko ng lutuin 'yung Fried Rice. "Jake! Mukha bang hanger iyang likod ko." Ayaw kong ipakita 'yung mukha kong kulay itlog maalat! Pakiramdam ko ay ang init na ng mukha ko. "Hays, bawal na naman ba akong maglambing?" Gago ka ba? Ikaw 'tong nagsabi na bawal ma-fall tapos siya naman itong shutanginang pa-fall! Kaya ang daming babae ang baloloko, kasi ang dami na rin namang ngayong lalaki na ang lakas bumudol. Habang tumatagal ata ay mas rumurupok tayo. "Gutom lang iyan, nag-toothbrush ka na ba? Amoy isaw na bibig mo." Siyempre dakilang budol ako. Hindi naman amoy bituka bibig niya. Ang bango nga e. Sarap tumira. O, ayusin ninyo pag-pronounce ng tumira ha? Alam ko utak ninyo e. May pagkalumot e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD