Episode 8

1762 Words
"AYAN! Alam mo ba Aroz? Matagal ko ng pangarap na makita kang hindi sabog," sabi ni Klint sa akin. Talagang nag-file pa siya ng leave para suportahan ako. "Salamat ha? Kung hindi mo lang hawak iyang gunting, baka sinaksak ko na sa leeg mo," sarkastiko na sabi ko sa kanya. "Harsh, alam mo 'te gurl, bawasan mo kakapanood ng horror. Nakakamalas sa love life iyan!" Inirapan ko naman siya. Lakas magpapaniwala sa pamahiin, akala ko ba kapag doctor at walang mga scientific basis, hindi sila naniniwala sa ganoon? Pero let us go back muna kung bakit nandito ako sa mansion nitong si bakla, alas nuebe pa lang naman ng umaga, may ilang oras pa bago ko ma-meet ang mga soon to be in laws ko. Maliban sa kaba, na may halong konsensya, hindi ko rin alam kung bakit nae-excite din ako. Kasi sa mga naging ex ko, never nila akong pinakilala sa pamilya nila. Alam kasi nilang hindi ako pangmatagalan na iki-keep nila. Sa tulong ngayon ng mahiwagang kamay ni Klint, mukha na akong babae ngayon! Actually, palaayos naman ako dati. Ang kaso lang ay dahil sa insidente na iyon, na sanhi ng isang car accident, hindi ko na sinubukan na mag-ayos. Natatakot na ako. Pero iba ngayon. Ayaw ko namang magmukhang basahan sa harap ng pamilya ng isang Jake Montana. Kaya naman total make over ang ganap ko sa kamay ng fairy god mother packer ko. Walang iba kung hindi si Klint. "Ayan! Sulit ang tatlong oras na pagod ko sa iyo! Grabe! Na-miss ko 'yung ganyan na kagandang Aroz! Ewan ko lang kung hindi maglaway lahat ng lalaki sa iyo!" Bwisit na bakla ito, masyadong exaggerated. Pero nang nakita ko ang sarili ko salamin ay alam ko na ang daming nagbago sa akin. Wavy na buhok, maayos at light make-up na mukha, magandang damit, mukha na nga akong tao. Hindi na ako tatawagin na taong 'di nagsusuklay ni Jake. Bigla namang may kumatok sa kwarto ni Klint. It is no other than Jake. At grabe, I know na kahit magsuot lang siya ng dahon, gwapo na siya, what more ngayong nakasuot siya ng semi-formal na damit. Ibang level na ito, Aroz! I dated lots of guys before, pero 'yung ka-level siguro ni Jake? Wala pa. Nakatingin naman siya sa akin na animo'y nakatulala. Ayaw niyo kasing maniwala sa akin e, ilang ligo lang maganda na ako! "You look way-way better," he said breathlessly. Baka Aroz iyan? "Tara na nga," sabi ko na successful na hindi nautal. "Umalis na tayo at baka ma-late tayo sa usapan." "Ingat baks! 'Yung mga baked goods mo! Huwag mo kakalimutan." "Thank you bakla!" Bago kami tuluyan na lumabas ay kinuha ko muna ang napakaraming box ng cupcake, cake at iba pang pastry. Since may pagawaan din ng wine ang pinsan ko sa probinsya, nagpadala rin ako rito para may pangregalo ako kay Mr. Montana, papa ni Jake. Nag-practice pa kami ng ilang linya habang nasa biyahe. Pinagpapawisan pa nga ako ng malamig. Baka mahalata kami, baka mabuko, baka mapasama pa lalo. Pero nagtitiwala ako kay Jake at sa acting skills ko! I know na kaya namin ito. Isinubo na namin ang mainit na kanin, wala ng atrasan pa. "Stop worrying, okay? My parents will surely going to love you." Sanaol mahal. Nasa malaking mansion na kami. Nakakamangha nga sa yaman ang pamilya ng lalaki na ito. Para akong haharap sa presidente ng Pilipinas sa sobrang kaba. Hinawakan niya na ako sa isang kamay at saka niya pinadala sa isang guard ang bitbit naming mga box ng regalo. Sabay na kaming pumasok sa loob. Nasa sala na at naghihintay ang mag-asawa. Makikita si Mrs. Montana na bakas ang tanda sa mukha, but nandoon pa rin ang timeless na ganda. Habang makikita na sa papa ni Jake siya nagmana. Pareho akong sinalubong ng mainit na yakap ng mag-asawa. "My son isn't slightest lying when he said that he will show us his beautiful fiance. Talaga ba? Pakakasalan mo itong pulpol na anak namin?" tanong sa akin ni Mrs. Montana na tila ba mangha na mangha. Ngayon pa lang ay alam ko ng nakuha ko na ang puso nila. "Opo, Ma'am." Naka-white dress ako ngayon. Alam niyo naman ang kahalagahan ng first impression hindi ba? Kapag naka-white ka, mukha kang pure, innocent and genuine. Ganon! "Hush, stop calling me Ma'am and start calling me Mama. Okay? Grabe! Akala ko ay habang buhay na lang na maglalaro ng babae itong anak namin! We are so glad that he found such a decent lady." Nakaka-flatter naman, grabe! Bigla naman akong kinausap ni Mr. Montana. "Welcome to the family ija.'' Malayo sa mala-Meteor Garden na eksenang iniisip ko. Napakabait ng mga magulang ni Jake. Sabagay, pilyo at may kaunting depekto lang naman si Jake, pero makikita naman na napakabait din nito. Ngayon ay nasa mesa na kami. Agad na ipinatikim sa akin ni Mama Lou ang masarap nitong rekado. Ang daming pagkain! At lahat ay mukhang high-class. "So ija, ano ang ginagawa mo sa buhay? What is your profession? Are you a Doctor, lawyer, engineer?" tanong sa akin ni Mr. Montana. Hinawakan naman ako sa kamay ni Jake. Alam kasi ng lalaki na ito na medyo pressured ako. "Actually po, I am a businesswoman. I own an Indi publishing house, cafe and bakery all over the Philippines." Mukha naman silang namangha sa narinig nila. Gosh! Kahit ako ay sumaya rin. Iba kasi 'yung flattering kapag nakakarinig ng papuri at paghanga sa mas successful na mga tao. Nagsalita naman si Mama Lou. "Jake! Huwag mo ng pakakawalan ang babae na ito. Bagay kayo, pareho kayong successful, and both of you will give us beautiful and handsome grandchild." The virgin of me is naubo na lang sa gulat. Alam ko naman at the same time looking forward din ako. Pero ang aga naman ng usapang apo! "Paano naman kayo nagkakilala ng anak ko, ija?" Napangiti naman ako. Kahit na akala ni Jake ay kunwari lang akong kinikilig, kinikilig naman takaga ako sa naisip kong kwento. "Ang totoo po niyan ay batch mates po kami nang college. Sikat na sikat po si Jake, at noong panahon po na iyon ay anino lamang po ako ng liwanag niya." Tiningnan ko si Jake. "Sabi ko sa sarili ko, magiging akin din siya. Hindi man ngayon, pero sa susunod na panahon. At siya nga po ang ginawa kong inspirasyon. Kaya po successful na ako. Nagkita rin po kami sa isang reunion. Alam niyo po na parang may sparks? Ganoon po 'yung nangyari." Hindi ko alam kung may talent ba ako sa pagiging storytelling o panggagatso, pero napakanatural ng pagkakakwento ko. Halatang paniwala na paniwala ang mag-asawa. Nagsalita naman si Mama Lou. "Jake, I am telling you, huwag mo ng pakakawalan ang babae na ito! Siya na ang swerte mo. You cannot easily meet such a lovely and passionate woman like her." Pinigilan ko namang huwag makaramdam ng kahit anong intimacy nang hawakan ni Jake ang kamay ko. "Don't worry, Ma, Pa. Wala na po akong balak na pakawalan siya." Talaga Jake? Utot mo, blue. Matapos ng masarap na tanghalian ay oras na para magpasikat ang inyong one and only Aroz. Ilabas ang minatamis na cake! Alangan naman maalat 'di ba? Tip number one, hindi cake ang cake kapag hindi nilanggam. Kita ko naman kung paano enjoy-in ni mother in law ang masarap na butterscotch cake, habang wine naman kay father in law. "This cake is delightful! I am begging you, Aroz! Turuan mo ako ng recipe mo! Mukhang magkaka-diabetes ata ako sa dami ng mga pastry mo. They are also good!" "Huwag po kayong mag-alala, sugar free po lahat ng iyan, and own recipe ko po. Baka po mapadalas ang pagdalaw ko rito Mama, para naman maipasa ko itong secret recipe ko po sa inyo." Mukhang natuwa naman ang soon to be biyenan ko. "This wine is divine also! Hindi ko pa natikman ang wine na ito sa mercado ija." Sinagot ko naman ang tanong ni father in law. "Gawa po iyan ng pinsan ko po, they own wine factory and the best cellar for wine in the Philippines. Sa Japan lang po nabibili iyan kasi may direct po silang sinusuplayan. Pero kung gusto niyo po, I can ask my cousin to contact you po." "You are straight from heaven!" "Aroz, babe?" tinawag naman ako ni Jake. Nang tawagin niya akong babe, parang nag-twerk lahat ng organs ko sa kilig. Hindi na maganda ito. Get on your grip, Aroz! Tandaan mo. Isang malaking palabas lamang ito... "Yes, b-babe." Shet, kailangan mautal, Aroz? "Gusto sana kitang dalhin sa kwarto ko. Ipapasyal lang kita." Why naman ganoon, Jake? Masyadong advance! Mukha namang narinig iyon ng mga in laws ko sa future. "Go up, gawa na kayo ng apo namin. Walang aakyat sa second floor. You are free to experiment." Parang gusto kong mabaliw sa chika ni Mama Lou! Hinila naman ako ni Jake paakyat. Hindi ko alam kung bakit iba ang kabog ng dibdib ko sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko. Alam ko na ex ko na siya, ex-crush kumbaga. Huwag na kayong kumontra diyan. Dinala niya kang ako sa veranda ng kwarto niya. Nakita ko na mahilig siya sa Ironman. Ang dami niya kasing display na Ironman collection. "Hindi ako nagkamali nang maramdaman ko na ikaw ang pinaka-perfect na babae para rito. You gain my parent's heart, you are a natural, we are both desperate and running out of time. I am so glad that we are both on our rhythm. Sana ay ipagpatuloy pa natin ito." May iniabot siya na envelop sa akin. "This will be the draft of our contract. Once you read it, and you a gree with it, we will sign it in the presence of a lawyer. Kung may gusto kang alisin o idagdag sa kontrata, feel free to tell me." Napangiti naman ako. "Sige, babasahin ko mamaya." Pinapanuod namin pareho na lumubog ang araw. Ang ganda lang kasi, basta, ang ganda na makita ang araw na umaalis na. Sana lahat ng paglisan ganito kaganda kaso may mga ending na ang hirap tingnan, balikan at bitiwan. Minsan kapag nadadala ako sa mga acting namin ni Jake. Nakakalimutan ko na isang malaking palabas lang ang lahat. Ngayon pa lang ay natatakot na ako. Pero napapalunok na lang ako kasi pareho na kaming nadala ng magpadesperado naming dalawa. "Jake, handa ka na ba? Malaking pagbabago ito." Nginitian naman niya ako, habang naiilawan siya ng kulay kahel na sikat ng araw. "Ikaw ang may pinakamalaking sakripisyo rito, Aroz. I will be forever indebted to you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD