Episode 3

1759 Words
NAGISING na lang ako na may masakit at pinupukpok na ulo. Para akong lantang gulay na may namamalat na lalamunan. Isang umagang may malakas na hangover na lang. Kailan kaya ako gigising na walang sama ng loob sa isang lalaki? Gusto ko lang mabuhay ng mapayapa at may isang loyal na boyfriend s***h soon to be asawa. Pero siguro, swerte na lang na maituturing kung may isang babae pa ang makakahanap ng loyal at mabait na kapareha. Kahit maganda na ngayon nagagawa pa rin lokohin. Ako pa kayang bulbol na tinubuan ng mukha. Tumayo na ako sa kama ko, o akala ko lang ay kama ko. "Magandang umaga, kamahalan na reyna pa at prinsesa pa, musta ang gising? Nanggigigil din 'yung bagang ko sa iyo, Aroz!" sermon sa umaga sa akin ni Klint. Mukhang nasa guest room ako ng mag-asawa. "Good morning din bakla ka. Ang aga mo namang tumalak. Anyare? Tandang na pala role mo ngayon?" buska ko naman. Sakit pa ng ulo ko. "Ay te, huwag mo akong simulan ha? Sana pinatulog na lang kita sa dog house namin. Grabe ka naman maglasing kagabi marecakes. Iba e, alam mo 'yung bibig mo kagabi? Parang waterfalls ng SUKA! Grabe! Ipa-carwash mo 'yung sasakyan." Grabe! Ganoon na ba ako kalala kagabi? "Naku, sorry baks! Hindi ko naman alam na pinulutan ko na pala 'yung alak kagabi! Ako na ang bahala sa babayaran. Send ko na lang sa bank mo." "Pati moral damage!" sulsol pa niya. Napatawa naman ako sa kanya. "Parang hindi kaibigan! Nandito pa ba mga damit ko?" tanong ko naman sa kanya habang nagi-stretching. Shuta, amoy bituka na bibig ko. Buti may mga hygiene kit pa ako rito. For everyone's information, pangalawang bahay ko na itong mansion nila Klint at Rigo. Alam niyo naman na madalas akong sawi sa pag-ibig, wala naman akong takbuhan dahil only child lang ako, tinamad gumawa ng tamerd 'yung tatay ko, at isa pa ay nasa probinsya naman ang mga magulang at pinsan ko. Kapag hindi namin trip ni Klint na mag-bar ay diretso agad kami sa bahay nila. Minsan Netplix with ice-cream lang sapat na. Anyway, may mga gamit ako sa guest room nila kasi nga po ay madalas ako rito, opo, ganoon ako kadalas lokohin at ma-broken. Ewan ko ba, magnet ata ako ng mga trouble type na lalaki. Kung hindi ako peperahan, shuta mukha na ba akong sugar mommy? At bigla naman nila akong ipagpapalit sa iba. Mas maganda, mas maputi, mas bata, mas makinis. Ang kinalamang ko lang sa buhay ay itong successful na buhay ko. May mga negosyo ako. Maliban sa isa akong may-ari ng isang publishing house, may mga kainan din at bakery akong hinahawakan all over the Philippines. Kaya siguro maraming lalaki ang tingin sa akin ay naglalakad ng wallet. Magnet ata ako ng mga batugan e. Anyway, matapos akong maligo, magsipilyo at saka na magdamit ay good to go na ako. Labas na agad ako sa kwarto ko rito sa mansion nila at saka na naglakad sa pasilyo. Dalawang palapag na mansion. Ang laki nitong bahay. Palibhasa ay parehong galing sa mayayaman na angkan si Klint at Rigo. Sila talaga 'yung matatawag kong couple goals. Sana hole. "Mag-almusal ka na, Aroz ng taon!" sigaw sa akin ni Klint. Nilaklak ata ng baklang ito 'yung mikropono ni Rigo e. Speaking of Rigo, gwapo talaga ng asawa nitong si Klint. Parehas silang gwapo. Support lang ako sa kanila. Sana ako rin mayroon hindi ba? Umupo na ako at nagpasalamat sa masarap na almusal. Hula ko ay si Rigo ang nagluto nito as usual. Si bakla lang naman nagsasabi na siya nagluluto e. Eh hindi nga marunong magprito ng itlog. Naku! Masarap as usual ang mga pagkain. American breakfast dahil Filipino American naman itong si Rigo. Swerte ni bakla, may boyfriend na malaki ang toot. Matapos ang masarap na almusal ay bigla ko naman narinig na nagpekeng ubo itong si pareng Rigo. May tonsillitis ba itong lalaki na ito. "Ahh, Aroz, may sasabihin nga pala ako. May naaalala ka bang kinausap na lalaki kagabi?" Bigla naman akong napaisip sa tanong nitong si pareng Rigo ano. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Huwag ninyong sabihin na may pinangakuan na naman ako ng scholarship? Jusko, kakagaling ko lang sa pagiging sugar mommy!" Natawa naman ang dalawa. Ay, happy? Masaya kayong niyuyurakan ko ang sarili ko? "Haha, hindi. Nabanggit lang kasi ni Jake na parang interesado siya sa iyo." Parang inubo naman ako at si Klint sa sinabi nitong si pareng Rigo. Si Jake? 'Yung pamoso na heartthrob nang college days namin? Siya? Interesado sa akin? Aba at anong klaseng prank na naman ba ito? "Alam mo, pareng Rigo, okay lang iyan e. Parehong lasing lahat tayo kagabi. Baka ilusyon mo lang iyan." Alam ko na alam din nila na dream boy ko dati iyang si Jake e. Lalo na kung itsura at kagwapuhan pati na rin ang karisma ang pagbabasehan. Kasi over the years ay na-overcome ko na rin naman 'yung pagtingin lang sa physical features ng isang tao. More on affection na lang sana. Kahit hindi na sobrang gwapo, macho, basta mabango. Pero ayon na nga, kahit ata anong adjust ko sa standard at taste ko, wala pa rin, olats talaga ako. Mag-aalaga na lang ata ng pusa ang isang Aroz De Belen. Kawawang kweba. Ni hindi man lang nadiligian. O baka kasi dahil hindi ko pa naisuko ang Bataan ko. Ano 'yung yungib ko? Collateral? Investment? "Ano teh? Masakit pa ba ulo mo?" tanong sa akin ni Klint. Napaka-thoughtful naman. "Ang sweet naman ng best friend ko. Pa-kiss nga!" Akmang lalapitan ko si Klint nang yakapin na siya ni Rigo at saka na po sila naglampungan. Amputik na iyan! Eh 'di kayo na may love life! Life is unfair nga naman oo. "Alam niyo, bad trip kayo e! Aalis na nga ako." "Maghugas ka muna ng plato!" "Leche!" MATAPOS KO ngang magpalipas ng oras ay saka na ako umuwi sa bahay. Mamayang hapon na lang ako iikot sa shop at saka pupunta sa opisina ko. Wala pa rin ako sa mood na magtrabaho. Bahala na munang si El na siyang mamrobela sa mga business affairs ko. Si El ang secretary ko. Dahil medyo masakit pa talaga ang ulo ko ay nakatulog pa ako pagkauwi ko ng condominium unit. Ang sarap talaga sa pakiramdam na may pahinga. Ngayon na naisip kong wala ng lalaki sa buhay ko, malungkot pero alam ko sa sarili ko na mas okay na ito. Wala akong iniisip na lalaking magloloko, sasaktan ako, lahat ng nakaka-trauma na gagawin sa akin ng isang lalaki. Wala na talaga. Sa ganoong pag-iisip ay nagising na ako bandang tanghali na, and my phone is ringing. May unknown number na tumatawag sa akin. Baka si Jason na naman ito at may balak humingi ng sustento. "Ano ba Jason? Akala ko ba nagkaintindihan na tayong dalawa? Hindi ba at sinabi ko ng ayaw ko na? Makonsensya ka naman! Kung akala no ay mabibilog mo ulit ang ulo ko at mapeperahan mo ulit ako, pwes hindi na." Gigil na talaga ako. Narinig ko naman ang tawa ng isang pamilyar na tao sa kabilang linya. Magpustahan man kami ni Satanas, alam kong hindi iyon ang boses ni Jason. Anong klaseng pagkakamali na naman ito, Aroz? Alak at hangover pa more! "As much as I want to hear your nagging, I hate to break it but the last time I check my birth certificate, my name is not clearly Jason. It is Jake, maybe you forgot last night but we talk." Alam ninyo, kung computer lang ako ay kanina pa ako nagla-lag. Hindi ako makapaniwala na isang Jake nga ang tatawag sa akin! Pakisampal nga ako na may lakas ng sampong kamay! "Kung prank lang po ito, ibababa ko na ito! Wala akong time makipaglokohan! Biruin mo na ang lasing at bagong gising! Huwag lang ang niloko tapos lasing pa at bagong gising! Bwiset!" Akmang ibababa ko na ang tawag, because obviously nahihiya ako, pahiya ang lola mo dahil nga. Shuta! Narinig niya lahat ng hinanakit ko sa buhay! "Miss. De Belen, I recorded this call, and if you do not want this call record to be viral, you should do what I say." Hala! Lakas maka-blackmail a! "Lakas mang-blackmail a? Wala pa akong pera! Magkano ba ang kailangan mo ng tigilan mo na ako! Galing mo rin ano? Paano mo nagawa ang boses ni Jake?'' Kasi imposible na imposibleng si Jake Montana ito e. Patapusin na sana nila ang good time na ito, hindi na nakaka-happy. "Because I am Jake Montana! At hindi ko kailangan ng pera mo, baka ikaw pa nga ang bigyan ko e." Ay hambog naman pala e. "Maliban sa record na iyan, ano pang pwede mong mapanakot sa akin? Tingin mo ba ay may mawawala sa akin kung ipagkakalat mo iyan? Don't me!" "I have record of you, puking all over the place. Hindi ba at nasukahan mo ang sasakyan ng kaibigan ko, Rigo? He is also an Agustinian boys, so well, if you do not want to be an instant viral and sensation, do what I say. Meet me on a place that I will chat." Narinig ko na lang ang sound ng pagbaba niya sa tawag niya. Lord, bakit po may mga ganitong tao na ang lakas ng fighting spirit? Hindi naman ako makapaniwala kung bakit ako tatawag ng isang Jake Montana Kunno. Like hello? May pinag-usupan ba kaming crucial kagabi? May nagawa ba akong kasalanan? Wala naman akong magagawa e. Alangan naman na hayaan kong broken hearted na nga ako, magiging sikat pa ako sa kahihiyan. Kung siya talaga ang legit na Jake, and he really posted the video, aba at katapusan ko na nga. Masyadong sikat ang magkakaibigan na iyon sa kanilang mga active social media accounts. Ganoon sila kasikat na umaabot ng milyon ang mga followers nila. Nakatanggap naman ako ng mensahe. Address at oras kung saan ang meet and greet namin. Kabado ako dahil baka scam lang ito. Pero mukhang sa isang mamahaling restaurant naman ata kami magkikita. Hindi ko alam ang rason niya kung bakit. Pero wala namang mawawala sa akin kung pakikinggan ko siya. Ang ginawa ko ay kumain na lang muna ako ng tinapay. Naghanap ng pinaka-decent na damit. Nagpabango, nag-ayos, basta mga ganoong bagay. At least magmukha man akong semi normal. Matapos noon ay humanap na ako ng masasakyan. Iniisip ko pa rin ang last break up ko. Medyo matagal siguro bago ako mag-move on. Akala ko kasi siya na e. Pero iba talaga maglaro ang tadhana ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD