ISANG buwan na rin kaming nasa relationship. So far ay maganda naman ang takbo ng lahat. Parang wala namang problema.
Ganoon pa rin naman si Jake. Most of the time ay marami talaga siyang time na asarin ako. E ako naman talaga ang pambansang pikon. Ganoon lang naman ang away namin, small fights lang kumbaga.
Sa business, wala rin naman akong problema, wala na nga akong iniisip. Gusto ko sanang gayahin 'yung mga nakikita ko sa social media. Mga asawa at girlfriend na tinotoyo. 'Yung tipong bigla na lang ba na magtatampo ako, tapos biglang magpapasuyo.
Tapos bigla akong hiniwalayan ano? Shuta, huwag na lang. Baka hindi pa nga naipunla ang binhi sa akin, nawalan na ako ng asawa.
"'Yung kape mo, madam, pwede ng ipang-toppings sa ice-cream. Tulala?" puna sa akin ni El. Itong babae talaga na ito, parang siya pa nagpapasahod sa akin.
"Bakit hindi mo kaya ako damayan dito?" sarkastiko na sabi ko sa kanya.
"Ay, masagana rin love life ko, wala akong ikakatulala, madam." Wow ha? Sana sinagad mo na sa pagmumukha ko. Ang kapal iparamdam na peke lang ang love life ko.
"Gusto mo matulala? Halika, alisan kita ng trabaho para naman maranasan mong malungkot, El. Masyado kang masaya."
Bigla naman niya akong minasahe sa balikat. "Wala namang damayan ng trabaho!"
Natawa na lang ako sa kanya. Langya ka! Itong secretary ko na ito, lahat na lang ng sama ng loob, ibinabato sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Pwera biro, alam naman ni El na biro ko lang 'yung fire-fire na iyan. Hindi na ako makakakita ng kasing efficient niya na secretary.
"E bakit ka nga ba nakatulala, madam?" tanong ulit niya. Hindi niya ako titigilan niyan.
"Alam mo? Bagay kayong dalawa ni Klint e, pareho kayong chismosa! Anak ba kayo ni Marites?" sabi ko nga sa kanya.
"Ew! Hindi kami bagay ni bakla ano! Ano iyon? Magkiskisan kami magdamag?" sabi niya sa akin na overly defensive.
"Oo! Pareho naman kayong mukhang posporo! At sa sagot naman sa tanong mo. Masaya buhay may asawa ko ano! Naiinip lang ako mabuntis."
"Eh 'di double time! Isagad ang itak magdamagan."
"Nice suggestion, ipanggawa mo nga ako ng kape."
"Hala siya."
Umalis naman si El at naiwan ako na mag-isa. Masyado ata akong bored sa buhay. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lord, bigyan mo nga ako ng challenge.
Bigla namang nag-ring 'yung cellphone ko. Wala naman akong inaasahan na tawag. Busy rin si bakla sa trabaho kaya naman alam kong hindi siya ito.
"Hello?"
"Babe?"
Boses pa lang muntik na akong labasan, ng puso! Puso kasi iyon! Mga mapupusok ang utak! Magdasal nga kayo.
"Napatawag ka?" tanong ko sa kanya na pigil ang ngiti.
"You have no sweet bone," sabi nito sa akin na parang nagtatampo. Ang laki-laki e tampurorot.
"Halika, haluan natin ng asukal bawat buto ko para happy tayo."
"Aroz," sabi niya with danger on his boys.
"Eme lang, hindi na mabiro. Bakit po kamahalan at napatawag ho kayo?" tanong ko na rito.
"Well, the board of directors wants to meet you. I want you to be here at 4 pm in the afternoon. No buts," sabi nito with finality. Paladesisyon din 'tong lalaki na ito e.
"Ha? Nakilala ko naman sila nang reception ng kasal natin a?" angal ko pa, baka sakaling lumusot naman.
"Aroz, I will not repeat what I have said." Narinig ko na lang na namatay na ang tawag.
Sabi ko Lord, challenge, hindi ganito. Napasubo na naman ako. Sabi nga nila, be careful what you wish for. Ayan tuloy! Kailangan kong mag-ayos. Almost lunch na tapos mukha na akong pang overtime. Sasabak sa olympics itong itsura ko.
Bigla naman pumasok sa office ko si El na may dalang kape. Inilagay na niya ang tasa sa ibabaw ng table ko.
"Itapon mo na iyang kape," sabi ko sa kanya na medyo kinakabahan. Shuta, sa talong ni Jake go for gold ako, pero ganitong may pa-meet and greet ulit, para akong aatakihin ng asthma.
"Ha? Bakit naman itatapon? Nakakapagod mag-init ng tubig, gumawa ng coffee maker, magtanim ng coffee beans! Magsasayang ka lang ng kape?" sermon niya sa akin kahit malayo pa ang Linggo.
"Nanay ba kita?"
"Hindi."
"El, minsan masarap ka rin sakalin 'no? Nakikita mo ba itong itsura ko?" tanong ko sa kanya habang nahihirapan na akong huminga.
"Ay oo nga! May panic attack ka! Anyare! 'Yung gamot!"
Pinainom naman niya ako ng gamot hanggang sa kumalma na ang puso ko.
"Anyare ba at bigla ka na lang ginanon? Huling inatake ka ay dahil iyon kay Robert!" sabi niya sa akin.
"Tumawag si Jake sa akin," paunang sabi ko.
"Nanghihingi ng ransom?"
"Alam mo, El? Bumili ka na lang ng kausap mo," banas na sabi ko rito.
"Joke lang e! Seryoso na! Bakit nga ba?"
So ayon na nga, sinabi ko na ang dahilan. Nakakapagod ulitin kaya ganoon na lang. Tapos tumawa lang siya na parang bruha.
"Worry no more! Kaya naman kitang ayusan, kahit hindi kasing fabulously ng kay Klint, kaya kitang ayusan!"
Hindi ko lang alam kung kaya kong pagkatiwalaan 'yung ngiti ng babae na ito. Parang hindi gagawa ng tama sa buhay e.
Mukhang hindi naman masama. Kung si Klint ang ginagawa akong babae na babae sa transformation niya sa akin. Ito naman si El, mas ginagawa akong fierce at respected.
She made me wear a beautiful black office blouse, white na pencil cut skirt at flattops.
Sinundo naman ako ni Jake. At least alam ko na mukha akong presentable.
"You look gorgeous," bati niya sa akin. Maliit na bagay!
"Salamat, wala namang bago." Yabang ko sa part na iyan.
"Yeah, marunong ka nang magsuklay." Sinamaan ko siya ng tingin. Tustahin ko kaya 'yang talong at itlog ng lalaki na ito? Para instant torta.
"Sungalngalin kita ng suklay diyan e." Tawa lang siya nang tawa. Masyado siyang happy.
Nakarating naman kami sa kompanya na pagmamay-ari niya. Maliban pa sa mga hotel at restaurant niya na pagmamay-ari, o soon na makukuha niya as a mana, mayroon ein siya import and export business.
Pagpasok namin ay pinagtitinginan kami na parang mga artista. Ang laki at ang ganda ng loob ng kompanya niya. 30 floor, sa kompanya ko ay nasa 10 floor lang.
Madami ang bumati sa amin. Daig ko pa si Queen Elizabeth sa sobrang Very Important Person ko. Ang daming straw na nakikichika sa akin, feeling close, halatang gusto na kumapit.
Nakipagkita na ako sa mga board of directors. Lahat naman ay mababait at magagalang. Ay hindi pala lahat! May isa palang babae na biglang binangga ako. Nag-sorry naman siya pero halatang pilit at maasim ang salita.
"I hope huwag pakalat-kalat para hindi nakakabangga," sabi niya sa akin.
Maganda siya in fairness. Kabog mga Victoria secret model sa kanya. Sexy, makinis mukha at balat. Pero punyeta, sino ba siya? Attitude? Siya ba nagpapakain sa akin?
"Ganoon siguro kapag tanga, ikaw na nakabangga, ikaw pa ang may ganang magalit. Kaano-ano mo nga pala si Lucifer?" Balik ko sa kanya. Baka akala niya ako si Mara at siya si Clara. Buhusan ko siya ng kape sa mukha e! Gigil mo 'ko!
Mukhang hindi naman siya makapaniwala. Pinapanood lang kami rito na nag-aaway. Ano ito? Talkshow?
"What have you say?"
"Bingi ka ba? Maglinis ka rin kasi ng tenga minsan!" sabi ko nga rito. Bakit ba kasi ang daming nagkakagustos a asawa ko! Hindi pwedeng hintayin na lang nila 'yung expiration date? Mga bwaka na 'to.
"I really have no idea na pakakasalan ni Jake ang isang tulad mong walang class!" bwelta naman niya. Seminar ko nga muna paano mang-trashtalk 'tong espasol de mamon na 'to.
"Hoy babaeng insecure, get well soon, hindi ka pakakasalan ni Jake sa pangbabastarda mo sa akin ngayon. Bakit? Bakit ba sa akin ka galit? Inaya lang akong pakasalan, hindi ko kasalanan na hindi ikaw ang pinili! Now, if I can excuse myself, pwede ka ng umalis sa harapan ko."
Napahiya naman niya na umalis. Ni hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya. Akala mo naman siya nagpapakain sa akin at sa buong Pilipinas.
Minabuti ko ng puntahan si Jake na nakangiti lang na nakatingin sa akin. "Happy? Libreng eksena!"
"Yeah, I like how you are fierce and claiming that I am yours. You look hotter that way." Ano ako? Mukhang bold?
"Naku, tigilan mo kakabola mo sa akin, Jake, ha? Hindi bilog ang buwan. Wala na ba tayong gagawin? Baka pwede na ako umuwi?" sabi ko sa kanya at baka makalusot lang. Kanina pa ako uwing-uwi na.
"Why? Bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka ba?" tanong niya na nakakunot ang noo.
"Dadaanan ko 'yung mga Afam sa BGC, baka makakita ako ng kamukha ni Cris Evans," sabi ko sa kanya. Nagbibiro lang naman ako, kaso mukhang patola masyado 'tong asawa ko.
"What did you say? Then there is a reason for me not to let you home alone. Dito na tayo matulog, sa hotel na pagmamay-ari ko," sabi niya sa akin na may ngisi sa labi. Shuta, alam ko na mga ganyan na galawan.
Napayakap ako sa katawan ko. "Huwag po kuya, may kiliti ako diyan, huwag diyan." Napakanta kayo ano?
"What the hell, Aroz?"
"Joke lang! Sige, gawa tayo ng baby mamaya. Para maaga na tayo makabuo." Ako na nagyaya, ang bagal niya e. Baka matunawan na ako ng egg cell na naman.
"That's sounds even better."
So siyempre inaya niya muna akong kumain ng early dinner namin. Tama lang na dami ng pagkain at baka imbes na magjugjugan pa kami ay antukin na lang bigla. Masama naman 'yon.
Matapos kaming magpa baba ng kinain ay pumunta na kami sa isang private hotel room sa top floor.
Ang ganda ng kwarto at kita ang malakaking building sa labas. Ang laki rin ng kama.
At nakita ko na nga ang asawa ko na lumabas sa banyo, basa ang katawan at wala na ring saplot ang katawan. Tigas na tigas na rin ang itak ni Adan, handa ng lusubin ang kweba ni Eba.
He walk slowly on my direction. Mabilis niya akong hinalikan at niromansa. Dama ko ang init at sarap ng pagpapaligaya niya. And I did my best para i-give back ang pleasure na nadarama namin sa isa't-isa.
"f**k, you are so hot, Aroz."
"Jake, gawin mo na! Hindi ko na kaya."
He slowly inserted his manhood inside of me. Dama ko na napuno na niya ako ng malaki niyang sandata.
Mabilis ang pangyayari at para na lang akong lumipad sa mga ulap. Narating ko na naman ang langit.
Hindi ko na lang ikikwento lahat, baka maiinggit pa kayo.