Episode 9

1757 Words
AKALAIN mo nga naman. Parang kahapon ay gusto ko ng mag-dive sa isang drum ng Red Horse sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Lalo na nang iwan, lokohin at gamitin ako ni Jason. Pero ngayon, mas okay na ako. Akala ko ay pagsisisihan ko ang pagpasok sa ganitong relasyon, hindi ko expected na enjoy naman ang ganitong set-up namin ni Jake. Tatlong araw na lang at engagement party na namin. Tatlong buwan na nang i-meet ko ang mga in laws ko. Inimbitahan ko ang mga magulang ko, kaso ay may mahalaga silang gagawin. Bali babawi na lang daw sila sa kasal ko. Kasal, ang sarap pakinggan ano? Para sa isang babae ay mala fairytale kung pakinggan. Except sa fact na hindi true love ang ganap. "Okay ka lang, Ma'am? Parang hindi gumagalaw mga pinipirmahan mo a?" Si El, at ito na naman. Pakiramdam ko mas boss pa ang secretary ko kaysa sa akin. "Ay sorry boss!" sarkastiko na aniko. "Cheret lang. Bakit nga ba tulala ka diyan, Madam? 'Yung magiging soon to be husband mo ba?" tanong niya sa akin. "Iniisip ko 'yung kasal, hindi siya," honest na sabi ko. "Nabibilisan lang kasi ako." "Nagsisisi ka ba?" "Weird, but no. Hindi ako nagsisisi. Mas masaya ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa dating crush ko si Jake, o sa fact na nararanasan ko ang nararanasan ko ngayon," wika ko naman habang nakatingin sa glass wall ng opisina ko. "Wow! Sanaol may s*x life." Nasamid naman ako sa sinabi niya. "Gaga, wala pang ganoon." "Pero looking forward siya! Aminin!" she teased. "Siyempre, parte iyon ng usapan. Alangan naman mabuntis ako ng walang horse back riding." "Siya rin na napasubo ka na, go ka na. Alangan naman mag-back out ka pa. Nang una pinipigilan kita sa desisyon na iyan, pero kung kaya mo naman, Madam, na alagaan at bantayan ang puso at nararamdaman mo. Go ka na. Basta alam lang natin 'yung limits." "Salamat, El. Pero pakitapon mo muna itong mga basura rito." "Sabi ko nga." MATAPOS ang tatlong araw ay ito na nga ang pinakahihintay. Engagement party na namin ni Jake. Kinakabahan ako, para akong maje-jebs na ewan. Pwedeng wala ng paganito? Over naman 'yung mga fancy gathering na ito. Pwedeng sa kasal na lang may ganito kabongga na ganap? Para isahang anxiety na lang sana mga repa. Bigla naman akong sinabunutan ng walang kamag-anak nitong si Klint! "Aray naman! Bakla ka? Ang sakit mong manabunot. Kapag 'yung anit ko, nagtampo, ipapasagasa kita sa tren!" banta ko sa kanya. Siya kasi nag-aayos sa akin. Siya lang pinagkakatiwalaan ko sa hidden beauty ko. Baka kapag iba ang nag-ayos sa akin, imbes na magmukha akong Barbie, magmukha pa akong Anabelle. "Paano namang hindi kita masasabunutan? Langhiya namang mukha iyan, masyadong lukot! Ang hirap apply-an ng make-up. Mas masarap pang mag-abroad. Babae ka! Umayos ka! Dapat ikaw ang star ng Pasko sa ganda! Engagement mo na!" "Alam ko naman na engagement ko na. Kaya nga kabado ako o?" sabi ko sa kanya. He sighed. "Girl, you can do this. Ang layo na ng narating nitong kagagahan ninyo ni Jake. Isagad niyo na!" As if may choice pa ako 'di ba? Mabuti na lang talaga at nandito si Klint at El. Madami pa rin nagmamahal sa akin. Sumusuporta. Matapos ang pag-aayos na iyon ay sinundo na ako ni Jake. Ang gwapo niya sa puting formal attire. Mukhang siyang prinsipe. Hindi rin naman ako pakakabog sa aking red na gown. Mukha akong rosas! Ganon! "You look so gorgeous tonight," sabi sa akin ni Jake na muntik ko ng ikinangisay. Enebe. "Nambola ka pa. Ngayon lang naman ako maganda," sabi ko rito. "It is still mystery for me why you keep styling yourself like that. You are beautiful this way, so why? Are you Cinderella with expiration date?" Umiling ako at saka na binaliwala ang usapan naman na iyon. "Basta, may rason ako! Pumasok na nga tayo." Nandito na kami sa function hall ng hotel na pagmamay-ari niya. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kaba, tapos matapang ako sa part na ako pa ang nag-aya na pumasok. Wow, Aroz? Mukhang napansin naman ng soon to be hubby ko na kinakabahan ako ng very light, nanginginig pati buhok sa ilong ko. Kaya naman hinawakan niya ako sa bewang, and he lead our way. "Stop worrying, nothing bad will happen to you. I promise you that." At ang puso ko na parang binabayo ng alon sa kaba, ngayon ay payapa na. Anong klaseng magic mayroon ka, Jake? Pagpasok namin ay parang mabubulag ako sa kislap ng mga camera. This will be one of the most trending na kasalan. Ang daming mga tao ang nais makasaksi ng tagpo na ito. Hindi nga naman biro kung sino ang pakakasalan ko. Ewan ko ba kung Jackpot ba ito o Sumpa. Parang free trial lang kasi ang lahat. At the end of the day, may expiration lahat ng ito. But I decided to let go those thoughts and focus this memorable times on my life. Minsan lang ito, Aroz. Huwag mo ng sirain ang mood. Pagpasok naman ay ang daming nag-greet sa amin. Mga artista, business tycoons, politician, mga mahahalagang tao at iba pa. Makikita na pangmayaman itong function hall. Kung hindi ko hawak ang kamay ni Jake ay baka kanina pa ako nangisay sa kaba. Pinaupo naman ako ni Jake sa designated table namin. Madami pa siyang kakausapin. Isang oras pa bago magsimula itong party na ito. Gusto ko sanang uminom ng kahit anong alak, para naman ma-boost ko ng very light and confidece ko. Kaso naalala ko lang, last time na uminom ako, may pangarap akong muntik masira. May kotse pang nadamay. The emcee started to speak. Nagsalita ang mga in laws ko. Habang papalapit ang main event ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Jake never left my side. He knows how uncomfortable I am. Alam niya na kaunting kembot na lang ay mawawalan na ako ng ulirat. Daig ko pa ang nag graded recitation sa kaba. "Who will have thought that our son, who never imagine settling down will find his perfect woman, his soon to be wife and another half. I am proud to introduce to you, the lover's of the century, Jake and Aroz." Nang sabihin iyon ni Mama Lou ay inalalayan na akong tumayo ni Jake at saka na kami nagsalita. I compost myself and talk as smooth as we can sail. "This will be the first time that I will face such a big and fancy crowd. Jake knows my fear. Alam niya 'yung takot ko, kaya katabi ko siya ngayon dahil siya ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ko. I am so lucky to be his wife. Hindi dahil sa mayaman, gwapo, sweet na tao ni Jake. Because deep in my heart that he will be a good wife, and a father in the future. I love you, Jake. I am so excited to be your Mrs. Montana." At kung tatanungin niyo ako kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko, wala kayong mapapala sa akin. Parang napakanatural na mag-I love you ako sa kanya. Para bang walang halong deception. Walang halong pagpapanggap. Napapaisip tuloya ko kung crush ko lang ba siya, o minahal ko talaga si Jake noon? Pero isa lang ang sagot. Wala dapat mabuong feelings and isang Aroz para kay Jake. Kung hindi ay talo na ako sa sugal na pinasukan ko. Iniwan sandali ako ni Jake. Nagbanyo lang siya. Balak na rin naman niya akong ihatid pauwi. Naiinip na talaga ako, at isa pa ay inaantok na rin. Bigla naman may lumapit sa akin na isang babae. Naka kulay itim itong dress. Masungit ang maganda na mukha niya... Halata pa lang sa mga tingin niya ay ayaw na niya sa akin. Anong kasalanan ko sa babaeng ito? "So? Ikaw pala ang pakakasalan ni Jake? How come that his standars can be this low? Look how cheap his soon to be wife. Baka naman, nagayuma mo siya, or pikot lang ang lahat," sabi niya sa akin na puno ng insulto. It is so happen na malayo kami sa ibang mga tao. At hindi ko rin kailangan si Rudy Baldwin para malaman na isa siya sa mga naging ex ni Jake. 'Yung lalaki na iyon, papatol na lang sa babae, 'yung maluwag pa turnilyo ng utak. Hindi ko na siya papatulan sana, kaso binuhusan niya ako ng wine sa damit. "Now? You can't ignore me," mayabang na wika niya. "So? Kung ako nga ang pakakasalan ng isang Jake Montana, e ano naman sa iyo? Inggit ka? Insecure? Kasi kahit anong ganda at sexy mayroon ka, pinagsawaan ka lang ng magiging asawa ko! Hoy babae, kung inggit, PIKIT!" Matapang na bwelta ko sa kanya. Bwisit siya. Bigla naman lumapit sa amin si Jake. Alam ko na nakita niya na basa na ang damit ko at hawak naman ng babaeng burikat na ito 'yung wine glass. "What have you done to my fiance! Erika!" galit na wika ni Jake. "Bagay lang sa kanya iyan! Inagaw ka niya sa akin! Ang kapal ng mukha na lokohin mo ako? Ako dapat siya! Ako dapat ang pinapakasalan mo! She looks like a rag! Why? Bakit siya at hindi na lang ako?" Bigla naman akong sumabat sa drama ng impakta na ito. "Kasi wala akong retoke, girl. Baka makalas na plastik sa mukha mo," sabi ko sa kanya. "Shut up! Tandaan mo ito, hindi rin kayo magtatagal niyan! Iiwan ka rin ni Jake! Isinusumpa ko." Napairap naman ako. Gorl, alam ko, jusko, may kontrata pa nga. Gusto mo, pa photocopy ko pa? Epal nito. "Kapag ex, huwag na magsalita! Bakit ba invited mga kontrabida sa mga engagement party?" Pahiya naman umalis ang ate Erika niya. Ang galing magsalita, hindi naman marunong mag-trashtalk sa mukha. Seminar muna kita bago mo ako sugurin. "Ayos ka lang? Of course, stupid me, you are not okay." He remove his jacket at saka ito ibinagay sa akin. "Ihahatid na kita pauwi, bago ka magkasakit. Anyway, you look sexy fighting back to my ex." Maliit na bagay, Jake. Gusto mo makipagsabunutan pa ako sa tigre e. "Tara na, hindi naman bilog ang buwan pero lakas mong mambola." Tawa naman siya sa sinabi ko. Sabay na kami nagpaalam sa mga bisita. I need to go na kasi nilalamig na rin ako. Basa ang damit tapos aircon 'di ba? Huwag niyo sabihin nagiinarte lang ako. Matapos ng gabi na ito ay alam ko ng sealed na ang usapan namin ni Jake. I am finally marrying him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD