MATAPOS naming kumain sa mamahaling restaurant na iyon na pagmamay-ari ng isang Jake Montana. Bigla niya ako niyaya na tumambay sa isang abandonadong tulay.
Siyempre, hindi agad ako pumayag. Malay ko ba kung fetish niya ang mga katulad kong mukhang hindi raw nagsusuklay. Mayroon siya pagkamanyak, gusto niyang kalbuhin ang buhok ko, i-torture at saka itatapon sa ilog.
Pasensya na, medyo fan talaga ako ng mga thriller horror na movie at book. Masyadong wild ang imagination ko, weird ba?
Pero kalaunan ay napapayag niya rin ako. Medyo marupok ako sa part na nag-yes ako.
Naisip ko lang kasi na 8 pa lang naman ng gabi. Kapag umuwi na ako ay mararamdaman ko na naman si kalungkutan ano. Bigla na naman magpa-flashback ang masasayang mga alaala naming dalawa ni Jason.
So might as well na gora na lang ako kay Jake. Minsan lang sa isang bilog na buwan na may magyaya sa akin na lumabas, without me who initiates it, tapos choosy pa ako? Kahit na mukhang may rabies ang mga salita nitong si Montana, jusko, Jake pa rin iyan! Pang laman din ng tiyan.
Pero for safety purpose ay siyempre naman ti-next ko pa rin si Klint. Nasa kotse pa naman ako ni Jake kaya keri na i-message ko si bakla.
'Baks, papunta ako ngayon sa Kapayapaan Bridge, kasama ko ngayon si Jake, oo, bakla ka, si Jake Montana at niyaya niya ako! Hindi ito prank, at mas lalong hindi ito chain message. Message ko lang para kapag ginawan ako ng masama ng lalaki na ito, alam niyo na ang suspect.'
'May hangover ka pa 'te?' reply naman niya agad. Hindi ko talaga makuha ang bakla na ito sa isang masinsinan na usapan e.
'Bwisit ka! Gusto mo ebidensya?' tanong ko through message. Nakakagigil mag-type kapag ganitong tao ba naman kausap. Bigyan sana ako ng diyos ng lakas ng loob na kausapin ang bakla na ito na hindi ko siya isinusumpa.
'Why not, coconut. Para naman hindi ko isipin na nababaliw na ang kaibigan ko dahil sa multiple heartbreaking syndrome.'
'Kagagahan mo talaga, Klint. Nag-imbento ka na naman ng sakit. Dapat inaalisan ka na ng lisensya sa pagiging doctor e.'
'Huwag kang makialam diyan, burikat ka! Send mo na ebidensya, dali!' Nagmadali pa nga.
Nandito na nga kami sa sinasabi niyang tulay. Mukahang safe dahil madami rin namang mga street vendors at tumatambay na mga magbabarkada, mag-jowa. Mag-jowa? Pahabol ko kaya sa mga aso 'tong mga tao na ito?
"Nandito na tayo, let's go?" aya na agad sa akin ni Jake. Balak niya ata akong i-flex?
Akmang bababa na siya nang pigilan ko ito. Hindi naman siya excited ano?
"Wait, bago ka bumaba ay selca muna tayo!" sabi ko sa kanya.
Selca kapag marami, selfie kapag isa lang! Gets niyo na?
Bigla naman siyang humagikgik. Ang gwapo namang tumawa ng lalaki na ito. Ni hindi nalulukot ang mukha.
"I see, so may crush ka na sa akin.'' Hambog na naman.
Umismid naman ako sa kanya. "For your information, wala pa rin akong crush na nararamdaman sa iyo ano. Selca tayo para ma-send ko sa kaibigan ko. Kailangan ko ng back-up, safety purpose. Malay ko ba na gusto mo pala akong budolin o kaya saksakin na lang bigla. At least alam ba kung sino ang primary suspek."
Bigla naman siyang natawa. Nakaka-happy ba talaga mga sinasabi ko?
"Wala ka pa ngang tiwala sa akin."
"Masisisi mo ba ako? Sa dami ng beses na nagbigay ako ng tiwala, sa huli ay nasasaktan lang ako dahil sinisira lang nila ito. I have all the reason to doubt." Apaka drama naman, Aroz.
He nodded. Bigla na lang niyang hinablot ang cellphone ko at siya na ang kusang dumikit sa akin at saka na inihanda ang camera.
"Smile..." Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Opo, may dibdib ako. Kayo ba?
But on the serious note. Hindi ko maiwasan na medyo maging alanganin ano. Ang gwapo ng kasama ko tapos sobrang lapit namin sa loob ng kotse niya. Hindi rin nakakatulong na ang bango ng amoy niya. Shet, send help.
"Smile." He click the button at may instant first picture na kami.
Alam niyo iyon. Para akong nakakuha ng isang souvenir or merch sa isang artista. Cloud 9! Sino kayo ngayon? Isang Aroz na ang nagwagi ng tropeyo!
Kinuha ko na ang cellphone ko sa kanya at saka ko na ni-reply-an si bakla na tinambakan na ako ng flood message. Hindi uso talaga kay Klint 'yung salitang pasensya ano?
'Bakla ano na? Nasaan na ang ebidensya? Sabi ko naman sa iyo e! Bawasan mo na iyang kape mo, nyerbyos lang iyan.' Kakagigil ka talaga, Klint.
Si-nend ko na sa kanya 'yung ebidensya! Bwisit, ewan ko lang kung hindi siya maniwala.
'Photoshop ba ito?'
'Kinginamo! Umayos ka Klint!'
'Hala! Owemji! Totoo nga! How to be you po? Magpawarak ka na kaya? Aba at minsan lang na may magayuma ka na ganyan kagwapo! Go for premium na talong! Pafa Jake na iyan!'
'Ewan ko sa iyo, Klin! Mamaya na kita i-update!'
'Go, galingan mo ang performance para umulit!'
'Bwisit kang bakla ka!'
'Bwisit ka ring babae ka!'
Inalis ko na ang chat head namin at nilingon ko na si Jake na mukhang nagse-cellphone din.
"Okay na ba usapan ninyo ni Klint?" tanong niya sa akin.
"Kilala mo pala si Klint?" takang tanong ko. Medyo bobo nga ako sa part na ganyan ang mga tanungan ko.
"Yeah, common friend ko ang husband niya, si Rigo."
Tumango naman ako at saka na siya sinundan palabas ng sasakyan. Nakahanap namin kami ng sariling pwesto sa tulay na ito. So weird at talaga namang ginawa ng tambayan ang lugar na ito.
Since it is abandoned bridge, may mga bench na narito, mga kabataan na nakatambay, booths na nagtitinda ng mga pagkain.
Umupo naman ako sa isang bench, nasa ilalim pa kami ng isang lamp post.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko sa kanya. I hope I can't stop judging Jake, pero hindi siya 'yung tipo ng tao na magsasayang ng oras sa ganitong klase ng lugar.
"Madalas kasing tambayan ko na ito, at ng first girlfriend ko." Ha? Sa dami kasing napabalitaan ko na girlfriend ng lalaki na ito nang college, hindi ko na alam kung sino ang tinutukoy niyang first girlfriend.
"Nasaan na 'yung unang nobya mo?" medyo curious na tanong ko sa kanya.
"Matagal na siyang wala sa mundong ibabaw. Nagkaroon siya ng sakit, cancer, hindi na niya kinayang lumaban.
"Maybe, dahil na rin siguro roon ay hindi ko na kayang magseryoso pa sa isang relasyon. Mahal na mahal ko si Tasha, but at the end ay hindi niya na ako hinayaan na mahalin ko siya ng mas mahabang panahon. Since then, I never tried to be on a serious relationships."
Nauunawaan ko naman 'yung sinabi niya na iyon. Pero hindi pa rin maja-justify na hindi siya makaget-over sa past, kaya naman heto at hindi na niya mapigilan ang sarili na pagpasa-pasahan ang mga babae. Mali kasi iyon, Sir.
"I see, at ano namang ganap ko sa storytelling mo?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya magpapatumpik. Mukha ba akong mahilig sa charades?
"I have a problem, at alam ko na isang katulad mo lang ang makakatulong sa akin. You are one of those few. I am willing to do everything," he asked me.
"Wait, bago tayo pumunta sa main event, feeling ko mas magandang pag-usapan iyan kung may chinichibog tayo," sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang pitaka ko. My turn naman.
"Kakakain lang natin a?"
"Bawal na ba magutom ulit? Grabe siya!"
Ang ginawa ko ay pinaiwan ko na muna siya sa pwesto namin. Pumunta ako sa mga nagtitinda. Una siyempre sa mga nag-iihaw. Sabi ko ay dalhin na lang sa pwesto nakin pagkaluto.
Kumuha rin ako ng tusok-tusok, alan niyo iyon? 'Yung sa mga balls-balls. Fishball, eggball, squidball, veggieball. Basta! Nagutom kasi ako. Saka na rin bumili ng palamig na s**o at gulaman. Perfect!
Ngayon ay bitbit ko na ang lahat. Bumalik na ako sa pwesto namin. Hindi ko na pinansin 'yung nga grupo ng kabataan na babae at binabaeng nagbubulungan kanina.
Na kesyo hindi raw kami bagay ni Jake. Bakit daw may dalang katulong 'yung lalaki. Ang kakapal magsalita ng mga palamunin na mga 'to. Sarap manapak!
"Matagal na akong hindi nakakakain niyan." Bigla niya lang kinuha 'yung isang cup ng kikiam. Fine! Peyborit ko pa naman iyon.
Habang kumakain na kami ay pinatuloy ko na sa kanya ang aming umaatikabong chikahan.
"Tuloy mo na 'yung pabor na hinihingi mo." Kahit na medyo kabado ako in fact. Hindi siya magiging ganito ka-desperado kung simpleng hiling lang ang gagawin niya hindi ba?
"Ganito kasi iyan, it may sounds absurd and offensive for you, but please, hear my whole story.
"Pareho tayong paalis na sa kalendaryo ang edad, alam mo iyan. We are on our stage of life na nape-pressure na tayo maghanap ng asawa. My mom and dad was constant being worried about me not getting a heir for our company.
"Now to resolve their absurd thought, naisip nila akong pagbantaan. They blackmailed me that if I will not be married at specific time, hindi nila ibibigay sa akin ang mana ko. I cherish that company, I am part of it, ako ang isa sa mga dahilan kung bakit lumago ng ganoon ang negosyon namin, and I cannot accept that someone will stole my position just because I want to remain as a bachelor."
Hindi ko alam kung ano dapat ang reaction ko sa kwento niyang iyon. Hindi rin naman clear sa akin ang intentions niya. Bakit ako nandito at bakit nga ba niya ako kailangan?
Kung tutuosin ay kagabi lang daw kami nagkausap. Matagal ko na siyang kilala, pero ako? Hindi niya pa lubos na kilala.
"So ano ang plano mo niyan? Mahirap 'yung mga ganyang sitwasyon. Naiipit ka sa isang choice na hindi mo naman choice. Tama naman ang magulang mo, nag-aalala lang naman sila sa iyo. Mahirap naman kasing tumandang dalaga at binata. Mas mahirap na magkaanak ka na kapag oras mo na. Time is gold nga naman. Ang kaso lang, hindi rin naman tama na i-push ka ng parents mo sa isang desisyon na ayaw mo naman."
He nodded. "Kaya nga nandito ka e. Nandito ka para maging solution ko sa problema na ito."
Kunot naman ang noo ko na nagtanong. "Paanong ako naman ang solution sa problema mo? Close ba kami ng tatay at nanay mo?"
"Silly, of course you will not do that. I will offer you a much better proposal."
"Anong proposal naman?"
"A fake wedding proposal."