NAKARATING na ako sa cafe na pagmamay-ari ko.
Maliban sa may chika nga ako kay Klint, balak ko rin i-check ang mga stocks namin, inventory and such. Usual na ganoon naman talaga ang ginagawa ko.
Hinihintay ko ngayon si Klint. Lakas ng loob makipagchismisan sa akin, lagi naman siyang Filipino time.
Hindi nga nagtagal at dumating na ang bakla ng taon. Kilig na kilig pa ibang babae sa kanya, akala siguro nila kumakain ng tahong itong si Klint. Isa rin iyang kumakain ng bamboo shoot, mga hangal.
"Bakla!" Matinis na wika ni Klint. 'Yung mga babaeng nagpapantasya kanina sa kanya, ayon, daig pa nagmumog ng sukang pula.
"Bakit ka tumili? Ayon 'yung mga girls sa table number 3, naglalaway kanina sa iyo," biro ko sa kanya na may halong pang-aasar.
"Alam mo, Aroz, ang ganda sana ng araw ko punyeta ka e. Bilis! Magkwento ka na ora mismo! Ano? Para bang barena? Paano kumaldag ang isang Jake Montana?" tanong niya sa akin na parang magpapasa lang ng bold sa cellphone.
"Hayop ka talaga, haha. Alam mo na sagot doon! Siyempre, magaling, siya lang naman nagdala sa aming dalawa e."
Tumango siya na parang hindi satisfied sa sagod ko. "Tipid naman ng sagot mo, may bayad ba?"
"May subscription! Hindi kita pinapunta rito para pagpantasyahan ang asawa ko ha?" Mataray na sabi ko rito.
"Excuse me. Kung asawa lang ang usapan, may asawa ako! Rigo! Ang lalaking malaki ang tubo," aniya sabay humagikgik. Para tuloy kaming mga baliw rito.
At least hindi na ako puro sana all na lang. Naranasan ko na rin makatikim ng langit na may halong langitngit.
"Ay oh? Iba ang ngiti! Fresh!" puna niya sa akin.
"Magkape nga muna tayo bago natin simulan itong gustong-gusto mo na usapan. Saka may tatanong ako, sa palagay mo ba ay buntis na ako?" tanong ko sa kanya. Alam niyo naman na OG itong kaibigan ko.
Siya lang ang kilala kong doctor na nagpapaanak, pero ayaw sa kepyas. Odzibuh, sabi nga ni Madam Inutz.
"Ang bilis niyo namang nakabuo kung nagkataon? Sulitin mo naman 'yung talong ni Jake! At least man lang kapag naghiwalay na kayo, hindi mo na ma-miss. Hindi ka na makakatikim ng Jake ulit."
"Alam mo? Ang kalat natin. Doon nga tayo sa opisina ko."
Ganoon na nga ang ginawa namin. Pero bakit nga ba masyadong excited itong si Klint na mag-divorce kami ni Jake. Bwisit na bakla rin ito e. Masyadong paladesisyon. Sarap palahin ang mukha.
Nang nasa opisina na kami ay tuloy lang siya sa pagtatanong. Na kwento ko nga sa kanya na para lang kaming tropa ni Jake.
Akala ko nga sa una ay disaster na kami. Masyado kasi siyang garapal. Si Jake? Ginawa atang trabaho ang pang-aasar sa akin. E alam niyo naman, mas makapal pa ang mukha ni Klint kaysa sa pisi ng pasensya ko.
Pero alam naman ng 'asawa' ko 'yung limits ko. Kapag nakikita niya akong galit na galit na, susuyuin ako ni Jake. ISANG NICE BABY NAMAN DIYAN, JAKE.
"Pero in all fairness, blooming ka! Nakita mo iyang balat mo, parang balat ng shanghai dati, ngayon! Pak! Belo iyarn?" puna ulit niya sa akin.
"Grabe? Seryoso? Balat talaga ng shanghai ki-nom-pare mo sa akin?" Bwisit na sabihi ko sa kanya.
"Alangan naman balat ng siomai? Mas kulubot iyon girl."
Binalik ko na lang ang atensyon ko sa tanong niya. Baka kung magkataon ay masakal ko itong baklita na ito. Napaka bwisit ng tanong e, para akong magkakasala na isilid siya sa sako.
"Ewan ko ba. Nang una akala ko ay may sapak sa ulo 'yung lalaki na iyon. Aba naman kasi ay masyado siyang imbento. Inaya ba naman ako ng kasal? E mukha akong leader ng sindikato nang panahon na iyon. E kaso ako naman, baliw, gora na. Parang siya na lang choice ko noon."
"Alam ko na support na kita, kahit nang nagdesisyon ka na at kasal ka na. Last week lang iyon. Pero bakla, wala ka namang pagsisihan hindi ba? Baka ma-fall ka niyan, tapos sa huli ikaw rin ang masaktan."
Dumighay este huminga naman ako ng malalim. Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko rin alam. Natatakot ako. Baka kapag nagkataon ay mahulog nga ako. Nakakatakot iyon.
"Wala akong pagsisisihan dahil wala naman akong balak na ma-fall sa kanta. Love myself muna."
"Tama iyan! Push mo iyan! Ire! Hingang malalim."
"Shutacca."
Pagkauwi ko ay naghanda naman ako ng makakain. Nag-send naman kasi sa akin ng text message itong si Jake. Sabi niya ay nag-dinner na siya sa labas. Kaya pang solo flight lang ang niluto ko. Sana nga ay bumili na lang ako ng pagkain kanina bago umuwi.
Ewan ko pero gabi na rin na umuwi itong si Jake. Suray-suray pa kung maglakad, halatang lango sa alak!
"Oh? Umuwi ka ng lasing? May problema ka ba? Huwag mong sabihin na nagmaneho ka ng lasing?" sermon ko naman sa lalaking ito. Inialalayan ko na siya. Baka matumba pa siya, tapos magka-amnesia, tapos hindi na niya ako maalala.
Charot. OA naman no'n masyado.
"I am home," sabi niya sa akin habang nakangiti. Masyado naman siyang gandang-ganda sa akin. Ano ka ba, Jake? Aroz lang 'to o? Partida may damit pa ako niyan.
Sinamahan ko na siyang umakyat paitaas. Aba at baka akala niya masyado lang siyang magaan... Maaga ko siyang bibigyan ng homilya bukas ng umaga. Ulitin niya lang mag-inom ng ganito kalala. Papa-bottoms up ko sa kanya 'yung lason ng daga.
Napailing ako. Nasosobrahan na ako sa horror. Sadista ka ghorl?
"Sa susunod na maglasing ka ng ganito, papatulugin kita sa garden," banta ko sa kanya. Huwag niyang sabihin na yummy siya!
He pouted. "Why my wife being so mean?"
Nagulat naman ako sa biglang lambing niya. Shuta, Jake, marupok pa ako sa pakwan. "Tumigil ka nga, Jake, pereng shira."
"Aroz?" tawag naman niya sa akin. Initsa ko na siya sa kama. Ang sakit ng balikat ko. Para akong nagbuhay ng bulldozer.
"Oh? Dede ka?"
"May dede ka ba?" asar niya sa akin. Kung 'di lang lasing 'to? Sinapak ko na e.
"Tado!"
Tawa lang siya nang tawa hanggang sa mawalan na siya ng malay. Matutulog ata 'to na amoy kulob.
Since pangarap ko naman na pagsilbihan ang magiging asawa ko, and tsaran! May asawa na nga ako. Kahit na sabihing sa papel lang naman, naisipan ko na magpakaasawa naman.
Kumuha ako ng basin, warm water, towel at saka inayusan si Jake.
Walang malisya ko na binihisan siya. Wala naman sigurong problema since nakita ko na lahat sa kanya. Maumbok na ano, na puwet. Ano-ano kasi iniisip ninyo e!
Matapos ko siyang pagnasahan este bihisan! Bihisan iyon!
Siyempre hinayaan ko na siyang matulog. Alangan naman na ipagdasal ko pa siya. Pero bago ko siya iwan na mahinang humihilik ay kinuha ko ang opportunity na ito.
Ngayon ay malaya ko siyang pinapanuod na matulog. Para siyang prinsipe na ang sarap, ang sarap lang. Sarap niyang pagmasdan at titigan. Kung ganito ba naman pinakasalan ko at kumuha ng perlas with clums, wala na akong pagsisisihan pa.
"Jake, ang gwapo mo talaga. Pa-kiss lang, isa, huwag ka na madamot, tulog ka naman na."
Hinalikan ko siya ng mabilis at saka na siya iniwan na mag-isa. May utang pa rin siya sa akin bukas.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising as usual. Opo, maaga naman akong gumigising basta hindi lasing.
Nakasanayan ko ng maghanda ng almusal ko, dahil hindi kumpleto ang araw ko kung walang almusal.
Pero iba na ngayon e. Babangon ako at magluluto na pangdalawang tao na...
Aaminin ko na excited ako for my wife duty. Nagluto ako ng Chinese fried rice na Pilipino ang gumawa. Tapos nagprito-prito ako. Mga Japanese Omelete, Korean sausage. O 'di ba! Para na rin kaming gumala sa South East Asia.
Matapos magluto ay balak ko na sanang gisingin si Jake. Medyo alangan lang ako kasi baka ayaw niyang ginigising kapag umaga, lalo ba at lasing 'yon. Kaya nga maaga akong gumawa ng soup para sa hangover niya.
Alam ko, napakasarap ko maging asawa. Kaya nga hindi ko maisip bakit pa ako iniiwan. Aroz na ito ha?
Akmang aakyat na ako sa hagdan nang may bumabang isang anghel na naka-shorts lang at walang damit. Nahiya ka pa Jake, sana naghubad ka na lang. Baka nawala pa galit ko.
"Smells good here," wika niya sabay diretso sa kusina.
"Good morning ha?" sarkastiko ko na wika. Siya naman ay tawang marino lang. Tapos ngiting barako. Shet, tatagusan ka talaga ng sabaw sa panti kapag ganito lagi ang umaga.
"Good morning to my wife," malambing kuno niyang sabi.
Oh? Ano pa bang hinihintay ninyo? Akin na ang korona ng maisuot ko na.
"Huwag mo akong good morning-an diyan! Nagmaneho ka ba ng lasing kagabi?" tanong ko sa kanya with matching panlalaki ng mata.
He cackled. Umupo na siya sa mesa at ako naman ay pinaghandaan ko na siya. Nasanay na ako kasi ganito ko naman pagsilbihan ang mga naging ex ko.
"Nope, hinatid ako ni Uno. Why?" tanong niya pa na parang clueless, sarap jombagin.
"Ay naku, huwag mo akong ma-why why diyan! Kapag ikaw naaksidente sa kakalasing mo," banta ko sa kanya. Dinurog ko talaga 'yung longganisa sa harap niya. Ayan, matakot ka loko.
Buntisin mo muna ako bago ka mawala sa mundo!
"Yeah, I will drink responsibly next time, but stop torturing that sausage."
Huminga ako ng malalim saka na siya binigyan ng sabaw.
"Uminom ka ng mainit na sabaw para mawala hangover mo. Proven and tested iyan ng mga ex kong lasinggero noon," sabi ko sa kanya sabay abot ng mangkok.
He shrugged his shoulder. "I advised that you should stop comparing me to your ex. I am so much better than them."
Wow, the confidence is skyrocket.
"Kumain ka na lang, dala lang ng alak iyan."
He pouted his lips. Humihingi ka ba ng halik? Char.
"Kumain ka na rin," sabi niya sa akin. Sinabayan ko na siyang kumain. Akala ko kasi katawan pa lang niya na nakabuyangyang, busog na busog na ako.
He smiled, parang nang-aasar na ngiti, ganon.
"Ang sabi ko, kumain ka na. Pero hindi ko naman sinabi na gawin mong ulam itong katawan ko," wika ni Jake sabay pakita pa ng mascular niyang braso.
Namula naman ako kaya napayuko. Ang init ng mukha ko!
"Ang lakas talaga ng fighting spirit mo! Huwag ka masyadong confident!"
Tumawa lang siya. Mabilaukan sana siya. Pero bawal pala.
Bawal pa siyang kunin ni Lord habang hindi niya pa ako nilalamnan.
Aba lugi naman ako noon kung hindi niya ako mapapasahan ng lahi niya.