Episode 10

1048 Words
WALA ng atrasan ito 'di ba? Kahit na anong panic attack gawin ko rito ay wala ng stop look and listen na mangyayari. Nasa kwarto ng isang hotel kami ngayon. Kasama ko si El at Klint. May sarili kaming bridal shower. Hindi naman ako super friendly na tao, 'yung mga for keeps lang talaga. Kaya kami lang ang nandito. "Sorry 'te, out of people daw 'yung alam ko na stripper club. Sayang, kahit makasilay ka muna ng ibang talong bago 'yung kay Jake," ani Klint sa akin habang tinatagayan na naman ako ng alak. "Gaga, no need na iyan. Mababahiran pa ng kung ano ang inosente na isip ko," sabi ko sa kanya. Tumatagay lang kami, tamang gin bilog plus Tang orange at lighter, ayos na ang ikot ng baso. Basta iwas lang sa sobrang paglalasing, baka magtawag ako ng uwak ng wala sa oras. "Pero madam, ito ha? Seryosong usapan. Sobrang saya ko na ikakasal ka na kahit na hindi seryosohan. Akala namin ay tatanda ka na lang ng dalaga, tapos mag-aalaga ng pusa saka mangongolekta ng babasaging plato," sabi sa akin ni El. Sarap magpalit ng secretary. "Ayos ka talaga kausap ano? Thank you, oo, mauunahan pa kitang ikasal. Bukas na ang sakalan este kasalan." Bigla naman akong yinakap ni bakla. "Good luck 'te. Sana mabuntis ka agad para divorce kayo agad ni Jake." "Bakit ko ba kayo naging kaibigan? Mga inggrata!" KINABUKASAN ay medyo may hangover pa ako, pero medyo lang. Very bearable naman. As usual naman talaga, si Klint ang nag-ayos sa akin. Siya lahat! Kaya naman kahit na mas pogi pa siya sa mga ex ko, siya ang ginawa kong made of honor, habang si Jake ang buong Agustinian boys ang best man. Medyo may trust issue pa ako. Malay ko ba kung bigla akong kidnap-in, tapos biglang may manggugulo sa kasal namin. Dami kong iniisip, ayaw akong patahimikin ng utak ko. Pero maayos naman akong naihatid ni Klint sa simbahan. Ang daming tao, mga press, mga paparazzi, mga mahahalagang tao sa kipunan. At higit sa lahat ay nandito ang mga magulang ko. "Ang anak namin, ikakasal na," sabi sa akin ni Papa na ready na akong ilakad sa altar. Sorry, Pa, Ma. Sorry kasi isang malaking palabas lang ang kasal na ito. Pero iingatan ko naman po ang puso ko. Pangako ko iyan. "Oo nga, Pa. Sabi ko naman sa inyo e. Pawala lang sa kalendaryo ang edad ko, pero may asim pa." "Lagi ka naman maasik, anak," wika ni Mama sa akin na hindi ko alam kung nagbibiro. "Ma naman! Kasal ko ngayon o? Pagbigyan." "Badtrip pa rin kami ng Papa mo! Ikakasal ka na ay hindi man lang nakapamanhikan ang nobyo mo! May utang silang baka at kalabaw sa atin." Napaka-old fashion talaga nila, pasensya na. Bigla naman kaming tinawag ng organizer. Magsisimula na pala ang kasal, o mas magandang tawagin na palabas. Isang tanghalan, at maliban kay Jake, Agustinian boys, at sa mga kaibigan ko, oras na para lokohin namin ang buong mundo. Naglakad na ang mga bisita papasok ng simbahan. Sa huli ay nang ako naman ay sinamahan ako ng aking mga magulang na maglakad patungo sa altar. Hindi ko alam kung bakit kahit na alam kong wala lang ito, naiiyak pa rin ako sa saya. Dream come true ko ito e. Nang nasa tabi ko na si Jake ay kinausap siya ni Papa. "Usapan natin, Anak. Huwag na huwag mong sasaktan itong si Aroz. Buong De Belen makakabangga mo! Isa pa ay may utang pa kayong pamamanhikan sa amin," wika ni Papa. Nakakahiya. "Opo, Pa. Makakaasa po kayo." Sabay na kaming humarap sa pari. Lahat ay naghihintay na sa pagsisimula ng pag-iisang dibdib namin ni Jake. "We are all here to witness the Holy matrimony between Jake Montana and Aroz De Belen soon to be Mrs. Montana. Before we start, may I ask kung may nais ba na tumutol sa kasal na ito." Sige, tumutol kayo, papatapon ko kayo sa Bermuda Triangle. Mabuti at wala namang kumontra. Kaya tuloy ang kasalan. Mahabang seremenyo bago kami nagpalitan ng vow. Iniisip ko na dapat ang sumpaan ng dalawang taong ikakasal ay madamdamin, may puso, nakakakilig at overwhelming. Nalimutan ko na peke lang pala lahat na ito. Daig lang namin ang gumawa ng essays saka nagpalitan ng singsing. "I pronounce you husband and wife, Jake, you may kiss your wife." Nakita ko namang inalis na niya ang aking belo. Kinakabahan talaga ako! Feeling virgin ang lips? Pero nang halikan ako ni Jake ay nakaramdam ako ng spark ng Meralco. Dama ko 'yung kakaibang emosyon. Pero binaliwala ko lang iyon. Ang huling naalala ko sa kasalan na ito ay, nang hinalikan ako ni Jake, naglaho lahat ng tao sa paligid namin. Pwede ko sigurong tawagin na isang himala ito hindi ba? DUMATING kami sa reception ng kasalan. Bongga na handaan. Ako na sa mga dessert and pastry habang sa halos lahat na si Jake. Ang usapan namin sana ay hati kami sa gastos ng kasalan na ito, pero hindi siya pumayag. Sinabi kasi niya na para bang investment niya na ito. Marami ang nag-congrats sa amin. Lahat ay masaya, or so iyon ang nakikita ko, hindi ko lang alam kung totoo. Pero kahit anong saya ay mas nanaig ang kaba, naiisip ko na kasi 'yung honeymoon namin mamaya ni Jake. Sa wakas ay isusuko na ang Bataan, damay na rin ang Cavite at Metro Manila. Shet! Wala na bang atrasan ito, banker? "Parang hindi naman maipinta ang mukha mo? Is there anything that bothers you?" tanong ng asawa ko, claim it. Pwede bang sagutin ko siya ng 'yung talong mo na size ng upo ang namba-bother sa akin? "Wala, naisip ko lang kung pwedeng i-postpone ang honeymoon natin? Parang 'di ko yata kaya." "Kung sa buhay ko ay wala ka?" Kinanta pa talaga niya. "Kainis ka naman e! Pakyu times two. Kinakabahan nga ako." He cackled. "If I can show you one of my best talent, I will show you how I can bite on our bed this night." Okay, ako na ang nanalo. Sa akin na ang korona! Guess what? Nasa hotel ako ngayon para sa nalalapit na pagpitas sa perlas ko. Ang pagsuko ng Bataan. Para sa kinakabukasan! At dahil diyan, ina-atake na naman ako ng reasonable na kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD