PAGDATING ni Sava sa apartment niya, dumiretso agad siya sa kuwarto niya at padapang humiga sa kama. Dahil likas na mahilig manood ng news, binuksan niya ang TV niya at dahil hindi na niya magawang imulat ang mga mata niya dala ng antok, pinakinggan na lang niya iyon. Kababalik lang niya sa Maynila at kanina lang ay galing siya sa opisina ng Turning Point para kausapin ang publisher niya tungkol sa katatapos niya lang na lifestory ni Emil. Isang buwan mahigit siyang nanatili sa Baguio kasama si Emil para sa training nito. Gayunman ay kinulang iyon para sa kanila dahil kahit magkasama sila sa iisang bahay, bihira lang silang magkasama ng matagal dahil busy ito sa training nito at sa gabi naman, nakakatulog agad ito dala ng pagod. Hindi naman siya nag-demand ng oras nito dahil alam niya k

