BASTA ba ay nagpahila na lang ako sa kanya. Medyo natulala ako sa ginawa niya. Pero natauhan din naman ako nang huminto na kami at nakalayo.
I realized na ito ang unang hakbang namin sa planong oplan pekeng kasalan. Kung hindi ko lang alam ang takbo nitong eksena na ito, na daig pa ang action plan, maniniwala na sana ako na ako ang bida sa K-Drama na ito.
Kaso alam ko e. Knows na knows ko na hindi gagawin ng isang Jake Montana ang iligtas ako sa hayop na Robert Manggagamit na iyon, ng wala namang merit.
"At last, we are safe here. That is quite a scene," he commended.
Natahimik naman ako at saka na nagsalita pagkatapos mag-isip. "Salamat sa pagligtas mo sa akin, pero shutang ina! Baka naman kuyugin ako ng mga fans mo niyan? Like seriously?"
He cackled. Pansin ko lang na medyo malaki rin ang pasensya ng lalaki na ito ano? Hindi siya ganoon kadaling pikunin.
"You are welcome, it is just a coincidence na nandoon ako, at nakita kita na nasa ganoong sitwasyon. I think that I should save you, and that is also an opportunity to start the plan," nakangiting sabi niya. Gwapo mo talaga, Jake. Wrong timing naman ang paghanga ko sa iyo, shet.
"Yeah, I got your point. Killing two birds with one stone strategy. Pero hindi ba at masyado namang maaga? Kapag nahalata tayo, naku, lagot ka!" banta ko sa kanya.
"Hindi iyan, just trust me, this is according to our plan. Pero matanong ko lang, bakit ka nasa store na iyon? That is a shop for men's perfume, are you seeing other man right now?" Makikita ang mapaglarong tingin niya sa mata.
"Hoy! Stick to one ako ano! Huwag basura ang isip. Nandoon ako kasi bibilhan kita ng pabango."
Nagulat naman ata siya sa sinabi ko. Naisip ko na parang ang pangit nga naman ng sinabi kong iyon. Baka iba ang maging interpretation niya kung nagkataon talaga.
"Pabango?" Bigla niyang inamoy ang sarili niya. Sabi ko na nga ba e.
"Mabaho ba ako? Wala naman akong amoy a?" depensa naman niya sa akin. Jake, kung pwede ko lang sabihin na kaya kitang singhutin forever, kaso baka umayaw ka na sa usapan natin. Sayang din, sabi nga ni Klint.
Panglaman ka rin ng tiyan. Sana hole.
"Hindi! Hindi iyon sa ganoon. May paborito kasi akong amoy, kaya nireregaluhan ko ng pabango 'yung mga naging boyfriend ko, not necessarily na kailangan mong gamitin."
Mukhang nakuha naman niya 'yung gusto kong sabihin, I hope he buys it.
"Let's go somewhere we can talk better. May alam ka bang maayos na cafe rito?" he asked me.
Tumango naman ako. Dadalhin ko na lang siya sa cafe na pagmamay-ari ko.
"Sundan mo na lang ako," sabi ko naman sa kanya.
Nabigla naman ako nang hawakan niya ang kamay ko. Gusto ko pa sanang bawiin dahil halos atakihin ako sa puso sa bigla. Wala namang ganyanan, Jake. Marupok pa ako sa plato ng mama ko.
"Bakit may pa-holding hands?" Mahina na tanong ko sa kanya.
"Isn't weird that I am letting my girlfriend walk in front of me? Isn't better if we holding hands while walking? This is more showy, the better it shows, the better the results." Jake, iba talaga utak mo.
Kahit na medyo nahihiya ako, kasi may hiya pa naman talaga ako. At inayos ko na lang. Um-oo na lang ako dahil wala naman akong choice. Ginusto mo iyan, Aroz, panindigan mo.
Pinagtitinginan pa nga kami ng ibang mga tao. Akala siguro nila ay natagpuan na ni Prince Charming ang nawawala niyang katulong. Mga judgemental!
Nang makarating na kami sa cafe na pagmamay-ari ko, ang ADB Cafe, pumasok na kami.
Nilapitan naman ako ni Shane, ang branch Manager ko rito.
"Ma'am! Nandito po pala kayo, at may kasama po kayong gwapo," kinikilig na sabi nito.
"Malayo pa ang Pasko, huwag mo muna akong bolahin, wala pang Christmas bonus. Bigyan mo ako ng as usual."
"Killjoy naman, Madam! Osige, dadalhin na namin dito! Good luck! Naka-jackpot ka madam! Dama ko malaki iyang nasa kasama mo."
"Shane? Gusto mo pa bang sumahod?"
"Sabi ko nga, madam, exit na ako."
Mukhang nagtataka naman si Jake sa convo namin ng empleyado ko.
"Its seems like she knows you?" tanong niya.
"Siyempre, ako boss niya e." Mukhang nagulat naman siya.
"You mean, you own this place? This cafe perhaps?" Mukhang nagulat siya, pero hindi naman 'yung over acting na gulat.
"I know, mukha lang akong hinampas sa lupa, pero sabi ko naman sa iyo, I am self sustaining woman." Proud ako diyan. Dahil tayong mga babae ay hindi babae lang!
"I see, pero hindi ka naman mukhang hinampas sa lupa. You know, you are not half-bad," wika niya pa. Kailangan ko bang matuwa sa sinabi niya? Mind my sarcasm?
"Thank you," sarkastiko na wika ko. "Siya na ring nandito na tayo ay may kailangan tayong gawin."
Tumango siya sa akin. "All ears."
"Since this is a quite difficult situation, hindi ako sanay manlamang ng kapwa, and I bet na hindi rin naman madali sa iyo ito. You are just out of creative idea, kaya naman naisip mo 'tong peke na kasalan. May kailangan tayong gawin."
Tumango ulit siya, kaunti na lang kamukha na niya 'yung mga aso na display sa kotse.
"Anong gagawin?"
Nagkibit balikat naman ako. "Simple, getting to know each other. Hindi mo ako pwedeng ipakilala sa pamilya mo na wala akong alam sa iyo at wala kang alam sa akin. Kailangan natin bumuo ng background story. Alangan naman na sabihin natin na sa bar tayo nagkakilala. Kailangan mo akong i-build up sa parents mo."
Mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko. Jake, nasa tamang tao ka. Tama na ako ang pinili mo.
"I think this is getting better. Hindi ko akalain na hanggang diyan na ang naisip mo."
Dumating na ang mga order namin. Mukhang nagustuhan naman ni Jake ang paborito at orginal recipe ko ng butterscotch cake.
"This is good, my mom loves pastry and cake. She will love to taste this."
"Own recipe ko iyan. Sigurado na pasado na ako sa mother in law ko niyan, hindi ba?"
He smiled awkwardly. "Yup, but at least you need a little make over."
"Napakapaladesisyon mo naman! Sige! Aayusin natin iyan, pero sa tuwing meet and greet lang natin ng parents mo. This is my most comfortable physique."
"No problem with me. Let us start this getting to know each other shall we?"
Tumango naman ako. "Sige, ako na ang start. Birthday?"
"December 25." Nanlaki naman ang mata ko.
"Hindi bagay sa iyo," natatawang wika ko. Natawa rin siya.
"Why?"
"Basta! Ako naman ay March 16," sabi ko naman. Siya naman ngayon ang natawa.
"Happy? Anong nakakatawa?" banat ko sa kanya.
"Well, your birthday is 16, pero hindi ka naman sweet."
"Eh 'di wow. Next, favorite color?" turn ko ng pagtatanong.
Sumagot naman siya ng. "Black, blue and red."
"Green and yellow naman ako."
Nagpalitan lang kami ng mga question and answers. Marami akong nalaman sa kanya. Necessarily na information para sa gagawin naming pagpapanggap.
To be honest, nabibilisan ako sa mga pangyayari. Para bang daloy ng tubig na hindi namin mapigilan. As if this is the only path taht we can walk through.
Magsisinungaling ako kung sasabihin ko rin na hindi ako kinakabahan at nakokonsensya. Ang dami naming lolokohin, ang laking pagpapanggap nitong gagawin namin.
Alam namin pareho na mali, pero ito 'yung gusto namin e. Pero sana hindi kami masunog ng sariling apoy. Lalo na ako.
Alam ko na ako ang pinakalugi sa sitwasyon namin. Pero kontrata at usapan naman namin ang panghahawakan ko.
Alam ko na puso ko ang nakataya rito. Pero nagsawa at napagod na rin ang puso ko. Siguro naman ay sa proseso na gagawin namin ay hindi na ako mahuhulog kay Jake.
He needs me, I need him. Pareho lang namin kailangan ang isa't-isa. Sana naman ay...
"Aroz? Okay ka lang ba? Do you want to go somewhere?" aya naman niya sa akin. Kapwa na rin kami nabusog sa treat ko.
"Pwede mo ba akong hatid kay Klint?" tanong ko naman sa kanya.
"Isn't he on his work?"
"Wala siyang work ngayon. Mas kabisado ko ang schedule ng baklang iyon kaysa schedule ko."
Natatawa siyang napapailing. Kapwa kami naglalakad sa parking lot ng mall. Malapit na kami sa isang mamahaling kotse.
"Right, he is really your best friend huh?"
"Siyempre naman. Kung wala iyon, siguro ay baliw na ako ngayon. Sa daming beses na ba naman akong niloko, umiyak, nauto, natanga, napunta sa wala 'yung love na inialay ko sa mga lalaking tulad ni Robert at Jason! Si Klint ang naging labasan ko ng sama ng loob. Kung wala siya, siguro baliw na ako ngayon, naglalakad sa daan na parang ewan."
"Then bakit kailangan mong pumunta kina Klint. Broken hearted ka ba?" tanong ulit ni Jake.
"Sana huwag mong gawing hobby ang pagtatanong kung broken hearted ba ako. Nakakainsulto e."
Malakas lang siyang tumawa. At least masaya siya sa piling ko.
"Sorry naman," natatawa pa ring sabi niya.
Akala ko naman ay sasakay kami sa mamahaling sasakyan na dala niya. Little did I know, ang dala pala niyang sasakyan ay ang mamahaling malaking motor bike na nasa gilid.
"Diyan? Diyan tayo sasakay?" tanong ko sa kanya. Nakakawindang! Hindi naman ako sanay sumakay sa single. Single na nga ako sasakay pa ako sa single.
"Unless you want to ride me," pabiro na wika niya. Nanghahamon ba 'to?
"Sira ulo! Hindi, hindi kasi ako sanay na sumakay sa mga single."
"Dahil single ka lagi?"
"Alam mo, Jake, nakaka-bad trip ka na!" bugnot na sabi ko.
He cackled. "Kidding aside. When we started this fake dating, you already trusted me. Now trust me more that I will never put you in any harm. I need you, so I will make you safe."
Dalawang emosyon ang naramdaman ko sa sinabi niya. Una ay masaya. He wants to make me feel safe, make me safe.
But at the end of the day, kailangan niya lang ako, at iyon ang bottom line.
"Let's go?" aya niya na tinanguan ko na lang.
"Kumapit ka ng maigi," paalala niya sa akin. Kumapit naman ako sa balikat niya. But he remove it and out my hand on his abdominal part. I can feel his rock hard abs.
"Kapit ka lang at biyaheng langit tayo."
Napalunok na lang ako sa kaba. Jusko, kahit na naloloka ako sa buhay pag-ibig ko, masarap pa rin po na mabuhay.