*PROLOGUE*

1132 Words
Mula sa labas ng music room ay naririnig na ni Trisha ang kaniyang kapatid na si Troy. Napapangiti na lang siya sa ganda ng boses nito. Kapag narinig na niya itong kumakanta ng mga magulang nila ay ganoon na lamang ang lapad ng ngiti ng mga ito. Maswerte siya sa kambal na lalaki. Mas nauna siyang nailabas ng ilang segundo at saka naman si Troy. Marahan niyang pinihit ang seradura at binuksan ang pinto hanggang sa nakita niyang nakasuot ito ng earphones. Malapad ang ngiting i-pinakita nito. Sumenyas ito na huwag mag-iingay. Ngiting aso naman ang kaniyag i-tinugon. Hindi na nito naituloy ang pagkanta nang bigla niya itong lapitan at saka marahan na hilahin ang wind shield ng mic nito. "Ate Trisha! Have some manners." Minsan nagtataka siya kung sino ang unang nailabas sa kanilang dalawa dahil parang mas matanda ito kung umasta. Napabungisngis naman siya sa reaksyon nito. Mabilis nitong tinanggal ang earphones. "Troy kanina ka pa hinahanap nila Mama at Dad." Sa pagkakataong iyon ay agad na napalitan ang seryuso nitong mukha sa tila nababahalang paningin. "B-bakit daw?" Hindi ito sigurado sa itinanong sa kaniya kaya hinawakan niya ang kabilang balikat nito. "Relax ka lang, siguro kakausapin kalang tungkol sa business na itatayo niya sa Antipolo." Kumalma ang mukha ni Troy nang makita siya nitong napangiti. Naramdaman niya ang paghinga nito ng maluwag. "Akala ko kasi tungkol na naman to sa 'kin eh." Bahagyang napahawak pa ito sa dibdib. Natawa naman si Trisha sa sinabi ng kambal. Alam nilang dalawa kung gaano ka-strikto ang mga magulang nila pero laking pasasalamat na lang din nila na hindi sarado ang mga isipan ng mga ito tungkol sa l***q+ community. "Halika na, kanina ka pa kasi hinihintay ni dad." Nagsimula na ngang tumayo si Troy. Ilang sandali lamang at nandoon na sila sa library room ng ama. Diretsong nagtama ang paningin ng magkambal sa ama nilang abala sa pagbabasa ng ilang mga dokumento sa study table nito. Nakita rin nila ang ina na i-nihahanda ang iba pang papeles. May kung anong bumabagabag sa dibdib ni Trisha at hindi niya mawari kung anong dahilan niyon. "Take a seat," walang alinlangang sabi ng kanilang ama. Dahan-dahan silang lumapit sa ama at saka naupo sa dalawang bakanteng upuan sa harapan nito. Narinig ni Trisha na binati ni Troy ang ina. "Good morning, ma." Ngumiti naman ang kanilang ina. "Good morning, ma. G-good morning, dad." Hindi alam ni Trisha kung bakit ganoon na lamang na mag-alinlangan siya para batiin ang ama. Nag-iwas naman ng tingin si Troy sa ama at parang may takot na bumabalot sa mukha nito kung kaya't hindi nagawa ng kambal na bumati sa ama. "May sakit ka ba, Trisha?" takang tanong ng ina nang mapansin parang nag-aalinlangan siya. Kanina pa siya kinakabahan at nakakapagtaka na hindi man lang niya mahulaan kung bakit niya iyon nararamdaman. "I'm okay, ma." Pinilit ni Trisha ang sarili na maging kalmado para hindi ulit magtanong ang mga magulang. "Are you sure?" Natigilan silang dalawa ni Troy nang ang ama naman ang nagtanong. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Trisha sa kambal at sa ina. Tila hindi alam ni Trisha kung anong tamang i-sagot sa tanong nito. "She's not feeling well, dad." Mabuti na lamang at kaagad na binasag ni Troy ang katahimikang namumuo sa buong kwarto habang naghihintay ang ama sa sagot ni Trisha. Lumipat naman ang tingin ng ama kay Troy at kaagad iyong napalitan ng masamang tingin. "I'm not asking you, Troy. Manahimik ka diyan." Awtomatikong napayuko si Troy nang sabihin iyon ng ama. Pakiramdam nito ay anumang oras ay pwedeng silang bulyawan ng ama. "D-dad, I'm good." Hindi na natiis ni Trisha kaya sumagot na siya. Ayaw na niyang lumala pa ang usapan dahil lang sa hindi niya pagsagot ng mabuti. Mabuti na lamang at hindi na pinansin pa ng ama ang totoong nararamdaman niya kaya nagsimula na itong magpahayag. Hindi niya alam kung anong pag-uusapan nila. Pero pag ganitong mga usapin ay alam na niyang may kinalaman ito sa pamilya o higit pa sa isang negosyo. Inayos ng ama ang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa at saka marahang i-tinabi ang mga iyon. Umayos ito ng upo at saka nagsimulang magsalita. "Siguro naman ay may ideya na kayo kung bakit ko kayo tinawag," panimula nito. Masuyong lumapit ang kanilang ina sa tabi ng asawa at saka kumapit sa balikat nito. "Hindi na maganda ang takbo ng kompanya, at kailangan nating mag sakripisyo." Nakikinig lamang ang dalawang kambal habang iniistima ang bawat salitang ipupukol ng kanilang ama. Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ni Trisha at sa pagkakataong iyon ay mas naging tensyunado na siya. "We do understand, dad." Tugon naman ni Troy. Maigi niyang tinitigan ang mukha ng kambal at nakita niya kung paano ito makipag tagisan ng tingin sa ama. "Trisha." Muli siyang tinapunan ng atensyon ng ama. Agad na nakuha nito ang atensyon niya at saka hinintay ang sasabihin. Nakita niya ang pagbuntonghininga nito at ang malalalim na paghinga ng kanilang ina. Tila hindi gusto ng mag-asawa ang sasabihin sa kanila. "Trisha, anak, kailangan mo nang ikasal sa lalong madaling panahon." Kasabay ng kaba sa dibdib ni Trisha ay ang paulit-ulit na salitang mas lalong nagbigay kalituhan sa kaniyang isipan. Patuloy na rumerehistro sa kaniyang isipan ang salitang 'i-kasal'. "What?! No way!" Halos maihampas na ni Troy ang dalawang palad sa mesa ng ama. Nakita ni Trisha na parang lumabas ang namumuong galit sa mukha ni Troy. Kilala niya ang kambal na lalaki, pag alam nitong makakasakit ang isang bagay sa kaniya ay gagawin nito ang lahat para pigilan iyon. "Manahimik ka, Troy!" Sumigaw na ang kanilang ama at kasalukuyang nakatayo na ito. "Hon please, calm down." Nagbigay ng pangamba sa kanilang ina ang tensyon sa pagitan ng ama at ng anak nitong si Troy. "No, I wont! Hindi ako papayag na gawin niyo ito sa kakambal ko! I don't believe in arrange marriage, dad! Kaya kung pwede, 'wag mo namang hayaan na mangyari to–" hindi na naituloy pa ni Troy ang matinding saloobin nang malakas siyang sampalin ng ama. Nagsimulang humikbi si Trisha dahil sa alitan ng kakambal at ng kaniyang ama. At mas lalong tumitindi ang kaniyang pag-iyak nang mapagtantong ikakasal siya nang sapilitan. "Anak ko..." Iyon na lamang ang nasambit ng kaniyang ina at maagap siyang niyakap nito. "Kahit na anong sabihin niyo, hindi pa rin ako papayag at hindi ako sasang-ayon sa gusto niyo para sa kapatid ko!" Nag angat ng paningin si Trisha dahil sa muling sinabi ng kambal. Nakita niyang mabilis itong naglakad paalis sa kanila at marahas na i-sinara ang pintuan. Alam niya kung paano magalit si Troy. Kahit alam niyang bakla ang kapatid ay sobrang maalaga ito pagdating sa kaniya kaya sobrang swerte niya na nagkaroon siya ng kapatid na tulad ni Troy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD