Episode 4

1757 Words
MATAPOS makababa sa taxi ay nagbayad ako siyempre, alangan naman na mag-one two three ako. Nakita ko naman ang isang sikat na mamahaling restaurant. Ang alam ko ay ang katabi nitong hotel ay pagmamay-ari rin ng may-ari ng restaurant na ito. Agad naman akong tumingin sa glass wall ng restaurant. Mukha akong tatambay lang sa Divisoria. Makikita agad na hindi ako belong sa mga ganitong fancy na restaurant. I mean, yes, kung tutuosin ay may kaya naman ako sa buhay, pero hindi ko hilig ang mga fancy na bagay. Like travel, collecting item like bag or shoes... Mga ganoon ba. Pero dahil nandito na rin naman ako ay papasok na ako. Sinabat pa ako ng guard, akala ata ay gagawa ako ng masama. "Ma'am, bawal pong mag-solicite sa loob," sabi sa akin ni manong! Aba, maggagabi na lang ay makakatikim pa ako ng insulto. "Excuse me, kuya ha? For your information, I have reservation in the name of Jake Montana!" inis na wika ko. Pinapa-highblood naman ako ni manong! Wala pa akong kain ha? Nanggigigil 'yung hymen ko. Tiningan naman niya 'yung logbook. Akala ata niya talaga ay isa akong taong gala. Maayos naman ang damit ko a? Bwisit na mga tao na 'to. "Miss. Aroz De Belen?" "The one and only, chupi!" Attitude ka, Aroz? Pumasok na ako sa loob at 'yung confidence ko kanina na nag-uumapaw dahil nga sa na-triger ako ni manong guard, biglang naglaho mare. Nakita ko sa loob na ang daming kumakain. Lahat mukhang mayaman at nakabihis ng sobrang fancy. Bigla akong inatake ng anxiety ko, hindi ako makagalaw, pakiramdam ko ay nablanko ako, pakiramdam ko ay nanigas ako sa aking kinatatayuan. "Here, I will guide you on our table," wika ng isang boses na nanggaling sa likod ko. It is no other than Jake. Mukhang nakita niya na dinaga ako kanina sa gitna ng restaurants na ito. He guided me up to the second floor. Hindi ko akalain na mayroon palang private room dito. And what shocks me ay hindi scam ang pagkikita na ito. Akala ko ay modus na 'yung tumawag sa akin. Kahit na sinabihan ako ng guard kanina ay malay ko bang true na legit palang Jake Montana ang makikipagkita sa akin. "I see, hindi ka pa rin marunong magsuklay," sabi niya sa akin agad! "Good evening also," sarkastiko na banat ko. Masarap ka naman Jake e, sarap mong bagangin. He cackled. "Broken hearted ka pa ba?" Napakunot naman ang noo ko. "Adik ka? Bakit iyan agad ang tanong mo sa akin?" singhal ko sa kanya. Hindi nakaka-fresh mga tanungan niya. Tumawa naman siya ulit. Hindi naman siya masyadong masaya ano po? Kasi tawa siya nangtawa e. Happy yarn? "Ikaw pa lang ang babae na nagagawa akong barahin. Hindi ka ba nagagwapuhan sa akin?'' I was taken a back on his question. Ngayon ay napansin ko na talo niya pa ang mga nakikita kong gwapong model sa mga carton ng brief na nakikita ko noon. Sa mga pinsan ko iyon ha! Defensive lang ako, I know! "Hindi, hindi ko kasi type ang mga gwapo." Legit naman sa part na sinabi ko iyon. Kapag gwapo kasi for me ha, for me! Masyadong nakaka-intimidate. Like kapag nagka-boyfriend ka ng gwapo, ang taas ng expectation sa girlfriend. Eh 'di mas lalo lang na-depress lola niyo. I am truly speaking with my own experience. Kaya ko ng labanan si Kendall Jenner at Vice Ganda sa paramihan ng ex, lagay na rin si Taylor Swift. "I see, then you are something. Bihira ang mga babae na hindi nagkakagusto sa akin, and that makes you standout the most," he said. Sa mga salita niya ay para kaming naglalaro ng charade. Hindi ko agad makuha ang punto niya, o kung ano man ang gusto niyang sabihin. To be honest, I can feel his tricky intentions. Matagal na ako sa business world, hindi na ako iba sa pagbasa ng mga galaw ng isang tao. "You know, you can tell me now your intentions, no need to hide it. Amoy na amoy ko na may gusto kang sabihin," wika ko sa kanya. "Tama nga ang nabalitaan ko, you are smart. Tanga ka lang daw sa pag-ibig." Aray naman! Saan niya nalaman iyang fake news na iyan? Para naman makatikim sa akin ng sapak sa mukha. "Hindi ka naman chismoso ano?" sarkastiko na wika ko again. Legit ba siya? "You know what, maybe we can try to order some food first before proceeding with what I want to propose." Kasal na ba iyan? Joke. Ganoon na nga ang ginawa niya. He ordered food for me, hindi niya man lang tiningnan ang laman ng menu. Siguro suki siya rito. Hindi rin malayo na rito niya dinadala ang mga babae niya. Naku! Galawan! Alam na alam ko na iyan, memorize ko na kung baga. He ordered some seafood para sa amin. Calamari in butter and garlic sauce, classic tempura, salmon soup, mayroon ding grilled fish at miso soup. Hindi naman uso sa akin ang diet since hindi ako tabain. Iyon na lang ata ang talent ko maliban sa pagiging madalas maloko, sad. "But memorize mo ang mga menu rito?'' tanong ko sa kanya out of curiosity na rin. Bakit ba? Meet and greet nga 'di ba? Mukha naman siyang nabigla sa tanong ko, e wala namang nakakabigla sa sinabi ko a? "Oh, hindi mo pala alam? I am the owner of this restaurant.'' Napanganga naman ako sa facts na iyon. E 'di ang yaman niya pala? Kilala ang restaurant na ito na may chain sa iba't-ibang panig ng mundo. May-ari ng mga hotels, real estate company, construction company. He is multi-dollar millionaire. I know that Jake Montana is successful, but never heard that he is THIS successful. "Mukhang gulat na gulat ka a?" tanong niya sa akin. He looks amused on my reaction. Mukha siguro akong tanga. "Sino ba ang hindi. I mean kilala kita, we are actually batch mates, maliban doon ay sikat ka rin, pero since hindi mo naman ako stalker, mabibigla talaga ako dahil hindi ko naman alam na ganito ka pala ka-successful." ''I will take that as a compliment," wika niya at saka ako sinalinan ng alak sa baso, wine lang naman, hindi naman siguro bubula ang bibig ko katulad kahapon. ''Pigilan mo akong uminom ng marami a? Sinasabi ko sa iyo, magsisisi ka." Akala ba niya ay nagbibiro ako. "I know, saksi ako kung paano mo gawin ang bagay na iyon." Napangiwi pa siya na parang nandidiri. Gagi na ito, siya nga iba-ibang kweba ang nginangasab. Who's disgusting here?! "Grabe ka naman. Kumain na nga muna tayo at wala pa akong tanghalian." "Nagtitipid ka ba? Wala ka bang pera? I can lend you some money." Mukha talaga akong laki sa lusak ano? Ganoon ba kapangit ako manamit at mag-ayos? Hindi nga pala ako nag-aayos. Para saan pa? Kahit gumanda ulit ako, lolokohin lang at lolokohin ako ng paulit-ulit. Endless cycle na ita iyon. "May pera ako, thank sa offer mo pero may stable akong income at profit, hindi mo ako kailangan suhulan para sa sasabihin mong pabor," sabi ko sa kanya. "How did you know that I will ask for a favor?" mangha na wika niya sa akin. "Ikaw na ang nagsabi ano, matalino ako, pero tanga lang sa pag-ibig. Bro, it is all written all over your face." Natatawa lang siya na ewan. Basta ba ay kumain na lang kami. Bigla kaming natahimik. Parang may dumaan na anghel. "Madalas ka raw broken hearted?" tanong na naman niya sa akin. Balak ba niyang gumawa ng isang talkshow? Aba at matindi naman pala. "Eh ano naman ngayon?" masungit na wika ko. Masyado naman ata siyang nagda-dive deeper na parang gusto na niyang halukayin ang mga experiences at past ko. "Please don't get me wrong. I mean you can tell me since I already have an idea. Alam ko na nasasaktan ka ngayon," he said trying to sympathize, pero kailangan ko ba? "Anong alam mo sa sakit na nararamdaman ko. A man like you, na babae na mismong ang luluhod at pipila sa iyo, hindi mo malalaman 'yung sakit na nararamdaman ko." I look emotionless right now, but I was torn into pieces. He sighed. "I wish I do not sound so intrusive, pero genuine ako nang tinanong kita ay sinabi kong pwede kang magkwento sa akin. You know, kilala mo ako pero ikaw, hindi pa kita ganoon kakilala. I am basically a stranger for you. Pwede mo akong kwentuhan." Hindi ko alam ang intentions niya. Jake looks trying to make me open up. Baka nakita niya kasing napaka uptight ko, napaka-secretive at naglagay talaga ako ng wall para makita niya na hindi ako basta-basta nagpapasok sa buhay ko. I was before, but I have learned my lesson well. Sabi ko nga ay hindi na ako nangangarap ng isang maganda at perpekto na pamilya. Ang hirap maghanap ng maayos na partner. Napak-hassle pa. Kahit anak na lang siguro. Mukhang okay na sa akin iyon. "Madalas akong broken hearted, tama ka, masyadong mahina ang utak ko kapag puso na ang pinag-uusapan. Eh ganoon talaga ako e. Masyadong ilusyunada na mayroon pa na taong magmamahal sa akin ng totoo. I mean, hindi naman ako pangit sabi ng mga trabahador ko. Pero alam ko naman na mas marami pa riyan ang fresh option. "Ako kasi 'yung tipo ng babae na ang bilis lang iwanan ng mga lalaki. Hindi siguro ako pang forever. Ang hirap tanggapin, pero iyon na siguro ang tadhana ko." He smiled. "Naniniwala ka sa tadhana? Isn't we who makes our own destiny?" "Eh bakit may karma? Karma ko na ba na laging iwan at saka saktan. Kasalanan na ba ngayon na magmahal ng tapat at mag-expect na ibigay nila 'yung same intensity ng love na ibinigay ko rin?" He cackled. "It is good talking to someone like you. You have a better ways on discuss, get a topic. Hindi katulad ng ibang mga nakilala ko." I smirk. "Hindi naman sa panglalahat, pero parang alam ko na kung anong klaseng mga babae ang lumalapit sa iyo." Naging maayos naman ang usapan namin. Alam ninyo iyon? 'Yung tipo ba na mukhang hindi kami magkakasundo. Una ay dahil hambog pala talaga siya. May depekto ang mga salita, he is a bit of problematic in terms of finding his right choice of words. Pero deep inside of him, he is being genuine on listening on me. Pakiramdam ko ay may iba namang tao ang maikinig sa problema ko. At least I learned that he is not as shallow as I thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD