GUSTO ko talagang kumanta at mapakanta ng ' Like a virgin, touch for a very first time'. Kasi kakagising ko pa lang, masakit na naman ang perlas ng silanganan ko.
Pinapanood ko na naman si Jake na masarap matulog. Sanaol hindi ba? Pasalamat na lang siya at napakasarap lang ng ginagawa namin.
Naligo na ako kahit na medyo umiika ako maglakad. Kailangan ko na ata ng wheelchair?
Paglabas ko ng banyo ay may suot na ako ng damit. Gising na rin si Jake at may damit na rin siya.
Sayang.
Pero anyways, nilapitan ko na siya at sinabi ko na kung pwede na ba akong umuwi. Wala naman akong balak magtrabaho, gusto ko lang magpahinga.
"Why? Saan ka pupunta?" tanong niya bigla. Concern ba siya?
"Uuwi na, alangan naman mag-camping ako sa bundok? Pagod na pagod ako kagabi, bawal ba magpahinga?" sabi ko naman sa kanya.
"Then, I will drive you home," wika niya na parang desidido na. Hindi na rin naman ako umangal.
Pero naisip ko lang din naman na, baka ang dahilan niya kung bakit gusto niya aking ihatid ay, ang pangit naman na umuwi ako ng mag-isa, ano na lang ang sasabihin nila kay Jake? Ganoon na nga siguro.
Siyempre dito na rin kami kumain sa hotel, matapos ay nagpasundo lang kami sa driver ni Jake at sabay na kaming umuwi.
Pagkauwi ay diretso agad ako sa kwarto. Pakiramdam ko kasi ay ang sama-sama na talaga ng pakiramdam ko. Parang ang bigat an ewan.
Nakatulog ako na sobrang mainit ang pakiramdam. Hindi na ako nag-abala pa na maglinis o magpalit na ng damit. Natulog ako na mukhang ewan. Grabe, nahihilo talaga ako. Trangkaso na ata ito.
Nagising naman ako na mukhang tanghali na. Hindi ako nakakaramdam ng gutom pero sobrang nanghihina na ako. Sanay na ako na mag-isa kaya naman alam ko na ang gagawin ko.
Hirap man ako sa pagtayo ay sinubukan ko pa rin. Bumaba ako papunta sa kusina upang uminom ng tubig at magluto ng kakainin ko.
Kahit na lugaw lang at saka itlog ay kinain ko na. Kahit wala na akong panlasa. Huling kain ko na ba kay Jake? Ang aga naman niyang mabubyudo kung magkataon lang talaga.
Pagkatapos kumain ay narinig ko naman na bumukas ang pinto. Si Jake iyon a? At saka anong oras pa lang? Bakit naman ang aga niyang umuwi?
"I am calling you but you are not answering my call! What's wrong with- hey? Namumutla ka!"
Bigla na lang umikot ang mundo ko at saka ako nag-twerk, tanga! Siyempre natumba ako bigla. Pakiramdam ko ay bayad na bayad ang pagkakataon na ito dahil sa nasalo ako ng asawa ko agad at nasa timing.
Mas maganda na ako kay Ellen Adarna!
"f**k! Ang init mo! Dadalhin na kita sa ospital!" taranta na wika niya.
Agad naman ako nagpumiglas. "Ayaw ko sa ospital! Lagnat lang ito! Ang una at huli mong rason para dalhin ako sa ospital ay kapag nanganak na ako!" sabi ko sa kanya. Bahala na kumbulsyunin ako rito! Walang magdadala sa akin sa ospital!
"What the hell? You are pregnant?!" bulalas naman nito.
"Wish ko lang, Jake! Nilagnat ako ng bonggang-bongga! Paano naman ako hindi malalanta! Sinagad mo ng sampong rounds kahapon," reklamo ko sa kanya.
"Well, we started so early." So bakit parang kasalanan ko pa?
"Che! Ginagawa mo akong kuracha! Ano akala mo sa akin? Hindi marunong magpahinga?" sabi ko sa kanya at saka na ako inubo ng tuloy-tuloy. Ang sakit ng ulo ko.
"Nilalagnat ka na, tinatarayan mo pa ako. Here, let me help you go back to your room," sabi niya sa akin. Akala ko ay aakayin niya lang ako na parang nakipag-inuman lang sa kanto.
Malay ko bang bubuhatin niya talaga ako na pa-bridal style! Mare, pakipulot ang panty ko! Dalian ninyo!
"J-Jake! Marunong akong maglakad," sabi ko sa kanya. Pabebe lang ng kaunti, pwede?
"Not when you are burning in fever. Tulungan na lang kita at huwag ka ng mareklamo. Or I will end up throwing you on our stairs."
"Hoy! Punyeta! Wala iyan sa kontrata."
"I am just joking you know." Nakahinga naman ako. Akala ko ay nakasal na ako sa pyschopath na lalaki na kapag nagsawa na sa akin ay gagawin akong chopping board.
Napadighay ako. Dapat ko ng bawasan kakapanood ng horror.
Nadala naman niya ako sa kwarto ko at saka ko na siya sinabihan na baka may importante pa siyang lakad o gagawin. Pwede naman niya akong iwan sa madilim, malungkot, malamig na kwarto na ito. Na mag-isa, na nilalagnat ako at nanginginig. Opo, hindi naman ako nangongonsensya. Baka kapag naglambing ako ay sipain pa ako ng lalaki na 'to.
"I will help you lower down your temperature. Aalagaan kita, since I am also half fault why you are having fever now. Babawasan ko na 'yung rounds natin sa susunod." Tang- nandoon na e! Sweet na sana! Bakit mo pa ba dinagdagan Jake?
"Dapat lang na bawasan mo! Ano akala mo sa kweba ko? Eat all you can buffet?" Tawa lang nang tawa ang baliw. Happy? Ipadala na kita sa mental?
"Mahiga ka na lang diyan at magpahinga. Makakasama sa iyo kapag nagdaldal ka pa." Ay, pati bibig ko napansin, award!
Itong bibig na ito ang nagpatirik sa mata ng isang Jake Montana! Napaka-ungrateful!
"Mas lalong sumasama pakiramdam ko sa ginaga-" Ay bastos! Bigla na lang naghubad ng damit sa harapan ko! Nakita ko tuloy 'yung mala-Machete niyang katawan!
Isinusumpa kita Jake! Kasama ng buong angkan ng mga De Belen! Shutangina! Alam na alam niyang marupok ako in so many ways!
"Hoy! Bakit ka naman bigla-bigla na lang naghuhubad!" sabi ko na kunwari ay nakapikit pa. Asa! Dapat 'yung mga ganitong opportunity hindi pinapalampas.
"Naghubad ako para mabilis kang pagpawisan," sabi niya ba naman with ngisi sa napaka-kissable niyang labi!
Pigilan niyo ako! Mare! Pigilan ninyo ako! Baka kahit masakit pa ang sinkhole ko ay mapasamba ako ng wala sa oras!
Mabuti na lang at tinulungan niya lang ako na bumaba ang lagnat ko. Binantayan niya ako na para bang asawa ko talaga siya. At least kahit na minsan lang sa buhay ko, may isang lalaki na genuine na nag-alaga sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam.
"Jake? Pwede ba magtanong?"
Itinuon naman niya sa akin ang pansin niya. Paki-take note na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang damit.
"Yup? What's that?" sabi naman niya pabalik.
"Ano, about sa mana mo, kamusta na? May balita na ba?" tanong ko naman. Wala naman akong interest sa mana niya ano.
Hindi ko kailangan ng malaking pera. Sapat na sa akin ang negosyo at ari-arian ko. I am independent financially.
"Well, my parents love the fact that I am married and settled now. Pero may isa pa kasi silang kondisyon na kailangan magawa bago ko makuha ang kompanya. They want me to give them grandchild. Ganoon lang para makuha ko ang mana ko." Napatango naman ako sa kanya.
Wala naman akong angal dahil sa pareho naman kaming makikinabang sa kung ano man ang plano niya.
At saka nagkalinawan naman kaming dalawa. Oras na dumating ang panahon na kailangan na namin na maghiwalay, dahil doon naman talaga ang end game naming dalawa, kailangan ay may karapatan pa rin kami na magkita at makita ang nga anak namin.
"Ganoon ba, soon ay magkaka-apo rin sila. Pero huwag muna ngayon, winasak mo na ata matris ko e," sabi ko sa kanya. Bigla tuloy bumalik 'yung inis kong sagad hanggang Pluto.
"Yeah, do you want me to help you with your check-up?" aya niya naman. Excited masyado mag-take over ng negosyo.
"Hindi, kaya ko naman at lagi ko namang nakakausap ng madalas si Klint. Siya naman talaga ang pinaka-doktor ko. Specialist din naman siya sa mga gustong mabuntis o sa mga buntis na."
He nodded. "Then I am looking forward now to have baby. Let's do our best."
"Pahinga ka."
Bigla namang nag-ring ang cellphone niya. Hindi ko alam kung sino 'yon at kailangan niya pang lumabas para sagutin ang tawag na iyon.
Ito na ba 'yung tinatawag nilang instinct? Babae niya ba 'yon? Bawal iyon a? Nakasaad sa usapan at kontrata namin na bawal kaming pumasok sa relasyon para iwas gulo at problema!
Makikita talaga ng Jake Montana na ito ang ginagawa niya!
'"Hey, you look bothered." Nakabalik na pala siya mula sa kausap niya. Matitikman niya ngayon ang silent treatment ko.
Hindi ko siya sinagot. Natahimik lang ako at saka na nanuod ng TV. May nakasalang kasi na pelikula, tamang chill lang na movie marathon kahit gusto kong manakal!
"Hey, bakit natahimik ka," sabi niya pa, pera dead-ma comatose lang ako.
Bumalik siya sa kausap niya sa cellphone. Magtawagan sila magdamag hanggang sa mag-umaga na. Nakakaumay?
"Yeah, keep ignoring ne and you will regret it," sabi pa niya. Pero ako? Determinado akong huwag siyang pansinin.
Hindi naman ako kawalan sa kanya. Sino ba ako? Isang hamak na Aroz lang naman ako na may expiration date ang ganda, may trust issue, mahilig sa horror at abnormal.
Kung hindi ko lang napaniwala si Jake na hindi ako attracted sa kanya, baka isa rin akong basura sa paningin niya.
"That's it,'' biglang sabi naman niya at saka na niya ako dinaganan. Hindi naman siya totally nakadagan sa akin.
"Jake! Anong ginagawa mo?" inis na sabi ko sa kanya.
"Why? Why are you ignoring me? Bumalik lang ako tapos hindi mo na ako pinansin." Saka niya pa ako hinahalikan sa leeg! Shet!
"Jake, magtigil, masakit pa katawan ko. Bawal na ba akong manahimik ngayon?"
Natahimik naman siya. "Right, I am so sorry. Maghanda lang ako ng kakainin natin." Para naman siyang malungkot na ewan. Hindi ako sanay kaya ang sinabi ko na lang.
"Its a prank! Ano ka ba naman! Masyado ka ng patola!"
Mukha naman siyang ewan na nabunutan ng tinik sa itsura niya. Saan ba kinabahan ang lalaki na ito? Natakot ba siya na awayin ko siya dahil possible na may babae siya?
Sabi ko nga, choice ng lalaki kung magloloko sila, at choice din ng babae kung magpapakatanga. Ako? Iho-honor ko na lang ang usapan namin kapag nagloko siya.
Nakalagay naman kasi sa usapan namin na kapag nagloko siya, divorce agad, anong sorry-sorry! Ginawa ko ng chicharon 'yung kaka okay lang iyan noon! Abnormal na lang ako kung hanggang ngayon may pagka-inutil pa rin ako sa pag-ibig.
Gaano na lang ako katanga kung anong petsa na ay may ganoon pa rin akong hobby.
"Mabuti na lang, I though you are jealous. Kausap ko lang naman kanina 'yung secretary ko. That is why I like you, you are not in love with me."