"No, I don't have a problem with that..." sagot ni Jeiko ngunit matalim parin ang tingin kay Franco.
Inalis ni Franco ang kamay niya sa balikat ko. I looked at him with surprised. Nang makita niya ang gulat sa mukha ko ay napalunok nalamang siya at nag-iwas ng tingin.
What the stawberry eff was that? Anong pinagsasabi niya? Gusto niya ba talaga ako? Dang!
"Good, so Shian let's go?" tanong ni Franco sakin sabay hawak ng kamay ko.
Nagulat ako sa ginawa niya. Para na akong tanga dito tila hindi maintindihan ang nangyayari sa paligid.
I looked at Jeiko. His brooding eyes are hawking at us. "Get off, Franco. You don't have the right to hold her hand!" asik ni Jeiko sabay alis ng kamay ni Franco sa kamay ko na siya na ngayon ang nakahawak.
Nagulat din ako sa ginawa niya. Para na talaga akong tanga dito. Wala man lang ako masabi na parang nakalulon ako ng isang malakin bato. Nahihilo nako sa papalit palit na tingin ko sa kaniya.
Tumaas ang kilay ni Franco and an amused grin crept on his lips while looking in our hands, "At ikaw mayroon, ganon?" tanong nito.
Umigting ang panga ni Jeiko at binitiwan ang kamay ko. Why do I feel like may tensyon akong nararamdaman sa pagitan nila?
"Sinasabi ko lang na hindi mo pa pwedeng hawakan ang kamay niya kung wala namang namamagitan pa sa inyo..." giit ni Jeiko ngunit kalmado.
Franco smirked, "Thria said, may gusto sakin si Shian. So, I'm telling her that I like her too so it means may namamagitan na sa amin diba?" depensa niya.
Nanlaki ang mata ko. What!? Kasalanan talaga to ni Thria! Saan naba ang babaeng 'yun? Ano ba ang chismis na pinagkakalat niya tungkol sakin? Jusko naman!
Umigting muli ang panga ni Jeiko, tila nawalan ng isasagot. Franco pulled me to him sa gulat ko'y nagpahila ako.
"T-teka, Franco wala naman akon--"
"Franco! Jeiko!" someone called them.
Sabay kaming napalingon sa babaeng naglalakad palapit sa direksyon namin. Teka bakit ba napadpad sa building namin ang mga ito?
Thria was half running when she got near us. "What's happening?" tanong nito na para bang inosente.
"Nothing, I was just taking Shian from Jeiko. May date kami." mariing sabi ni Franco kay Thria.
Tumaas ang kilay ni Thria sabay tingin sa akin. I glared at her but she just smiled and looked at Jeiko.
"Oh talaga? Papayagan mo ba Jeiko?" tanong ni Thria at nag-beautiful eyes pa.
Kumunot ang noo ko. What the? Feeling close naman ang isang to! Pinagsisisihan ko na talaga na umupo kami sa table nila ni Franco sa MCDO!
I looked at Jeiko. Akala ko iiling siya but he just shrugged. "Shian has her own decision." malamig na sabi nito at tumalikod na at naglakad palayo.
Napaawang ang bibig ko. Ano ba talaga ang nangyayari? Naguguluhan na ako.
Sinabi ni Franco gusto niya ako tapos parang tumutol si Jeiko kahit sinabi niya sakin na i-date ko daw pinsan niya tapos bigla nalang wala siyang pakialam? Argggh! Nakakalito!
Bago pa ako magsalita para kay Thria ay umalis na siya. She waved at us bago siya sumunod kay Jeiko.
"You like him do you?" biglang tanong ng katabi ko.
Napatingin ako sa kaniya. Franco's looking at me intently, like he's contemplating my expression.
Napakurap ako at umiwas ng tingin. He lift my chinned up kaya napatingin ako sa kaniya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. And it's only because I'm nervous!
"You like Jeiko, right?" tanong niya ulit.
Alam kong narinig niya ang kwentuhan namin ni Pons and a smart person like him would tell I am.
I looked at him, "Oo tama ka, kaya wala kang pag-asa sakin." masungit na sabi ko at nagsimula ng maglakad palayo sa kaniya.
I heard him chuckled as he followed my steps, "Then why aren't you confessing?"
Patuloy lang ako sa paglakad. Hindi ko obligasyong sagutin siya kaya magdusa siya. He likes me? Kailan pa?
Gusto 'kong magtanong pero mukhang ako pa yata ang bubuhusan niya ng mga tanong dahil nalaman niya ang sekreto ko.
"What are you trying to do, Franco?" tanong ko sa kaniya gamit ang matalim kong tingin.
"I'm getting to know you..." sagot niya with an evil grin.
Kumunot ang noo ko. With the way he grins alam 'kong may mali. Pakiramdam ko, it's just for show.
Pumamewang ako, "Are you playing with me?" seryosong tanong ko sa kaniya.
He smirked, "I'm pretty sure I know I'm serious, Aldeguer." aniya at lumapit sakin kaya napaatras ako.
Bigla akong natameme sa sinabi niya. He's making me confused of his words and with his eyes. May mali talaga. Parang ang hirap paniwalaan ang sinasabi niya.
Umiwas ako ng tingin at lumayo sa kaniya. "When all along I thought you're a goody one, may tinatago karin pala..." I exclaimed while stepping backward while looking at him.
He smirked again, "The only thing I'm hiding was my feelings. Noon paman, alam ko ng may nararamdaman ka para kay Jeiko, but I'm starting to think why are you always looking at me then..."
Nanlaki ang mata ko, pakiramdam ko biglang nag-init ang pisnge ko. So nahalata nga niya? Now, I'm starting to think why did I have a crush on this guy? Tsk. I really hate strawberry boys.
"Guni-guni mo lang 'yun. Bahala ka nga sa buhay mo..." sabi ko at tinalikuran na siya at umalis.
I heard him laugh siguro ay nahalata niya ang pamumula ko. Argggh!
In the end, ako nanaman mag-isa ang umuwi. Hindi ko na naabutan ulit si Sheun. Talagang, isusumbong ko na siya mamaya! Humanda siya!
Pagkarating ko ng bahay, nagbayad nanaman ako ng isang daan at kalahati sa taxi. Well, hindi naman mabigat sa bulsa pero syempre praktikal. Sisingilin ko talaga si Sheun ng dalawang daan!
Napansin ko ang tatlong magarang sasakyan sa labas ng bahay namin at hindi 'yun sasakyan ni Sheun o nila Mom and Dad.
Isang puting porsche cayman na alam ko kung kanino. Castielle will always bragged his fancy car.

And Arixton is here also with his red ferrari 458. Parang pareho lang sila ni Castielle, syempre nga, inggit siya kay Arix.

Kumunot ang noo ko ng mapadako ang tingin sa isang range rover na hindi pamilyar sa akin. Kanino naman kaya 'yun?

Pumasok nako sa loob at pinagbuksan naman ako ng mga guards namin. Nakita 'kong maayos ng nakapark ang sasakyan ni Sheun.
Itim na ford Mustang ang sasakyan ni Sheun. Siya ang hari ng school kaya hindi siya magpapahuli sa mga pinsan ko, pero simple lang talaga siya.

Inimbitahan kaya ni Sheun ang mga pinsan namin? May ano kaya? Hmmm, siguro mag-mo-movie marathon nanaman kami, ano?
Ako nanaman siguro ang magluluto ng lasagna na gustong gusto ng mga pinsan ko.
Excited akong pumasok sa bahay. I gave my bag to yaya Nancy dahil didiretsyo na ako sa kusina para ipagluto sila. Ito talaga 'yung hinihintay nila sakin.
Dumiretsyo ako sa movie room kung saan alam 'kong tambayan ng mga pinsan ko kapag nandito sila but when I opened the door walang tao pero bukas ang malaking screen at nandoon na ang mga gamit ng iba.
So, I decided to go to the kitchen. Boses agad ni Castielle ang narinig ko.
"Nasaan naba si Shian? Kung kailan siya kailangan para sa lasagna doon pa wala," inis niyang sinabi. I almost roll my eyes.
"Jeiko hindi mo kasama?" tanong ni--MOM? Nandito siya? And also Jeiko?
Bakit naman siya nandito? It's not that, he's not usual here, it's just that, hindi ko lang expect na nandito siya ngayon.
Papasok na sana ako sa kusina dahil sa excitement na maka-bonding siya ng sumagot si Jeiko.
"I think she has a date with a Silvestre, Tita." sagot nito gamit ang baritonong boses niya.
Aba't! Sinumbong pa talaga ako, ha? Well, it's not that my Mom is strict when it comes to dating.
"Maniwala!" Castielle retorted.
Bago paman dugtungan ni Castielle ang sasabihin na paniguradong kaiinisan ko lang ang sasabihin niya ay pumasok nako.
"I'm not in a date with a Silvestre, mind you, Valerio." mariing usal ko ng lumingon silang lahat sakin.
Umangat lang ang kilay ni Jeiko at umiling lang tila di parin kumbinsido.
I saw my three cousin, Castielle, Arix and Jucas with my mother helping her design the cake.
Jeiko was sitting in a stool chair while eating my chocolate pudding which he usually do when he's here. Kukunin niya lang 'yan sa ref namin na parang siya ang may-ari, though I really don't mind.
Castielle and Jucas were helping my mom design the cake that she baked while Arix is sitting in our black marble table counter while spinning his drumstick with his hand.
"I think 'couz won't date him," sabi ni Castielle habang sinubo ang hintuturo para tikman ang icing. Jucas just gave him a disgust looked.
Poor kid. Mukhang napilit nanaman siya ni Mom na pumunta sa bahay namin para magpatulong kahit kaya naman naming dalawa.
I went closer to Mom and kissed her on her cheeks. Mom just gave me a weird look that she always gave me when she wants something to know. Oh. I think I know what.
"Pinsan mo ang mga Silvestre, hindi ba, Jeiko? Bustamante also." tanong ni Mommy.
"Yes po." Magalang yan!
"Jucas here is crushing on Franco's sister, Aleyna!" tukso naman ni Castielle. Kahit kailan madaldal talaga.
Sinamaan siya ng tingin ni Jucas, "I don't have a crush on that girl." malamig na sagot nito.
Napangisi ako. Bakit ba ang weird ng mga babae? Kung bakit malakas talaga ang dating ng mga suplado at malamig.
Well, malakas naman ang hatak ni Castielle, lalo na sa mga taktika sa mga babae, but when you get to know him, ma-tuturn off ka talaga. Mas maarte pa sa babae. Mas maingay.
"Oh, so you're not into good girls, ha? Eh anong tong nababalitaan kong--"
"When are you going to stop talking?" bulalas ni Arix. "Ang ingay mo," dugtong nito.
Arix really is the straightforward one when Castielle has lots of talking, kumbaga maraming pasikot-sikot. That's how my favorite cousin is Arix.
Sinamaan ng tingin ni Castielle si Arix, "At least hindi ko sinasayang ang laway ko, tsong!" bwelta naman ni Castielle.
Humalakhak si Mommy, "Tama na'yan. Nag-uumpisa nanaman kayong dalawa. Arix tawagin mo na si Sheun sa taas, Jucas can you please help me with the cake, baby? And Castielle, i-ready mo na ang movie, make sure may table doon, okay?" said Mom giving all of us a command. Well sort of. Buhay prinsesa nanaman a---
Biglang tumingin si Mom sakin. "And for Shian, can you please buy some drinks for your cousins? Nakalimutan ko. Pasama kana kay Jeiko. Jeiko can you go with her?" pa-cute na tanong ni Mommy.
Jeiko just smiled at her and nodded like a suitor who wants pogi points to my mother. I secretly smiled.
Tumayo si Jeiko at kasabay nun ang pagtinginan namin ni Mom. My mother wiggled her brows. Same old tactics of her to have me more time with Jeiko.
I gave her a thumbs up bago hilahin ni Jeiko ang laylayan ng blouse ko para mahila ako.
Aba't! Hindi niya ba pwedeng hilahin ako sa kamay? Kung hindi niya ako hihilahin mula sa bag ko, mula naman sa damit ko. Tsss...
Paglabas namin ng bahay, pinatunog niya ang range rover and I gasped when I realized it was his.
"Wow! New car?"
He nodded, "Dad gave it to me. In exchange of my participation in our company last week." sagot niya.
Tumango ako at pumasok sa shotgun seat. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng interior ng sasakyan. Ano pa ba ang ineexpect ko sa mga Valerio?
Habang nagmamaneho siya, pinagmasdan ko siyang seryosong nakatingin sa daan.
His adams apple is moving like there's something he wants to say to me kaya binasag ko na ang katahimikan.
"Close na talaga kayo ng Dad mo, ano? Parang kailan lang nung naghahabulan kayo." I said with a chuckled. I know he moved on from it.
Umangat ang labi niya, "Not much. But, I'm trying to understand him more and more. Siya nalang ang meron ako."
Kumunot ang noo ko, "Why are you always saying that? Ilang beses ko na bang dapat sabihin sayong nandito ako? Aren't you considering me as someone who'll not leave you?" dirediretsyong tanong ko.
Napatingin siya sakin. Tumama ang ilaw ng street lights sa mukha niya kaya hindi ko masyado na kita ang ekspresyon niya.
"Eventually, you're going to leave me. You're going to date my cousin, right?" kalmadong tanong niya.
Napanguso ako sa pagiging kalma niya. Parang kanina lang na ayaw niyang hawakan ako ni Franco but here he is so calm like he doesn't care.
"Ughh, ito nanaman tayo. I have no plans on dating Franco. To tell you, binusted ko na siya kanina, so you better not open that topic again." seryosong sabi ko at humalukipkip at tumingin sa daan.
He just chuckled, "And FYI, I think there will be no reason to leave your side..." dugtong ko habang nakatingin parin sa harapan namin.
Sa harap ng isang convenience store i-pinark ni Jeiko ang sasakyan niya. Still he doesn't react with what I said.
Bumaba lang kami at pumasok sa convenience store. Nakapamulsang pumasok si Jeiko sa loob kasunod ako.
The guard who opened the glass door, the employees in the counter, the customers lining up in the cashier, the janitress who's mopping the floor looked at Jeiko with mouth half opened.
I even heard the gasps of some high school girls. Nagsikuhan pa ang mga babaeng kahera at iiling-iling ang mga lalakeng kasama sa mga babaeng tumili.
Gosh. The effect of Jeiko Valerio. But, of course, as me, the leading lady, hindi nakaligtas ang mga pagtitig ng mga kalalakehan sa akin.
At ang mas masaya, I heard some high school students say, perfect couple daw kami. Well, that's a good feedback.
Ngingiti-ngiti akong humablot ng mga chocolate na alam kong paborito ni Castielle at Sheun, junkfoods na gusto ni Arix lalo na'yung peperro na paborito naming magpinsan.
"Bakit mo siya binusted?" biglang tanong ni Jeiko sa likod ko. Naramdaman ko ang braso niyang dumaan sa balikat ko para kunin ang peperro.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko at alam kong malapit lang siya. Nakita ko pang may ngingiti-ngiting customer.
Napakagat labi ako. Bakit hindi ko siya bubustedin kong ikaw ang gusto ko Jeiko?
"As I said, hindi ko nga siya gusto..." sagot ko at dinungaw siya sandali.
Umawang ang bibig ko ng marealize kung gaano siya kalapit sakin. His face is almost near mine, ngunit ang atensyon ay nasa peperro na mukhang binabasa ang flavor.
Napakurap ako at pinilig ang ulo ko pabalik sa mga stall kung saan ang peperro.
Sobrang lapit, nakakatukso. Nakakapanghina.
"What's not likeable? He's a boyfriend material, I heard." halos bulong na'yun dahil malapit siya banda sa tenga ko.
I felt my body stiffened. Nang maramdaman ko ang paglayo ni Jeiko sa likod ko ay nakahinga-hinga ako ng malalim. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga.
Nang makahugot ng lakas ng loob ay humarap ako sa kaniya. Binuksan niya na ang malaking refrigerator para kumuha ng inumin. Alcohol drinks, of course. Boys night.
"Gusto mo ba talagang i-date ko pinsan mo? Parang ayaw mo pa nga kanina!" asik ko at pumamewang gamit ang isang kamay dahil ang kabila ay hawak ang basket.
Nakatalikod siya sakin, "Hindi sa ayaw ko. Prinoprotektahan lang kita."
I rolled my eyes. My god. Why can't he just say that I shouldn't because sa kaniya lang dapat ako? Kailan mo pa i-a-admit sa self mo 'yan? Hay...
"Here you go again confusing me. Parang kanina lang sinabi mong likeable si Franco tapos boyfriend material and now you're saying, prinoprotektahan mo ko sa kaniya. Ano ba talaga?" nalilitong tanong ko kahit na sa totoo lang parang pain lang ito sa kaniya para umamin na pero mukhang di tumalab.
Humarap siya sakin, "I'm protecting you since I know it's your first time dating. I know, you don't know how to date and I'll be willing to teach you and protect you from being hurt. Do you understand now?" sabi niya sabay pitik ng sentido ko.
Sumimangot ako at hinimas ang sentido ko. Hindi ganoon kasakit, mukhang namanhid narin, kagaya ng puso ko.
Pagkabalik namin sa bahay ay halos malaglag ang panga ko na makita si Lerrybel Priesly at ang kuya niyang si Josan Priesly sa movie room namin. They're eating mom's cake habang nag-uusap usap. Mom obviously invited this two dahil halos magkalapit lang ang bahay namin.
"Oh, andito na pala ang dalawa!" sabi ni Mom, "Let's start the movie, Castielle..." dugtong ni Mom.
Sumaludo si Castielle, "Yes, tita!"
Medyo bagets ba ang Mom ko? Well, yes she is. Feeling bata while Dad is somewhat serious but silly too. Kapag nakiki-hang out ng ganito si Mom alam 'kong pahinga niya. And watching a movie will make her at peace.
"Balita ko'y i-eengaged kana daw, Jos. Payag ka do'n?" tanong ni Arix sa kaibigan. Magkatabi sila habang dikit na dikit si Lerry kay Arix. Kaya possessive much kay Arix kasi medyo hinahayaan rin nito dumikit sa kaniya.
Josan shrugged, "Wala akong magagawa. I'm in the business world. Sooner or later, you'll be in my place, Rix." sagot ni Josan, may old suitor who I dumped.
Nagkatinginan kami ni Josan and he smiled at me. Nginitian ko siya at inabutan ng inuming binili namin ni Jeiko. Josan and I are casual. Hindi naman siya nagalit nung binusted ko siya. He understand me though. Ayokong ma-link sa isang celebrity na alam 'kong kukuyugin lang ako ng mga fans niya.
Umiling si Rix," I don't do, arranged marriage. I think ADEH will be successful in my hands without a help with another strong household," Arix said with a final and authoritative voice.
Tumingin ako kay Lerrybel na parang naging puso ang dalawang mata habang nakatingin kay Arix. I gave her a drink, she accept it and smiled at me like parang walang naging mainit na tagpo samin nung nakaraang araw. But, of course, I know, kaplastikan niya ang pinaiiral niya.
"It's good to hear that you talk like a mature man now, Arix. But, I'm sorry to say, you're going to be like your lolo, matigas masyado..." sabi ni Mommy at humalakhak.
"Don't worry Tita Sarah, gaano man ka tigas ang puso ni Arix, someone out there will make it soft. And that someone might just in the corner--or maybe just beside him!" masiglang usal ni Lerrybel at ngingiti-ngiti.
Nakangisi akong tumingin kay Arix na parang wala lang sa kaniya. Tumawa naman si Castielle at Sheun, "Dream on, Lerry." Castielle said.
Ngayon ko lang napansin ang kambal kong nagmumukmok sa gilid hawak ang cellphone niya. Oo nga pala! Magmumukmok yan dahil nandito si Mommy at ayaw nito kay Daphne.
Umupo ako sa tabi ni Jeiko na umiinom na. Bumili ako kanina ng maiinum kong juice dahil wala akong planong uminom dahil delikado at katabi ko lang si Jeiko. Wala si Pons dito para pigilan ako.
The movie started and from the sound of the music, mukhang horror. I was eating whenJeiko's phone beep. Binuksan niya 'yun at nakita ko kaagad ang pangalan ng nagtext at ang laman ng text.
Jessie
Babe. Are you still up? Text me please?
Woah. Another one? Pero bakit di ko napapansin na may pinopormahan siya? "New girlfriend?" tanong ko.
He looked at me, "Uh-hah. Kanina lang..." mahinang sagot niya. "She's pretty,"" dugtong niya at napangisi. "Kinda remind me of someone I knew..." sabi niya ulit and still he's smiling.
Bigla akong nanlumo. Pakiramdam ko may kung anong dumagan sa puso ko. Akala ko namanhid na'to dahil marami na siyang naging babae, pero while looking at him right now smiling because of that girl named Jessie, I think he's happy. Happy remembering that someone.
Naalala ko ang sinabi ni Pons sakin noon, paano kung maunahan ako? Paano kung habang naghihintay akong magsawa siya sa pangbabae ay may maunang magpaamo sa kaniya? Magpabago sa kaniya.
Paano na'ko kapag nagseryoso siya sa iba?
Nagulat ako ng iabot ni Jeiko sakin ang phone niya. Napatingin ako sa kaniya, he was looking at me while he's drinking.
"Can you text her? Tinatamad akong mag-type. Just don't mess it up, I'm not yet done with her..." sabi niya at tumingin na sa screen.
Napakagat labi akong inabot ang phone niya. "Sure, I can do that..." nakangising sagot ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman.
He gave me the authority to play with his girlfriend and that means he's not serious with her kahit may naalala pa siya sa babaeng si Jessie.
Shian Demetry Aldeguer, what are you thinking? Walang babae ang makakapalambot ng puso ni Jeiko kundi ako lang. All I need to do is wait for the right time.
Sumandal ako sa balikat ni Jeiko habang tinetext 'yung Jessie bilang Jeiko. Jeiko didn't move nor complain.
He just let me...