*CHAPTER TWO*

2097 Words
Tanghali na nang magising si Troy. Kagabi bago matulog ay ipinagdasal niya na sana ay panaginip na lang ang lahat nang nararanasan ng kaniyang kapatid. "Troy, anak!" Nagulat siya nang marinig ang pagsigaw ng kaniyang ina mula sa labas ng kaniyang kwarto. "Troy!!! Buksan mo ang pinto!" Sa pangalawang beses na pagtawag nito sa kaniyang pangalan ay nakaramdam na siya ng kakaibang kaba. Nagmadali siyang kumilos para pagbuksan ang kaniyang ina. "Ma! Bakit?! Anong nangyari?!" Iyon mismo ang lumabas sa kaniyang bibig nang pagbuksan niya ang kaniyang ina. Ilang saglit itong napatitig sa kaniya at saka siya biglang niyakap. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kilos ng kaniyang ina. Tila may kung anong mabigat itong dinadala. Ilang sandali pa at naramdaman na niya ang matinding paghikbi nito sa kaniyang balikat. "Anak, nawawala si Trisha..." Parang umalingawngaw sa kaniyang tainga iyon. "H-ha?!" natataranta niyang tanong. Umiling la ito na parang hindi alam kung paano tutugon sa kaniyang tanong. Mabilis ang kaniyang naging kilos at agad na tinungo ang kwarto ng kaniyang kapatid. Nagulat siya nang makita niya sa loob ng kwarto ni Trisha ang kaniyang ama. Sa tantiya niya ay galit na galit ito. Hindi niya maintindihan kung bakit nawawala ang kaniyang kapatid gayung ito pa mismo ang may nais na maikasal at mag sakripisyo para sa pamilya nila. "'wag mo nang balakin na magtanong sa 'kin, Troy. Lumayas ang kapatid mo. Tinakasan niya ang lahat ng responsibilidad niya sa pamilya natin," galit nitong sabi. Naguguluhan si Troy sa kaniyang nararamdaman. May parte sa kaniyang utak ang nagpapasalamat dahil nagawa na ng kapatid niya ang ipaglaban ang sarili. Pero hindi tama ang kaniyang nararamdaman. Hindi sang-ayon ang kaniyang nararamdaman sa pag-alis ng kaniyang kapatid. Bukod sa kadahilanang gusto nitong takasan ang utos ng kanilang ama ay nangangamba siya dahil hindi sigurado si Troy kung ligtas nga ang kaniyang kapatid. "Kung ginawa man 'yon ni ate, naiintindihan ko siya." Dahil sa kaniyang sinabi ay sumama ang tingin ng kaniyang ama. Bigla itong lumapot at saka siya hinarap. "Ginagawa namin ng mama mo ang ikabubuti niyong dalawa!" sigaw nito kay Troy. "Kahit kailan ay hindi naging mabuti ang panghimasukan niyo pati ang mga gusto ni ate! Pati na rin kung sino ang gusto niyang mapangasawa!" Nilakasan na ni Troy ang kaniyang loob para sabihin ang kaniyang nararamdaman. Tila hindi naman ito makapaniwala sa akniyang inasal. Alam ni Troy na mali ang sumigaw sa harap ng kaniyang ama pero dahil sa nararanasan ng kaniyang kambal na babae ay hindi niya hahayaan na masaktan ito ng paulit-ulit. "Alam ko kung ano ka, Troy. Pero tinanggap pa rin kita kasi anak kita! Kung ang ibang mga magulang na nagkakaroon ng baklang anak ay tinatakwil sila, sa 'yo ay hindi ko ginawa dahil anak pa rin kita!" Natahimik siya sa sinabi ng kaniyang ama. Sa puntong iyon ay kusang umatras ang kaniyang dila. Lahat ng sinabi nito ay tama. Pero ang sitwasyon sa ngayon ay tungkol sa kapatid niya kaya kahit na anong paraan pa man ay gagawin niya. Makalaya lang ang kapatid sa kagustuhan ng kaniyang ama. "Dad, nakikiusap ako sa 'yo... Tigilan mo na ang pamimilit mo kay ate na ikasal sa taong hindi naman niya gusto," pagmamakaawa niya dito. Nakita niyang umiwas ito ng tingin at tila hindi man lang nito naramdaman ang kaniyang pagmamakaawa. "Buo na ang desisyon ko, Troy. Hinding-hindi 'yon magbabago. Pamilya Feng at ang kompanya natin ang nakasalalay dito," galit na saad nito. Napalitan na naman ng galit ang emosyon na nararamdaman ni Troy. "Dad, mahalaga pa ba sa 'yo ang kompanya kung pati buhay ng anak niyo, nasisira niyo na?" Sa puntong iyon ay tuluyan nang nag-unahan na magsi-labasan ang kaniyang mga luha. Walang sinabi ang kaniyang ama. Nilampasan siya nito at saka umalis ng kwarto. Halos masapo na ni Troy ang kaniyang noo dahil sa sobrang bigat ng kaniyang nararamdaman. Perp higit na mas nasasaktan ang kaniyang kapatid dahil sa ginagawa ng kanilang ama. Naagaw ng isang puting papel ang kaniyang atensyon nang tingnan niya iton. Nakapatong doon ang isang ballpen. Naisip niya na sulat iyon na ginawa ni Trisha kaya mabilis niya iyong kinuha at saka binasa. Dad, Una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil naging ama kita. Pero dad, hindi ko na po kaya ang lahat ng pinapagawa niyo sa 'kin. May nakilala po akong lalaki. Minahal ko siya dahil tanggap niya ako kahit na alam niya ang tungkol sa tradisyon natin. Pasensiya na dad kung tatakasan ko ang lahat ng 'to. Wala na po kami ng boyfriend ko. Dad, nandiyan pa rin naman si Troy para alagaan kayo ni mama kaya sana mapatawad niyo ako. Trisha. Habang binabasa niya iyon ay patuloy sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Mas lalong nabuhay ang galit ni Troy para sa ama. Alam niyang tanggap siya nito kung ano siya pero mas gugustuhin pa niyang itakwil ng kaniyang ama kaysa makita na nahihirapan ang kaniyang kapatid. Kung tumakas nga ang kaniyang kapatid, sigurado siyang magiging masaya ito kahit na mag-isa. Ngayon ay mas naiintindihan niya na umalis ang kaniyang kapatid. Para kay Troy ay mas mabuti na ginawa nito iyon kaysa ang sapilitan ito na maikasal sa taong hindi nito gusto. Darating din ang tamang panahon para ma-kumusta niya ang kapatid. Sa ngayon ay hahayaan na muna niya itong mag-isa dahil batid niyang ito ang kailangan nito sa ngayon. Wala na rin siyang ibang gagawin kundi sundin ang sinabi ng kapatid. Patuloy niyang aalagaan ang kanilang mga magulang kahit na alam niyang mahirap para sa kaniya na tanggapin ang gusto ng kaniyang ama. Sigurado siya na hindi matatahimik ang kaniyang ama hangga't hindi nahahanap si Trisha. Gagawin nito ang lahat mahanap lang ang kapatid. Ang ganoong bagay ay kaniya ring paghahandaan. Kailangan niyang protektahan si Trisha sa kahit na anong paraan na alam niyang pwedeng gawin. Batid niya rin na walang magagawa ang kaniyang ina dahil sumusunod lamang ito sa desisyon ng kaniyang ama. **** Maiging tinititingnan ni Troy ang sarili sa harap ng salamin sa kaniyang kwarto. Isang pormal na damit ang kaniyang suot dahil gusto siyang isama ng mga magulang sa isang pagdiriwang. Hindi niya alam ang kabuuan ng detalye kaya sinunod na lamang niya ang ina na suotin ang ibinigay nitong damit para sa kaniya. Habang patuloy niyang tinitingnan ang kaniyang suot sa salamin ay tinatanong niya ang sarili kung dapat siyang matuwa dahil maganda naman sa kaniya ang suot na dark blue long sleeve. Mas nananaig pa rin sa kaniya ang kalungkutan. Patuloy siyang dinadalaw ng kaniyang kaba dahil tatlong araw na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang balita mula sa kapatid simula nang umalis ito sa kanilang bahay. Hanggang ngayon ay iniisip na lamang niya na maayos ang kalagayan nito. "Troy, anak? Lumabas ka na diyan. Hinihintay na tayo ng dad mo sa kotse." Bahagya siyang nagitla nang marinig ang boses ng kaniyang ina sa labas ng kaniyang kwarto. Nang matapos siya sa pagbibihis ay kaagad din naman siyang lumabas ng kwarto. Tumalima siya at saka naunang maglakad patungo sa kotse. Walang imik siyang pumasok sa kotse. Naroon na ang kaniyang ama at hinihintay na lamang nila na pumasok ang kaniyang ina. Hindi naman nagtagal at nakapasok din naman ito. Nagsimulang buhayin ng kanilang personal driver ang makina ng sasakyan hanggang sa umandar na nga ang kotse. Simula nang pareho silang makapagtapos ng kaniyang kapatid sa kolehiyo ay hindi na tumigil ang kanilang ama na ipakilala sila pareho sa mga business partners nito. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na parehong kurso ang ginusto ng kanilang ama na kunin nila. Ang lahat ng kanilang inaaral ay may kinalaman sa pagnenegosyo kung kaya't hindi niya maitatangging nahirapan din siya. Mabuti na lamang at masipag siya mag-aral kaya na-kaya rin niya. Habang nasa biyahe ay wala man lang siyang narinig na kahit na anong salita mula sa kaniyang mga magulang. Nagtataka siya na ganoon ang ikinikilos ng kaniyang mga magulang. Pero batid niyang wala naman siyang magagawa sa desisyon ng mga ito sa kaniya at sa kapatid. "Dad, nahanap niyo na po ba si Trisha?" Sa wakas ay naitanong niya rin dito. Isang masamang tingin ang ibinaling nito sa kaniya kaya. "Kung alam mo, sabihin mo na," galit na saad nito. Naitanong lamang niya dito dahil tila hindi na ito nag-abala na tanungin siya kung nasaan ang kaniyang kapatid. "Wala akong alam, dad," agad na tugon niya dito. Kahit na may alam siya ay hinding-hindi rin naman niya itataya ang kaligtasan ng kapatid. Pakiramdam niya ay tila ang sarili pa niyang pamilya ang kinakatakutan ni Trisha. Nakita niyang muling sumama ang tingin ng kaniya ama. "Tinakasan niya ang responsibilidad niya... Ngayon nakahanda akong itakwil siya. Kaya kong siyang hindi kilalanin na anak." Itinuon nito ang paningin sa labas ng sasakyan at tila may kung anong malalim na iniisip. Hindi na siya nagsalita at hinayaan na lamang na dalhin ng kaniyang antok ang malalim na iniisip. Pakiramdam niya ay kulang ang kaniyang pahinga sa mga nagdaang araw dahil sa pag-alis ng kaniyang kapatid. **** Tinatanaw lamang ni Troy ang kaniyang mga magulang habang abala ang mga ito sa pakikipag-usap. Hindi na bago iyon kay Troy. Ilang beses na rin siyang dinala ng mga ito sa mga pagdiriwang at batid niyang mga mayayaman at kilalang mga tao ang dumadalo. Kanina noong nasa kotse siya ay dinalaw siya ng antok hanggang sa maka-tulog na nga siya. Akala niya ay mababawasan ang kaniyang lungkot na nararamdaman pero nananatili pa rin ang kaniyang pag-aalala para sa kapatid. Inilibot niya ang kaniyang paningin at saka pa lang niya nakita ang ilan sa mga tao na kasing-edad lamang niya. Pakiramdam niya ay tanging siya lang ang anak ng mayaman na walang kaibigan. Mabuti sana kung kasama niya si Trisha para kahit paano ay maka-kwentuhan siya. "Son!" Awtomatikong napunta ang kaniyang tingin sa kaniyang ama na ngayon ay naka-ngiti na sa kaniya. Alam naman niyang pinipilit nitong ngumiti dahil kasama nito ang mga kaibigang negosyante. Agad siyang gumawa ng malalaking hakbang agad na lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Pakiramdam ni Troy ay sinalo niya ang lahat na responsibilidad bilang isang anak. Kung noong una ay madalas na tawagin ng kaniyang ama si Trisha, ngayon naman ay parang siya na ang eeendorso nito sa mga kaibigan. "Aba, Yuan Feng, malaki na pala itong si Troy." Narinig niya ang masiglang sabi ng isa sa mga kaibigan ng kaniyang ama na si Mister Wang. Ngumiti siya dito at sa tatlong pang katabi nito. Kasalukuyan namang nakaakbay ang kaniyang ama sa kaniya habang malapad ang ngiti nito. Katabi rin nito ang kaniyang ina. "I am very sure na si Troy na ang susunod na mamamahala sa kompanya ng mga Feng," nakangiting sabi ng kaniyang ama. Hindi niya mapigilan ang mahiya sa mga kausap nito. "Pero mukhang hindi niyo yata kasama si Trisha?" Narinig niya ang sinabi ni Mister Dao na ngayon ay inilibot ang paningin at nagbabakasali na naroon lamang ang kaniyang kakambal at abala sa pakikipag-usap sa mga anak nito. "May sakit si Trisha kaya hindi na siya sumama," biglang saad ng kaniyang ama na agad din namang sinang-ayunan ng kaniyang ina. Kahit na ano pa ang gawin ng kaniyang ama ay hindi nito maitatago ang katotohanan na nasaktan nito ang sariling anak. Napansin na lamang ni Troy na napatango si Mister Dao sa sinabi ng kaniyang ama. "Darating na ang anak ni Emperor Jeen na siyang susunod na Emperor ng Impermissible City sa China. Naku, Mister and Mrs. Feng, sigurado na mapapabilang ang anak niyong si Trisha sa Imperial harem. Sa ganda ng anak niyo ay sigurado ako na mas mataas pa ang kaniyang posisyon pag nagkataon..." Nakikinig lamang si Troy habang sinasabi iyon ni Mister Wang. Narinig naman niyang pilit na tumawa ang kaniyang ama pero dama niya ang matinding galit nito dahil sa ginawa ng kaniyang kapatid. Ngayon na narinig nitong muli ang tungkol sa nakatakdang pagkikipag-isang dibdib ng kaniyang kapatid sa Emperor ay mas lalo lamang nagbigay ng iritasyon sa ama. Alam ni Troy kung paano isagawa ang ganoong uri ng tradisyon. Sa Impermissible City sa China, kapag ginanagawang Kalunya ang isa sa mga anak ng mga negosyante ay hindi matatawag na kasal kundi isang kasunduan na may matatanggap na kayamanan at kapangyarihan ang pamilya ng isang Kalunya kapalit ng posisyon nito sa lugar ng Impermissible City bilang isa sa mga Kalunya o mas kilala bilang kerida ng Emperor upang isilang ang magiging Prinsipe at Prinsesa ng palasyo at naka-depende iyon kung sino ang una na magsisilang ng sanggol. Kaya kailanman ay hindi niya nanaisin na maging ganoon nag uri ng pamumuhay ng kaniyang kapatid na si Trisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD