14th Chapter

1498 Words
MASAYA si Sava sa takbo ng buhay niya ngayon. Labing anim na taong gulang silang magkakapatid at katatapos lang ng high school ng mamatay ang ina nila na namamasukan noon bilang yaya ni Vladimir sa pamilya Soriano. Namatay ito sa pagliligtas sa buhay ni Vladimir nang tangkaing dukutin ang binata at ang ina nitong si Tita Sonia. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay kinupkop sila ni Tita Sonia at pinag-aral sa elite na unibersidad. Wala silang galit sa pamilya dahil alam nilang minahal talaga ng ina nila ang mga Soriano. Isa pa, mabait at mabuti ang ginang sa kanila. Dalawang taon silang nanirahan sa mansiyon, pero kinailangan nilang lumayo sa pamilya Soriano at tumira sa dorm. No'n na kasi nagpakita sa kanila ang walang kuwenta nilang ama. Nang nalaman ng lalaking iyon na kinukupkop silang magkakapatid ng mayamang pamilya ay parang linta na ito kung dumikit sa kanila para hingan ng pera, hanggang sa isangkot na sila nito sa utang nito sa mga sindikato. Noon ay hindi lalagpas ng dalawampung libo ang binabayaran nilang utang kaya kahit paano ay nagagawan nila ng paraan iyon, pero ngayon ay umabot na sa milyon ang utang ng matandang iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit pinutol niya ang ugnayan niya noon kay Emil. Ayaw niya itong madamay sa problema niya. Pero nakakatawa at nakakainis na ito pa ang lumapit sa problema. Mali man, pero masaya pa rin siyang hindi siya nito iniwan kahit alam nito ang kapahamakang naghihintay dito. "Sava, bakit mo t-i-n-ype ang pangalan ni Kuya Emil d'yan sa essay na ginagawa mo?" untag ni Mava sa kanya. No'n siya natauhan. Naroon sila ng mga kapatid niyang sina Mava at Lava sa HappyChic habang hinihintay ang kanya-kanyang sundo. Habang nagpapalipas ng oras ay hiniram niya ang laptop ni Lava para makagawa siya ng online writing jobs, since libre ang wi-fi sa HappyChic. Napangiti siya nang makitang na-i-type nga niya ang pangalan ni Emil do'n. Binura niya agad iyon. "Ano ba 'yan. Nakakahiya." Pabirong siniko siya ni Mava. "Masyado namang halata na in love na in love ka sa kanya. Pero Sava, masaya talaga ako na nagkabalikan na kayo ni Kuya Emil. Hindi ba, Lava?" Bahagyang ngumiti si Lava sa kanya. "Alam mo ba, Sava, kung hindi ka pa nakipaghiwalay sa Syd na 'yon noon, talagang lalapit na ko kay Emilio para sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit nakipaglapit ka sa Syd na 'yon." Biglang lumungkot ang mukha nito. "Dahil sa problema natin, kung anu-ano nang nagagawa natin para lang magkapera. I feel awful." Nalungkot din siya. Inakbayan niya sina Mava at Lava. "Matatapos din ang lahat ng ito." Sabay na hinawakan nina Mava at Lava at suot na kuwintas ng mga ito. Meron din siya no'n. Pamana iyon ng ina nila sa kanila noong ika-pitong kaarawan nilang magkakapatid. May pendant iyon na hugis "M", ang initial ng apelyido nila. Bumungisngis na lang silang tatlo mayamaya. Nilingon niya si Lava na tahimik na ngayon habang kinakagat-kagat ang straw ng iniinom nito. "Lava, puwede bang mamaya ko na isoli 'tong laptop mo? Hindi pa kasi ako tapos." Si Lava lang ang may laptop sa kanilang tatlo. Regalo iyon ni Vladimir rito. Tumango si Lava. "Okay lang. Hihiramin ko na lang mamaya 'yong laptop ni Vlad para magawa ko 'yong report ko." "Puwede mong hiramin 'yong akin." Sabay silang napatinging magkakapatid sa kabilang mesa kung nasaan ang nagsalita. Si Rio iyon, nakapalumbaba habang nakatingin kay Lava. Roommate ito nina Emil at Drei. "Hindi mo na kailangang mag-abala. Susunduin naman ako ni Vladi –" Natigilan si Lava sa pagsasalita nang itapat ni Rio – na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito – sa bibig nito ang isang strawberry cupcake. Walang isip-isip na kinagat iyon ng kapatid niya, kahit hawak pa iyon ng binata. "So, Lava, ako ang sasamahan mo ngayon, 'di ba?" nakangising tanong ni Rio rito. Tumayo si Lava, habang nasa bibig nito ang cupcake. Hindi na ito nagpaalam sa kanila at sumama na lang basta kay Rio. "Tingnan mo nga 'yang si Lava," naiiling na sabi ni Mava. "Na-bribe siya ng cupcake." "Mava!" Sabay silang napalingon ni Mava sa tumawag dito. Si Drei iyon na walang babalang hinawakan sa kamay si Mava at hinila ang kapatid niya patayo. "Anong problema, Drei?" nagtatakang tanong ni Mava, pero hindi naman maitago ng kapatid niya ang pamumula ng mukha nito. "Samahan mo kong mag-audition para sa isang commercial! Oras na para ibahagi ko sa buong Pilipinas ang kaguwapuhan ko!" excited ni Drei, saka mabilis na hinila si Mava. Patakbong lumabas ng HappyChic ang dalawa. Napakurap na lang si Sava sa bilis ng mga pangyayari. Tinangay ni Rio si Lava sa pamamagitan ng cupcake, samantalang kinaladkad naman ni Drei si Mava. Ang mga bruha niyang kapatid, hindi man lang nagsipaglaban. Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa niyang essay. Online writing job iyon. Kung hindi siya nagkakamali, para iyon sa mga foreign students na hirap sa paggamit ng English. Kapag naaprubahan iyon ng kliyente ay babayaran siya para ro'n. "Sava?" No'n lang siya natauhan. Nagulat pa siya nang makitang nakaupo na sa tapat niya si Emil. Na-engross yata siya masyado sa sinusulat niya kaya hindi na niya namalayang nakalapit na ito sa kanya. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang binata. Emil was so handsome. His bronzed skin only made him look manlier, and if she must say, sexier. The line of his jaw was prominent, so was his nose'. Mahahaba rin ang pilik nito na bumagay sa itim na itim nitong mga mata. Maiksi lang ang buhok nito na parating unat. Pero ang pinaka-kaakit-akit na pisikal na katangian nito ay ang magandang bulto ng katawan nito. He was 5'9 tall and his lean and muscular body matched his height perfectly. Kitang-kita naman sa mga braso nito na batak ito sa ehersiyo, o kung hindi man ay sa trabaho. Ngumiti si Emil. "O, bakit nakatitig ka lang d'yan?" Umiling siya. "Tapos na ba ang shift mo?" Nagta-trabaho kasi sa HappyChic si Emil ngayon bilang isang service crew. Gusto sana niyang magtrabaho rin para mapagtulungan nila ang pagbabayad kina Kiefer, pero hindi siya nito pinayagan at ito ang umako sa lahat ng trabaho. "Mayamaya, matatapos na ko. Pinagpahinga lang ako sandali ng manager namin. Hindi ka ba naiinip sa paghihintay sa'kin?" nag-aalang tanong ni Emil. "May ginagawa naman ako, kaya okay lang." "School work?" "Hindi. Online writing job." Bahagyang kumunot ang noo nito. "Sava, hindi ba sabi ko sa'yo hindi mo kailangang magtrabaho? Graduating student ka kaya sa pag-aaral mo na lang ibuhos ang oras mo. Saka ang gusto mo ay makapagtapos ng may matataas na marka, hindi ba?" Napangisi siya. "Ano ka ba, Emil? Writing job lang 'to kaya hindi naman ito nakakaistorbo sa pag-aaral ko. In fact, related pa nga ito sa kurso ko dahil kadalasan ay tungkol sa current events naman ang kinukuha kong topic." Tumango ito, pero parang pa rin kumbinsido. "Pero kung sa tingin mo ay naapektuhan na ang pag-aaral mo, itigil mo na 'yan. Mamaya nga pala ay sasahod na ko. Ibibigay ko 'yon sa'yo, pati ang allowance mula kina Mr. and Mrs. Roberts. Ikaw na ang humawak ng pera natin." Bigla siyang natahimik. Nitong nakalipas na dalawang buwan ay naging gano'n na ang sitwasyon nila ni Emil. Nagta-trabaho ito at ibinibigay ang lahat ng kinikita nito sa kanya. Maging ang allowance na natatanggap nito mula sa mga nagpapaaral dito ay ibinibigay nito sa kanya. Pero halos lahat ng iyon, napupunta lang kay Kiefer. Minsan sa isang buwan kasi ay inaabangan silang magkakapatid ng demonyitong iyon sa labas ng ES. Imbis na may madamay pa ay ibinibigay na lang nito ang perang hinihingi nito. Napayuko siya. Nararamdaman kasi niya ang pangingilid ng mga luha niya. "I'm sorry, Emil. Nang dahil sa'kin, kinailangan mong magtrabaho para lang sa wala. Unang taon mo ito sa kolehiyo matapos ng mahabang panahon na paghinto sa pag-aaral, pero imbis na mag-enjoy ay nagpapakahirap ka sa pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho. Pati ang allowance na dapat ay kay Tito Jacinto mo lang hinahati, ibinibigay mo pa sa'kin. I feel bad about everything." Hinawakan ni Emil ang kamay niya. "Ginusto ko 'to at hindi mo ako pinilit na gawin 'to. Mag-aral ka lang ng mabuti, Sava. Ako nang bahala sa iba. Magtulungan tayo ngayon para maka-graduate ka at nakahanap ng magandang trabaho sa lalong madaling panahon." No'n siya nag-angat ng tingin kay Emil. Genuine care and understanding were written in his eyes. Walang senyales ng kapaguran, o iritasyon. Pagmamahal lang. Naramdaman niya ang pagpatak ng mga luha niya. "Pangako, Emil. Kapag nakahanap na ko ng magandang trabaho, I will work hard for both of us, para naman pag-aaral na lang ang atupagin mo." Nakangiting tumango ito. Bigla na lang itong kumanta. "Sampung mga daliri, nawala ang lima. Hinanap ko. Hinanap ko. Hawak mo pala." Masuyo nitong pinunasan ang mga luha sa pisngi niya gamit ang libre nitong kamay. At that moment, she realized love was selfless. Napatunayan niya iyon kay Emil na puro at buo ang pagmamahal para sa kanya. Napaka-inosente nito na para bang naniniwala itong makakaya nila ang lahat basta't mahal nila ang isa't isa. Kadalasan ay gusto na niyang sumuko dahil sa problema nila. Pero ngayon, may dahilan na siya para lumaban. She would fight for Emil. With Emil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD