*CHAPTER ONE*

1793 Words
"Okay ka lang ba, Troy?" Biglang naramdaman ni Troy ang marahan na paghaplos ng kamay ni Trisha sa kaniyang balikat. Kasalukuyan silang nasa veranda at tinatanaw ang ilan sa mga lupain nila na malapit na rin maibenta dahil sa pagka-lugi ng kompanya. Isang pilit na ngiti ang i-pinakita ni Troy kay Trisha. "Ayos lang ako, ate. Hindi ko lang talaga maintindihan si dad." Naibalik ni Troy ang atensyon sa tanawin habang pinipilit naman ni Trisha ang sarili na hindi na lamang intindihin ang sinabi ng kanilang ama. Labag man sa kalooban ni Trisha ang desisyon ng ama ay wala itong magagawa para pigilan ang plano. "Troy, may sasabihin ako. Pero sana, 'wag kang magagalit sa 'kin." Napakunot ng noo si Troy nang tingnan niya si Trisha. Napansin niyang napayuko ito. "Hindi naman siguro ito tungkol sa pagpapakasal mo, 'di ba?" Nagtataka pa rin si Troy kung bakit ganoon na lamang ang pagnanais ng ama nila na ipakasal ang kanyang kambal gayung pwede naman na magkaroon ng ibang paraan para muling paunlarin ang kanilang kompanya. Alam ni Troy na may ibang dahilan kung bakit ito ginagawa ng kanilang ama at sigurado siya na isa sa mga kaibigan nitong intsik ang mapipili para ipakasal ang kanyang kambal. Suminghap si Trisha bago tumugon sa tanong ni Troy. "Pumayag ako sa gusto ni dad." Tila isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa dalawang magkapatid. Hindi siya makapniwala sa sinabi nito. "What?! Bakit ka pumayag?!" Halos maisigaw na iyon ni Troy sa mukha ni Trisha ngunit mas pinili nitong yumuko at manahimik. Sa lumang tradisyon ng mga intsik ay alam na alam ni Troy kung paano iyon isinasagawa. Mas lalo lang siyang nahahabag sa katotohanang ipapakasal ang kanyang kapatid sa isang kasunduan na may kinalaman sa negosyo nila. Ang kanilang pagiging kabilang nila sa lahi ay isa sa mga bagay na hindi magustuhan ni Troy. "For the sake of the family!–" "No! You're putting yourself in to danger! Hindi mo alam kung anong sinasabi mo!" Halos magsigawan na sila sa veranda. "Hindi na bago ang ganitong uri ng tradisyon sa atin bilang mga chinese! Alam mong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito, Troy!" Kitang-kita ni Troy ang pagpupumilit ni Trisha na hayaan na lamang ang desisyon ng kanilang ama. Ngunit hindi maitatanggi ng mga mata nito ang buong katotohanan na labag iyon sa kalooban nito. "Ate, please... Makinig ka naman sa 'kin." Masuyong niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito. Ang akala ni Troy ay yayakap ito sa kaniya ngunit hindi iyo ang inaasahan niyang mangyari. Marahas nitong tinanggal ang pagkakahawak niya dito at saka pilit na pinatatag ang boses. "Ikaw ang makinig sa 'kin, Troy! Ate mo ako at–" "Nauna ka lang naman ng ilang segundo ah!" Agad na pinigil niya ito sa kaniyang pangangatwiran. Nakita niya kung paano natahimik ang kaniyang kambal. Sigurado si Troy na kung nasa ibang bagay lang ang kanilang pinag-uusapan ay tiyak na matatawa ito sa sinabi niya. Pero malabo iyong mangyari lalo pa at mayroon silang kainakaharap na problema. "Hindi ito ang tamang oras para sagutin mo ako ng ganiyan, Troy." Nagsimulang mabasa ang mga mata nito hanggang sa tuluyan na ngang mahulog ang mga mumunting luha nito. Huminga siya nang malalim bago muling magpahayag ng saloobin. "Alam kong napipilitan ka lang sa ginagawa ni dad, hindi ko gusto na pagsisihan mo ang mga bagay na alam mong sa una palang ay masasaktan kana. Kung may iba pang paraan para lang hindi matuloy 'tong plano ni dad, tutulong ako. Tutulungan kita, ate." Sa pagkakataong iyon ay doon lang din naramdaman ni Troy ang pagmamahal at pag-aalala para sa kambal. "Oo, Troy. Hindi ko gusto ang plano ni dad pero anong magagawa ko? Nasa puder tayo ng mga magulang natin, wala tayong ibang paraan para takasan to," nanlulumong saad nito sa kaniya. Ang bawat salitang binibitawan nito ay parang isang karayom na diretsong tumutusok sa dibdib niya. Hindi niya akalain na papayag ang kakambal sa desisyon ng kanilang ama. Pinipilit ni Troy na pigilan ang sakit na nararamdaman dahil sa ginagawa ng kanilang ama pero sadyang masakit na para sa kanya na mismo ang kapatid niya ay pumayag na rin sa plano. Unti-unti na ring nagsisilabasan ang luha sa mga mata ni Troy. "Iiwan mo ako d-dito?" Humagod sa lalamunan ni Troy ang bahagyang pagkabasag ng kaniyang boses sa huli niyang sinabi. Basa pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa mga luha. "Kailangan, Troy." Isang matatag na boses ang itinugon ng kambal at saka mabilis na inilibot nito ang mga kamay sa kanyang katawan para yakapin siya ng mahigpit. Naririnig niya ang paghikbi nito kasabay nang paggalaw ng balikat nito dahil sa matinding pag-iyak. Hindi si Troy basta-basta na susuko sa ama. Gagawa at gagawa siya ng paraan para mailigtas ang kambal na babae mula sa sapilitang pagpapakasal nito. **** Tanghali na nang magising si Trisha. Kahit na ilang oras pa ang lumipas ay hinding-hindi pa rin maialis sa isipan niya ang pakikipag-usap nila sa ama tungkol sa pagpapakasal niya. Sa pagkakaalala niya ay ayos naman ang takbo ng kompanya at sigurado siyang lahat ng gusot at problema sa sistema ng pamamalakad sa kompanya ay madali lang na maaayos ng ama kaya nakakapagtaka na pipilitin siya nitong maikasal sa kung sino man. Muli na naman siyang dinalaw ng kalungkutan. Lahat ng mga pangarap na minimithi niya ay matitigil sa isang iglap dahil sa isang kasal na kailanman ay hindi pa sumagi sa isipan niya. Mugto pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa walang humpay na pag-iyak simula noong matapos sila mag-usap ni Troy kahapon. Magulo ang kaniyang buhok at hindi man lang nag-aabala na ayusin ito. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa lahat ng bagay. Bukod sa kambal at sa pamilya ay may isa pang tao ang nagbibigay ng halaga sa kung ano ang kaya niya bilang tao. Sa lahat ng problema na mayroon siya ay malaya niya iyong nai-kwekwento sa lihim na kasintahan. Suminghap siya at saka pinahid ang mga nagbabadyang luha. Mabilis niyang tinungo ang tukadura at saka kinuha ang wallet. May isang parte doon na ang laman ay ang larawan nila ng lihim na kasintahan. Mas lalo siyang nanlumo nang mapagtantong hanggang sa pagiging palihim na magkasintahan na lang ang pwede niyang ibigay sa taong madalas siyang bigyan ng higit pa sa pagmamahal na inaakala niya sa tanang buhay niya. Habang tumatagal ay nagsisimula na naman siyang umiyak. Walang kakayahan si Trisha na ipakilala ang nobyo sa pamilya nila dahil mas gusto ng pamilya niya na makapag asawa siya ng isang intsik na katulad nila ang estado sa buhay. Kilalang-kilala na niya ang buong angkan ng mga Feng at kapag nalaman ng mga ito na may karelasyon siya na hindi isang mayamang intsik ay hindi lamang siya ang isusumpa at paparusahan kundi pati na rin ang nobyo. Galit at lungkot ang namumuo sa kaniyang pagkatao at para bang wala siyang balak na magkaroon ng dahilan na tumigil sa pag-iyak. Iniisip niya pa lang na mapapalayo na siya sa nobyo ay parang nawawalan na siya ng pag-asa na maranasan man lang ang maging malaya at magkaroon ng sariling desisyon sa buhay. Tanging siya lamang ang may alam na meron siyang karelasyon. Kahit ang kambal niyang si Troy ay hindi alam. Madalas siyang lumabas para palihim itong kitain sa kung saan man nila gustong magkita. Mabuti na lamang at hindi na siya pinapasundan ng mga magulang. Nakita niya na lamang ang sarili na masuyong hinahalikan ang larawan nilang dalawa ng nobyo habang patuloy pa rin sa pangingilid ang kaniyang mga luha. "Mahal na mahal kita, Brandon." Mabilis niyang ibinalik ang maliit na larawan sa wallet niya at saka iyon i-tinago. Humarap siya at naupo sa tukadura. Pinagmasdan niyang maigi ang kaniyang sarili sa salamin at saka pinatatag ang bawat lakas na mayroon siya bilang babae. Wala siyang ibang iniisip kundi ang sinabi ng ama na kailangan niyang magsakripisyo para sa pamilya. Masakit man para sa kaniya ang gagawin ay pipilitin niyang mangyari ang bagay na iyon. Napapaisip na rin siya, na kapag mangyari nga iyon ay tuluyan na nga niyang iiwan ang pamilya. Matatagalan bago sila magkita pati na rin ang kambal niyang si Troy. **** Napansin ni Troy na kanina pa pabalik-balik si Trisha sa kwarto nito. Pangalawang beses na niyang lumabas mula sa kaniyang silid at kapansin-pansin ang pagiging balisa ni Trisha na siya namang i-pinagtataka ni Troy. Halatang-halata ang pagiging balisa nito. Hindi na siya nakatiis at nilapitan na niya ito. "Ate may lakad ka ba?" Bahagyang ikina-gulat nito ang pagsulpot niya. Ilang araw na rin ang lumipas mula noong araw na ini-hayag ng ama ang napipintong kasal ng kapatid. "M-may p-pupuntahan lang ako," pati sa pagtugon nito sa kaniya ay halatang hindi maayos ang lagay nito. Nag-aalala na siya para sa kapatid. Hindi na niya kaya ang sitwasyon na kinakaharap nito. Halatang mugto ang mga mata at puyat sa kakaisip sa mga nangyayari. Bigla niya itong niyakap. Tila nabigla ito sa ginawa niya pero kalaunan ay naramdaman na rin niya ang mga kamay nitong naglandas sa kaniyang likod. "Sasamahan kita, ate–" "No!" Nabigla siya nang pasigaw siya nitong sagutin pero hindi na lang niya iyon pinansin at inisip na lamang ba mayroon itong matinding pinagdadaanan. "Sasama ako para makasiguro akong ligtas ka." Sa pangalawang beses na paghingi niya ng permiso ay parang hindi ito sigurado sa isasagot at kapansin-pansin ang mga mata nitong hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Doon lang niya napagtanto na mayroon itong hindi sinasabi. Saglit pa itong huminga nang malalim at saka marahan na hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Tutal ikakasal na rin naman ako, dapat ko na sigurong sabihin ang totoo." "Anong totoo?" Mabilis na nagtagpo ang kaniyang magkabilang kilay dahil sa sinabi ng kapatid. "May boyfriend ako, Troy. Hindi ko sinabi sa 'yo kasi natatakot ako na baka magalit ka, na baka pagbawalan ako nila mama." Nakatingin lang ito nang deretso sa kanyang mga mata at maiging hinihintay ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito. Sa isang iglap ay parang umurong ang kaniyang dila at parang napigil ang kaniyang hininga. Hindi niya alam kung anong unang magiging reaksyon sa sinabi ng kapatid. May parte sa kaniyang utak ang nagtatanong kung dapat ba siyang matuwa dahil magkakaroon ng dahilan si Trisha na hindi matuloy ang kasal o ang piliin na magalit sa kapatid dahil sa paglilihim nito sa kaniya. "Bakit hindi mo sinabi agad?" May halong pagtatampo at lungkot sa boses ni Troy. Hindi pinansin ng kapatid ang tanong niya. Bigla nitong hinila ang kamay niya at saka nagsalita. "Sa ngayon, wala na tayong oras. Kailangan na nating umalis para maabutan pa natin si Brandon." Hindi na siya nakapagsalita dahil sa ginawa ng kapatid. Nakita na lang niya ang sarili na hila-hila kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD