"Dalawang daan mo, Sheun Ash."
Nilahad ko ang kamay ko sa harap ng nakakunot noong si Sheun habang kumakain kami ng breakfast.
"Why would I give you money?" masungit na tanong niya habang nagbabasa sa phone niya. Katext nanaman si Daphne.
I looked at Mom watching the two of us. Si Dad naman ay busy sa pagbabasa ng dyaryo na uso pa pala ngayon. Kahit kailan talaga ay old fashioned si Dad.
"Kulang pa ba ang allowance mo, baby?" tanong ni Mommy habang naglalagay ng palaman sa wheat bread.
"Why don't you try using your trust funds. Sheun's using his often..." ani ni Daddy sabay lapag ng dyaryo sa lamesa at sumimsim ng kape.
"Of course, ang kay Sheun nga'y nauubos na!" asik ni Mommy tukoy sa mga gastos ni Sheun sa girlfriend niyang bratinelang mayaman naman pero winawaldas ang pera ng iba.
Umigting ang panga ni Sheun. Hindi talaga sila magkasundo simula nung sinampolan ng kaartehan ni Daphne si Mom.
I tried to laugh a bit and then shook my head. I changed my mind, hindi ko muna siya isusumbong. From the looks of my twin's face, hindi maganda ang gising niya. Kay daddy ko nalang siya isusumbong.
"May utang lang siya. Nakalimutan niya." sagot ko sabay kagat ng tinapay kong may palaman ng nutella.
Tumaas ang kilay ni Mommy tila hindi kumbinsido. Si Daddy naman ay nakikinig lang.
"Kasi, this past few days, di nako nakakasabay sa kaniya dahil nauuna siyang..." I looked at Sheun na sinamaan ako ng tingin. Nakaramdam siguro na isusuplong ko siya.
Ngumisi ako sa kaniya, "Nauuna siyang umuwi dahil may klase pa ako at isa pa, may special training si Sheun everyday sa swimming, so I can't-"
Mom chuckled, "Baby, are you asking for a car?" gulat na sabi ni Mom.
Nanlaki ang mata ko. I shook my hands and also my head. They're all looking at me now. Ayoko ng sasakyan! Ayoko!
"No, Mom. I don-"
"Don't worry, baby, your car will arrive tomorrow. At sisiguraduhin kong lilingunin ka ng mga tao!" excited na sabi ni Mom.
Umiling-iling ako habang ngingiting aso si Sheun. Aish! Sa sinabi ni Mommy ay posibleng may sasakyan na ako bukas pero ayoko.
"Mi, ayoko nga ng car."
"Bakit gusto mong laging mag commute?"
Ngumuso ako, "Can you just ask Jeiko to take me to scho-"
Dad smirked, "At ginawa mo pang service ang tagapagmana ng VCorp ha?" untag nito.
Ngumuso ako. Humalakhak naman si Sheun. Kahit kailan talaga, mag-ama sila!
"Dad, we're best friend, wala lang 'yun sa kaniya..." sagot ko at sumimsim ng gatas ko sa gilid.
"I thought you're in a relationship with him. Hindi pala?"
Napangisi ako, "Soon! Dapat payagan niyo ko, ha? Mommy already agreeed!" masiglang sabi ko.
Sheun an Dad smirked. Mom just shook her head with a smile.
"How sure you are, hija? Kapag narinig ka ng iyong lolo baka pagalitan ka. Estrebal doesn't chase, ika niya." ngingisi-ngisi niyang saad.
Sumimangot ako at tinuro si Sheun, "Then why is he chasing Daphne?" tanong ko na ikinawala ng ngisi ni Sheun.
"Of course, she's already mine, you idiot."
Humalakhak si Dad. Sinita naman ni Mom si Sheun sa pagtawag sa'king idiot.
"Ah true Estrebal gives everything to the girl they love. Mabuti at hindi gumaya si Sheun kay Castielle, kung hindi ay ubos ang kayamanan."
Napatawa kami sa sinabi ni Dad. They he looked at me, "I like Jeiko for you, hija. But I knew his father, lolokohin ka lang ng mga Valerio." untag nito.
"Dad, Jeiko won't fool her..." nagulat ako sa sinabi ni Sheun.
Wow lang ha? Kinampihan ako? Unbelievable!
"...because he doesn't even see her as a lover. He won't consider her feelings," dugtong nito.
Tsss! Akala ko'y kakampi ko na! Mag-ama talaga! I looked at Mom habang nakanguso para kampihan niya nako.
Ang tanging naitulong niya lang sakin ay ang pagpapatahimik sa dalawa. Wala man lang siyang sinabi para hindi isipin nila Dad na wala akong pag-asa.
Magkasama kaming pumunta ni Sheun sa school. At himala at hindi namin dinaanan si Daphne.
"Oh, bakit di mo sinundo ang reyna mo?" tanong ko sa kaniya habang papasok kami sa main gate ng TU.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang nagmamaneho at base sa mukha niya badtrip talaga siya at ewan ko kung bakit.
Hindi ko alam kung bakit tinawag pa kaming kambal eh parang wala naman kaming interaksyong dalawa. Though, I felt disturbed of his expression.
"Bakit ba parang may nararamdaman akong negative energy mula sayo, kambal?" tanong ko sa kaniya.
He looked at me coldly as he parked the car, "Ikaw nilaklak mo na lahat ng positive energy. You're so noisy, kanina ka pa sa bahay..." supladong sabi niya at lumabas ng sasakyan.
Ngumuso ako. Minsan nakakainis na talaga ang kasupladuhan ni Sheun. Hindi naman siya laging suplado pero kapag sinusumpong? Tsk tsk. Haynakobuhay!
Lumabas nako ng sasakyan at mabilis na sumunod kay Sheun at inakbayan siya. "Kambal, wag mo naman akong sungitan, punong puno na nga ako minsan kay Jeiko, dadagdag ka pa." sabi ko sabay pilipit pa ng braso ko leeg niya.
He slouched a bit because of what I did. Ngumiwi siya at inalis ang kamay kong nakapilipit sa leeg niya.
"Damn it, Shian. Ang kulit mo!" asik niya.
Tumawa ako at ginulo ang buhok niya, "To naman naglalambing lang!"
He glared at me, "Wala akong panahon makipaglambingan sayo Shian. Tsk! Makaalis na nga." iritadong sabi niya at tuloyan ng umalis.
Benelatan ko siya. Psh! Pati ba naman siya, strawberry din? Tsk!
Habang naglalakad ako papunta sa building ay namataan ko si Thria na papalapit sa direksyon ko. Aba! Hindi ko na pala siya kailangang hanapin.
She was smiling at me like parang magkaibigan kami. Isa pang strawberry to!
"Good morning, Shian. How's your date with Franco yesterday?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi kami nag-date, Thria. And why did you told Franco that I like him and why did you told Jeiko I like Franco? We're not even BFF's para malaman mo ang lahat tungkol sa'kin." dire-diretsyo kong sinabi.
Hindi ako marunong makipag-away. Lumaki akong may class , GMRC at may respeto sa tao (optional).
Ngumisi pa lalo si Thria, "Totoo naman diba? My friend from your class told me about it dahil nakwento ko si Jeiko sa kaniya and of course! Kadugtong ng pangalang Jeiko ay Shian. So she said you like Franco," sagot niya at hinawakan ang dalawang kamay ko at biglang naging malungkot ang mukha.
"I'm sorry sinabi ko kay Franco. I'm sorry inunahan kitang magtapat sa kaniya. But, look at the bright side, he likes you back! Feeling ko tuloy ako si Cupid!" biglang sumigla ang boses.
Nakakunot parin ang noo ko. Hindi ko alam kung totoo nga ang sinabi niya ngunit base narin sa sinagot niya, may chance na nagsasabi din siya ng totoo.
Maingay si Pons sa klase. Madalas niya na akong tinutukso kay Franco kaya malamang ay may tsismis na kakalat na ganoon nga. Hay! Kasalanan pala ito ni Ponsithia!
"I'm sorry, Shian. I don't want to rseeeupset you lalo na't gustong gusto ko si Jeiko and I don-"
"Wait, what!?"
Tumango tango siya habang nakangiti, "Yup! Gusto ko siya, Shian. I hope like how I support you with my best friend, i-support mo din ako sa best friend mo. Please?" pakiusap niya.
Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano magrereact kung sa kaloob-looban ko, tumututol.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na may gusto ako kay Jeiko. My god! This is so frustrating.
"Thria, paano kung sabihin kong wala akong gusto kay-"
Tumunog ang phone ni Thria kaya kaagad niya itong sinagot. She looked at me and murmured, "Si Mom," then she waved goodbye para makaalis na.
"T-teka, Thria!"
Huli na't dahil mabilis ang lakad niya. Napakamot ako ng batok. Paano na'to? Arrggh!
"Tell her hindi ka boto sa kaniya. Easy!" advice ni Pons sakin nang isumbong ko sa kaniya.
Wala pa si Franco sa room. Well, wala akong pakialam dahil ayoko muna siyang makita. Nakakainis silang mag best friend.
Nakiupo lang kami sa upuan nila sa MCDO tapos ganito na? Edi sana kung alam ko, umalis nalang kami sa MCDO at lumipat sa ibang fast food! Aish!
"Wag mo nga akong igaya sayo, hindi ako harsh!" asik ko.
Humalakhak siya, "Edi magdusa ka. Ang sabi ko naman kasi sayo, para hindi kana mahirapan, magtapat kana. Pinapahirapan mo pa kasi 'yung sarili mo." mataray niyang untag.
I sighed, "Madaling sabihin pero mahirap gawin, Pons. Hindi pa ito ang right time. Ayokong layuan niya ako,"
She sighed, "Kung ikaw ang para sa kaniya, Shian. Kung totoo nga 'yang sinasabi mo, magagawang magseryoso ni Jeiko sayo. Torpe mo!"
Napakagat labi ako. "Dibale, alam ko namang hindi naman siya seseryusohin ni Jeiko."
Bakit nga ba ako nababahala? Tsk! Ang tanga ko! Alam ko namang hindi sila seseryusohin. Lumapad ang ngisi ko sa naisip.
"Nakakatakot ka..." anya at napayakap pa sa sarili na parang kinakalibutan.
Sinapak ko siya sa balikat. Sabi ko may class ako at may respeto pero sinabi ko ring OPTIONAL. Whahaha!
"SHIAN DEMETRY ESTREBAL ALDEGUER!"
Kamuntik nakong mahulog sa upuan ko ng marinig ang buong pangalan ko. Tumingin ako sa b****a ng room namin at doon ko nakita si Jeiko.
Nanlilisik ang mata niya, but still I smiled at lumabas ng room kahit medyo kinabahan ako sa ekspresyon ng mukha niya. Ba't siya galit?
At pagkalabas ko, doon ko nakita ang babaeng paparating. Sinukbit niya kaagad ang kamay sa braso ni Jeiko.
Napapikit naman ng mariin si Jeiko at pagkamulat ay sinamaan niya ako ng tingin.
Lumapit siya sakin, "What the f**k did you text her?" mahinang bulong niya sabay sulyap sa babaeng hula ko ay si Jessie.
Oh god. Ako nga pala ang pinatext ni Jeiko buong gabi habang nagmomovie marathon kami kagabi. I delete our convo sa phone niya kaya hindi niya alam.
Napakagat labi ako at ngumisi. "Nilandi ko..." nahihiyang sagot ko.
Masyado kasi akong happy that time kaya sinubukan kong maging malandi sa text. Yung tipong mga text ng mga playboy.
Bahagyang nanlaki ang mata niya. "What kind of flirt? Why is she so obssess with me?" mariing tanong niya at nakita kong sinusubukan niyang alisin ang kamay ni Jessie.
Ngumiwi ako at nagkibit balikat, "Siguro magaling akong manglandi?" tanong ko at ngumisi.
"Seriously?!" asik niya.
I looked at Jessie and she's now looking at me, "Hi, Shian. Jessie Salvador nga pala! Your best friend's girlfriend!" pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.
Pilit akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya. "Jessie can you stop clinging? Mag-uusap kami ni Shian," sabi niya at marahas na inalis ang kamay ni Jessie sa braso.
Ngumuso lang ito. Hinila naman ako ni Jeiko medyo malayo kay Jessie.
"Did you tell her, I'm serious with her?" iritadong tanong niya. "Kanina pa ko nakikipag-break, ayaw niya!"
Umiling ako. "I didn't! It just happen to be that I'm good at it."
Lahat ata ng ka-sweetan ko, ibinuhas ko kay Jessie kagabi. Kung ano ano na nga ang tinawag ko sa kaniya. Honey, babe, whatsoever.
Hindi ko alam na ang kasweetan ko ay magpapabaliw sa isang tao. Hmmm? Paano kung maging sweet din kaya ako kay Jeiko? Baka bigla siyang ma-obssess sakin.
"Sabihin mong ako ang nagtext. Simple! O baka naman gusto mong halikan kita sa harap niya para tigilan kana niya?" mabilis na sabi ko at humalukipkip at taas noo siyang tinignan.
Strike one of Shian's panglalandi.
"Nababaliw kaba?"
I smirked. Hinawakan ko ang manggas ng polo niya at nilapit sakin. "Oh, ano? Gawin ko na?" tanong ko ulit with my flirty voice.
Strike two!!
Nanlaki ang mata ni Jeiko pero mabilis rin 'yung nawala at malakas na hinila paalis ang manggas niya sa kamay ko.
"Ano bang pinagsasabi mong babae ka? Hindi kaba nakainom ng gamot? Tsss," sabi niya at hinimas ang bandang manggas niya.
Sa reaksyon niya mukhang seryoso na nga siya at mukhang walang effect ang flirt style ko. "Sinasampolan lang naman kita kung paano ako lumandi..."
"What the f**k?" untag niya at gulat ang mata. Ngumisi nalang ako.
"Jeiko! Ano ba ang ginagawa niyo?" ngayon ay seryosong tanong ni Jessie. Nakakunot na ang noo.
"Break na daw kayo, Jessie. Clingy ka daw." mabilis kong sagot sabay ngisi sa kaniya.
Nalaglag ang panga ni Jessie sa sinabi ko at nanlaki ang mata. Sa gilid ay humalukipkip naman si Jeiko at tumingin sa malayo.
Magsasalita na sana ako ng biglang may tumili. "OMG! Si Franco may dalang bulaklak!!"
Nilingon ko kung saan nanggaling an tilian. And there I saw Franco holding a little bouquet of roses and his other hand is inside his pocket.
Kasabay nag paglakad ni Franco ng seryoso papunta sa amin ay siya ring paglabasan ng mga babae sa mga classroom na naabutan niya.
"Kyaaaaah! Para kanino kaya 'yun?"
"My gaaaad! First time itoooo!"
Napakurap ako. Ayokong mag-assume pero para sa akin kaya ang bulaklak na hawak niya? Kasi, hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya at nakahinto sa akin. Nabalot ng tilian sa corridor dahil sa mga nanonood.
Bigla 'kong naalala si Jeiko na nasa likod kasama si Jessie. Nilingon ko sila at naroon parin sila. Nakita ko rin si Pons na lumabas kasama ang iba pa naming blockmates.
"For you," anya sabay lahad ng bulaklak sa akin at sumungaw kaagad ang tipid na ngiti sa labi niya na hindi ko mawari kung totoo o hindi ang mga ngiti niya.
Gusto ko mang tanggihan, ngunit ayokong mapahiya siya sa mga tagahanga niya. Tsyaka isa pa, first time daw ito. Tinanggap ko ang bulaklak. Tutal, first time ko rin makatanggap ng bulaklak sa dati kong crush.
"T-thank you..." nahihiyang sagot ko at napakagat labi.
I looked at those students na tumitili parin hanggang ngayon at ang iba pa nga'y kinukuhanan pa kami ng picture o video. Dang!
"Are you free later?" biglang tanong ni Franco.
Bumalik naman ang wisyo ko at tumingin sa kaniya. Pakiramdam ko lumilipad ako na parang ewan. Naguguluhan ako!
"H-ha?"
He smirked and he leaned towards me. He crouched a bit para magkasing level nalang ang mukha namin.
"Will you go out with me?" sabi niya, medyo malakas, saktong lakas na pwedeng marinig ng mga taong malapit.
Napaatras ako upang lumayo sa kaniya. Tumili ang mga estudyante. Bwesit! Paano ko na to tatanggihan? Sinadya niya bang palabasin ang mga tao?
Nilingon ko si Jeiko at nagulat ako sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Syemrpre, pokerface ? Tsk!
"Franco you're so fast," sabi ko at ngumiwi.
He smirked again at humakbang palapit sakin, "So you want it slow?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko, "Wala. Wala!" sagot ko at tinalikuran na siya.
Nakita kong seryoso ang tingin ni Jeiko kay Franco. Nilingon ko si Franco at mukhang nanghahamon ang mukha. I don't know what's in there faces but it's unpredictable.
"Jeiko, is that your new girlfriend?" tanong ni Franco kay Jeiko sabay tingin kay Jessie na ngayo'y nakasimangot.
I expect that Jeiko would deny it pero bigla niyang inakbayan si Jessie at inilapit sa kaniya.
"Yeah, she is."
Kumunot ang noo ko. What the? Kakasabi niya lang kaya na nakikipagbreak na siya? Tapos...tsk! Unpredictable!
Franco smirked, "I doubt you're serious with her," anya at nilapitan ako.
Hinawakan niya ang hibla ng buhok ko, "I don't know why girls like playboys. Ikaw, Shian, do you like a guy who you knew a casanova?" tanong nito sa akin with a grin.
I looked at Jeiko na ngayo'y umigting na ang panga. Arggh! Ano ba ang binabalak ni Franco? I know there's something.
I hate playboys. Definitely. Pero, sa lagay ni Jeiko, alam ko kasing may pinagdadaanan siya.
"And I think, Shian doesn't like mysterious guys who have hidden agendas." seryosong sabi ni Jeiko sabay angat ng kanang kamay niya sa akin.
He move his index fingers twice like he wants me to come to him, "Come," utos niya sakin.
Agad naman akong lumapit sa kaniya. I was taken aback when he wrapped his arm in my shoulders. Then he grabbed the bouquet at binigay ito kay Jessie.
"Let's go." anya at hinila na ako palayo.
Rinig ko pa ang pagtawag ni Jessie kaya tumakbo kami ni Jeiko.
Hindi ko alam kung bakit masaya ako habang tumatakbo kami ni Jeiko palayo sa lahat ng strawberries.
"Why do you even like that guy?" tanong ni Jeiko habang mahina na an pagtakbo namin.
"I told you hindi ko nga siya gusto. Alam mo, ang tigas talaga ng bungo mo, e. Tsyaka hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may hidden agenda siya sakin." dire-diretsyong sabi ko, hinihingal pa.
Humalukipkip siya at seryoso akong tinignan, "Bakit? Sino ba ang gusto mo?"
"Ikaw!"
T-teka....
Anong sabi mo Shian?
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko. Napatakip ako ng bibig. This is the first time na magmumura ako...
FUCKING s**t!! DID I JUST TOLD HIM THAT I LIKE HIM!? FUCCCCKKKKK!!