Episode 6

1766 Words
AKALA ko isang alamat lang 'yung napapahinto ang mundo mo kapag may narinig kang nakakabigla. Pero literal talaga na nag-slow motion lahat ng nasa paligid ko. "Ako ba ay nakalimutan ko lang maglinis ng tenga, o tama lang 'yung narinig ko?" Hindi pa rin na naniniwalang tanong ko sa kanya. "You heard it right. I want to propose a fake wedding marriage. Please, I need someone like you to do this." Makikita talaga na gustong-gusto niyang makalamang sa mga parents niya. "Alangan, hindi mo naman kayang pakasalan ang sarili mo. Pero teka nga, bakit mo naman naisip na solusyon ang pekeng kasalan? Hello! Hindi man ako Santa, pero hindi rin naman ako nanloloko ng kapwa!" Totoo iyon! Hindi ko pinangarap magpanggap para makapangloko ng kapwa. "Look, I know that this sounds foolish and evil, pero iba 'yung plano ko e. After ng kasal ay magdi-divorce din tayo matapos natin na magkaanak at makuha ko ang mana ko sa company." Para naman akong nabarahan ng mani sa lalamunan kaya napaubo na lang ako. Anak? As in gusto niyang magtortahan kami ng talong? Gusto niyang bumuo kami ng anak? Mukhang mental na talaga ata ang kailangan ng lalaki na ito. "Sana ayos ka lang talaga. Papatulan mo talaga ako? Aren't you taking advantage of me? Lalo na at alam mong broken hearted ako at vulnerable?" Kasi ang f@ck up niya kung balak niya lang akong gawing tools sa selfish plan niya. He sighed. "Earlier, pumunta ako kina Rigo at Klint. I asked them about you, and they have mention that you lost your faith in love. Hindi ba at gusto mo na lang magkaanak? I can give it to you, we will just create a contract with right conditions." Medyo natahimik ako roon. It sounds tempting. Pero shutang ina talagang Klint! Binugaw na pala ako ng walanghiya na kaibigan ko. Ang kapal pa ng mukha. Nag-inarte pa na walang alam. Humanda talaga sa akin 'yung bayola na iyon! "Hindi ka ba nabibilisan? Bakit ang laki naman ata ng tiwala mo sa akin? Bakit ako pa? E ang dami na ngang nagkakandarapa sa iyo e," sabi ko sa kanya. He sighed. "That is the point! Nagkakandarapa sila sa akin, and I do not like those girls taking advantage with the fake marriage para mapikot ako. Aroz, you are the perfect woman for my plan. I need an equally crazy lady like you for this to be successful." Gago, tinawag pa akong baliw. Pero madami rin namang advatange kung sakali na PUMAYAG nga ako sa kabaliwan na ito. Una ay maganda ang lahi ng anak ko. Isa pa ay hindi rin mahirap ang hiwalayan since hindi ganoon kalalim 'yung pagkakakilala namin sa isa't-isa. Win-win situation nga naman ang lahat. Nakakapagod na nga naman na magmahal at masaktan. Parang cycle... Hindi naman need na mag-asawa, kung sa huli ay hindi ko rin makuha 'yung katulad ng love life ng parents ko. Maybe, I should give up with that kind of thought. "Honestly, kino-consider ko ang offer mo. Basta maganda ang nakalagay sa kontrata, walang lugi, wala ring lamangan." Kita ko ang pagkinang ng mata niya sa sinabi ko. ''Pero hindi pa ako umu-oo. May mga conditions ako. Kailangan siyempre hindi lang sa side mo malaman. Pati sa side ko. Umaasa rin na makita ng mga magulang ko na ikasal ako. Second ay dapat na i-date mo ako ng isang buwan. Alangan naman na maging on the spot na lang lahat. Masyadong suspicious din. Lastly, dapat ay maging faithful tayo habang nasa kontrata," sabi ko sa kanya. Iyon lang naman ang conditions ko. "Faithful? Bakit naman ganoon?" tanong niya na parang bagsak ang mundo. "Ha? Baka magkasakit ka mahawa mo pa ako. At saka kapag naman nakadalawa na tayo, free mo ng ipawalang bisa ang kasal. Sa Amerika tayo magpakasal para may divorce o annulment. Ganoon lang naman kasimple. Sacrifice lang naman. Kaysa sa matali ka ng panghabang buhay sa taong hindi mo naman gustong makasama. Or worst, mawalan ka nga ng mana." Mukha naman siyang napaisip. He looks trouble, but that is the best idea that we can come up. "Okay." "Okay." Ayos din naman pala siyang kausap. Tumambay lang naman kami ng ilang sandali. After noon ay hinatid niya pa nga ako pauwi. Ang sabi niya ay may mga business affairs siya na gagawin kaya naman through chat and calls muna raw kami mag-date. Um-oo naman ako sa kanya. Ano ako? Clingy? Do whatever he wants, hindi pa naman effecive 'yung usapan namin! Binata pa siya kaya ayusin na niya. Iisa lang naman ang goal naming dalawa e. Ang magkaroon ng buhay na gusto namin. Iba nga lang 'yung outcome. Gusto niya ng pekeng kasal dahil gusto niyang magbuhay binata habangbuhay matapos ng magiging divorce namin. Ako naman ay gusto ng maging single habang naka-settle down. Alam ko naman na pwede na lang akong kumuha ng isang malusog na lalaking kukuhanan ko ng semilya. Parang surrogacy ba. Pero naisip ko na chance ko rin na makasal. Chance ko rin na maging babae, ganap na isa, na maranasan man kang magkaasawa kahit sa papel man lang. Basta ingatan ko na lang ang puso ko na huwag maligaw, o hindi na ako makakaahon pang muli. ISANG linggo na chat and call nga kami ni Jake. Hindi pa nga madalas dahil busy rin kami pareho. Busy siya sa kung aning ganap sa buhay niya, busy-busy-han naman ako para makalimot. Hindi naman por que sanay akong iniiwan ay madali at sisiw at mani na sa akin ang pagmo-move on. Hirap pa rin akong bumangon. Pero kailangan, kasi tuloy pa rin ang buhay. Kaya naman wake up in the morning na ako. Usual morning routine, at saka na ako pumunta sa opisina ko. Gumawa ng paper works habang tinatalakan ako ni El. Nakwento ko na kasi sa kanya 'yung ganap ko kay Jake. "Madam naman! Alam mo ng marupok ka, tapos papasok ka sa ganyan. E paano kapag minahal mo siya habang asawa mo pa siya? Paano kapag one sided love na naman ito?" rant niya na mukhang mas stress pa nga siya sa akin. "Kalmahan mo nga lang iyan! Ako na ang bahala diyan. Huwag mo ng isipin pa. Kaya ko ito, sabi ko nga sa iyo. Anak na lang kailangan ko." "Ikaw bahala tapos ikaw rin kawawa! Naku Madam! Quit joking ha! Gusto mo na lang pala ng anak, e 'di naghanap na lang tayo ng sperm bank or sperm donor! Doon ka sa iwas threat! Aminin mo, may hidden agenda pa iyan ano? Balak mo bang pikutin 'yung tao? Mayaman iyon, baka ipadampot ka saka itapon sa kangkungan." "Alam mo, ikaw, napaka-wild ng imaginations mo! Walang ganoon! At saka masama ba na mangarap makasal, at maranasan man lang na maging Mrs, and not just any Mrs, isang Mrs. Montana lang naman!" buong pagmamalaki ko. "Buti pinatulan ka noon?" sabi pa niya. "E kung alisan kaya kita ng trabaho?" sarkastiko na sabi ko. "It's a prank! Ganda mo Ma'am! Maglalaway sa iyo lahat!" "Tsee!" Hindi ko alam kung inspired na ba ako o expired. Basta maaga kong natapos lahat ng business affairs ko. Naisipan ko na pumunta sa mall at maghanap na ng matinong damit, at baka kailangan ko na ng maayos na gupit ng buhok. Speaking of, si Jake pala, sinabi niya sa akin na naka-uwi na siya galing Taipei. No idea din ako kung balak niya ba akong gawing bride o nanay. Lakas mag-update e... Nag-taxi na lang ako patungo sa nasabing lugar, mall pala, napakamalilimutin ko na. Nang makarating ako roon ay naisipan kong dumaan sa isang men shop. Bibili ako ng pabango. Mahilig kasi akong magregalo ng pabango sa mga naging boyfriend ko. May gusto kasi akong amoy sa isang lalaki na super turn on sa akin. Kaso hindi ko naman alam na may matitisuran pa la akong alien. Nandito 'yung isang ex ko, si Robert. Ang kapal ng mukha nito! Pinagpalit ako sa matrona para lang matupad ang pangarap niyang maging modelo! "Ahh? Nandito ka pala? Hula ko ay may bago ka ng iskolar ano? Reregaluhan mo ng pabango?" nang-iinis na wika niya sa akin. Nabi-bwisit ako sa mukha niya! "Like it is your business," mataray na sabi ko naman sa kanya. "Napakatapang mo pa rin Aroz. Nagsasabi lang naman ako ng totoo a?" dagdag pa niya. Hindi ba talaga titigil ito? "Tumigil ka na, Robert. Huwag mo na akong kakausapin ulit!" gigil na wika ko. Mukhang nagalit na rin siya. "Sa palagay mo ba ay gusto kita? Nagustuhan lang kita noon kasi naglalakad kang wallet! Akala mo ba gusto ko na hinahalikan ka? Tangina, maganda pa bakla sa iyo e! Aroz! Kung wala kang pera, isa kang basura!" Parang lahat ng lait nag-sink in pa lang ngayon sa akin. Nanikip ang dibdib ko at humapdi ang mata. Hindi ako makapagsalita sa mga pangi-insulto na binitawan niya. Bakit ba lagi na lang ganito? Deserve ko ba na makatanggap ng ganitong kasasakit na mga salita? Sino ba siya sa inaakala niya? "Ang kapal ng mukha mo! Gold digger ka naman!" I know that I trigger him with my words. Akmang sasampalin niya sana ako, kahit nasa isang shop kami ng mall nang may pumigil sa kamay niya. "Try to harm her, at may kalalagyan ka," wika ng pamilyar na boses. Pag-angat ko ng tingin ay si Jake iyon. Lahat ng babae ay mahihinatay sa ganitong kagwapuhan! Nakita ko naman na parang binuhusan ng suka ang maputlang mukha ni Robert. Naalala ko pala na si Robert ang siyang bagong model sa isang product na pagmamay-ari ng company ni Jake. "B-Boss, mali po kayo ng pagkakaintindi! Stalker ko po iyang babae na iyan, tama! Hindi..." Matalim naman siyang tinitigan ni Jake. "Sinabi ko bang magpaliwanag ka? People like you should strip the preveilage of being a part of my company. I will pull off my contract with you. Aasahan ko rin na mawawalan ka ng pwesto sa industry na ginagalawan mo." Lumuhod naman si Robert. Alam niya na katapusan na niya. Ito na ba ang karma niya? "Please, boss, hindi na po kauulit! Nagsasabi po ako ng totoo! Baliw ang babae na iyan! Stalker ko siya!" "Enough!" Jake shouted that made Robrt more petrified. "Stop calling my soon to be wife your stalker. You stop calling my wife like that! Akin lang si Aroz, so stop labeling her like that. She is mine." Hinila na ako ni Jake paalis doon. Nakikita ko na lang ang mga cellphone na nakatutok sa amin. Alam ko na viral na kami sa susunod na mga oras o minuto. Anong... Anong kag@gahan na naman ito Aroz?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD