Kasalukuyang nasa isang gallery exhibit si Troy at maiging tinititigan ang mga kuwadro na gawa. Ilang araw na rin ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Trisha. Hindi na rin niya alam kung hanggang kailan siya maghihintay para lang magkaroon ng balita mula sa kapatid.
"Gusto niyo po ba 'to?" Naagaw ang atensyon ni Troy nang bigla siyang tanungin ng isang babae. Nahihiyang siyang ngumiti dito at saka nagsalita.
"This actually nice," saad niya at saka marahan na hinawakan ang painting na nasa harapan niya. Kung papapiliin si Troy sa lahat ng paintings na naroon ay sigurado siyang iyong hawak niya mismo ang bibilihin. Pero alam niyang may kamahalan iyon dahil kung titingnan pa lang ang hitsura at ang pagkagawa, halatang mamahalin ang ginamit na kasangkapan at hindi basta ordinaryong kamay ang gagawa ng ganoong obra.
"Sa totoo lang, itong sakura blossom lang yata ang may pinakamagandang tekstura sa lahat ng paintings na narito." Napangiti siya dahil sa sinabi ng babae. Hindi pa man din niya sinasabi ay sang-ayon na ito sa kaniya.
"Napansin ko rin..." tugon naman niya dito.
"Bilhin niyo na po," nakangiting alok nito sa kaniya. Kung may sapat lang siyang pera ay kanina pa niya ginawa ang sinabi ng babaeng nagtitinda.
"I just can't... Pero kung may pera lang ako, bakit hindi..." Hindi mapigilan ni Troy na ramdamin ng kaniyang palad ang painting. Tila nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam habang masuyo niyang hinahaplos iyon.
"Gawa ito ng isang sikat na si Roen." Bigla siyang napatigil sa ginagawa at awtomatikong tinapunan ng tingin ang babae. Gulat ang mukha ni Troy sa sinabi ng babae.
"S-si Roen ang gumawa nito?" nauutal niyang tanong at saka naman ito tumango. Naging mabilis ang kilos ng babae at kaagad nitong ipinakita kay Troy ang lagda ni Roen sa likod ng painting. Inisip ni Troy na baka nagbibiro ito pero nang makita niya ang pangalan at lagda ni Roen ay doon lang siya lubos na nagulat.
Lahat ng obra na ginagawa ni Roen at talaga namang panalo para kay Troy. Isa ito sa kaniyang mga hinahangaan kung kaya't kahit ang social media accounts nito ay nakaabang na rin siya.
"Opo... Si Roen po talaga ang gumawa nito at sa totoo lang po, pupunta po siya dito para tingnan kung may nakabili na sa isa sa mga gawa niya... Kabilang na rin po itong sakura blossom," nakangiti nitong paliwanag.
Mas ikinabigla ni Troy ang sinabi nitong papunta si Roen sa exhibit. Ngayon na niya makikita ang mukha ni Roen. Kahit kailan ay hindi ito lumantad sa publiko. Lahat ng accounts nito sa social media ay naka-profile lamang ang mga gawa nitong obra.
Ngayon ay may mas maganda siyang dahilan para magtagal sa gallery exhibit.
"I-ibig sabihin makikita ko siya?" Nagpipigil ng tuwa si Troy. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang painting na hawak ng babae at saka deteminadong nagsalita.
"I'll buy it," saad niya. Dahil sa sinabi niya ay nakita niya ang malapad na pagngiti ng babae. Mabilis nitong inilahad sa kaniya ang painting.
"That's 200 dollars," masayang sabi ng babae. Halos manlumo siya dahil sa presyo ng painting. Hindi niya alam kung kakayanin ng bulsa niya ang presyo. Isa na lang ang alam niyang paraan para mabili ang painting ni Roen. Iyon ay ang gamitin ang kaniyang bank account.
"Can I buy it through my bank account?" tanong niya dito. Mabilis na ngumiti ang babae at saka sunod-sunod ang pagtango nito.
Doon lang siya nabuhayan ng loob. Ngayon ay maiuuwi na rin niya ang sakura blossom na gawa ni Roen. Pero hindi siya uuwi hangga't wala silang litrato ni Roen. Ngayon ang tiyansa niya na makilala at makita sa personal ang kaniyang hinahangaan.
Nang mabayaran na niya ang painting ay saka siya naghintay sa loob ng gallery exhibit para makita si Roen. Habang tumatagal mas lalo siyang kinakabahan. Ang lahat ng nasa loob ay maiging naghihintay at umaasa na makita si Roen sa personal at kabilang na siya doon.
"Ilang minuto na lang at darating na rin po si Roen," masiglang saad ng babae kaya mas lalo siyang nabuhayan ng loob na makita si Roen.
Lumipas ang dalawang minuto nang marinig niyang may kung sinong tao ang nag announce. Lahat ng tao ay nakikinig at nakatuon ang atensyon sa speaker.
"We're very sorry, Mr. Roen won't be here for this event. He has an important meeting to attend. Pasensiya na sa mga nagbakasakali na makita si Roen." Nanlumo si Troy sa announcement. Ang totoong dahilan kung bakit niya binili ang painting ay para magkaroon siya ng dahilan na makalapit at makapagpa-picture man lang dito.
Pero ngayon na sinabi na ng announcer na hindi na makakapunta si Roen ay tila gumuho ang buo niyang pag-asa para lang mahawakan ito.
"Pasensiya na po..." Halos mahiya ang babae nang tingnan niya ito. Kahit na masama ang loob ni Troy ay pinili pa rin niya na ngumiti kahit pilit lamang iyon.
"Ayos lang... Maybe next time..." Hindi maintindihan ni Troy kung bakit ganoon na lamang siya biglang nalungkot. Nakita ni Troy kung paano nahiya ang babae.
"Iwan niyo na lang po dito ang contact number niyo, para kung sakali na magkaroon ulit ng event ay matatawagan ko po kayo kaagad," suhestiyon nito. Kahit na ganoon ay gumaan din ang kaniyang pakiramdam dahil sa sinabi ng babae.
"Talaga? Sige, iwan ko dito contact number ko." Agad niyang sinulat sa isang kapirasonv papel ang pangalan at agad na binigay sa babae. Para kay Troy ay mas mabuti na ang ganoon. Kahit hindi niya makita si Roen sa ngayon ay may ibang araw pa naman para makita niya ito ng personal.
"Makakaasa po kayo na tatawagan ko po agad kayo kung sakali na may event po atkung dadalo siya." Napangiti siya sa babae. Bitbit na rin niya ang painting na maiginv nakabalot sa isang papel at inilagay pa iyon sa isang bag.
"Tapos i-text mo ako kung may mga bago siyang painting ha?" Sinigurado ni Trot na gagawin nito ang sinabi niya. Sunod-sunod naman ang pagtango nito bilang tugon sa sinabi niya. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng exhibit gallery.
****
"Sir Roen? Your papa is calling..." Ilang beses na iyong sinabi ng kaniyang personal assistant at literal na naririndi na siya.
"How many times do I have to tell you that I'm still busy? I have to attend the gallery exhibit. Nandoon ang mga paintings ko at gusto kong magpakilala sa mga taong sumusuporta sa akin!" Hindi na napigilan ni Roen ang mairita at sigawan ang kaniyang assistant.
"I'm sorry sir," pagpapasensiya nito.
Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse at maski siya ay abala sa paggawa ng kaniyang speech para sa sasabihin sa mga tao. Maraming beses na rin siyang nakatanggap ng iba't ibang awards tungkol sa pagiging malikhain niya sa sining.
Ngunit ang lahat ng kaniyang tinatamasa ngayon ay balewala lamang sa ama. Alam niyang galit ito sa kaniyang ginagawa at hindi rin lingid sa kaalaman niya ang gusto nitong mangyari para sa buhay at responsibilidad niya.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo at nagbabakasakali na maalis ang malalalim na iniisip.
Sa huling pagkakataon ay ang cell phone na niya mismo ang tumunog. May kung anong kaba siyang naramdaman nang makita ang pangalan ng ama sa screen ng kaniyang cell phone. Kahit na naiinis na siya ay sinagot niya pa rin ang tawag nito.
"Kapag hindi ka pa magpakita dito sa meeting, sisiguraduhin ko na wala ka nang aabutan diyan sa gallery exhibit mo na 'yan." Hindi nga siya nagkamali. Talagang gagamitin nito ang kapangyarihan bilang isang mayamang negosyante at bilang isa sa mga natatanging tao.
Wala siyang pwedeng pagpilian kundi ang sundin ang kaniyang ama. Napakuyom siya dahil sa galit at mariin na nagsalita.
"I'll be there." Pagkatapos na magsalita ay agad niyang pinatay ang tawag. Tagpo ang kaniyang mga kilay habang malalim na nag-iisip.
"Let's go back," walang emosyon niyang sabi sa driver ng kaniyang kotse. Kaagad itong tumalima nang sabihin niya iyon.
Habang pabalik na siya sa kinaroroonan ng kaniyang ama ay biglang naramdaman ni Roen ang pagbagal ng pag-andar ng kotse kaya masama siyang napatingin sa driver.
"May problema?" Alam ni Roen na dahil san kaniyang ama ay unti-unting nabubuhay ang kaniyang inis sa sarili. Ni hindi niya kaya na suwayin ang ama sa mga gusto nitong mangyari sa kaniyang buhay. Lahat susundin nj Roen pero hinding-hindi ang yapak nito.
"Sir Roen pasensiya na... Biglang nawalan ng hangin ang gulong ng kotse," kinakabahang paliwanag ng driver.
Hindi na malaman ni Roen kung bakit niya nararanasan ang ganitong uri ng kamalasan sa buhay. Hindi niya gusto ang maging mayaman pero iyon ang kapalaran na kaniyang kinakaharap sa ngayon at ang pilitin siya ng kaniyang ama sa gusto nito ay malaking kahibangan para sa kaniya.
"Matagal ba bago maayos 'yan?" iritadong tanong niya dito.
"Mabilis lang ho ito," mabilis nitong tugon at saka bumaba ng kotse para ayusin ang gulong.
Habang nasa gilid ng kalsada ay naagaw ng kaniyang atensyon ang isang lalaki na may bitbit na isang bag. Nakita niya sa bag ang kaniyang pangalan. Sigurado siyang may binili ito na isa sa kaniyang mga obra.
Dali-dali siyang bumaba ng kotse at inihanda anv ngiti para salubungin ang lalaki. Nang makalapit na siya ay bigla itong napatingin sa kaniya. Diretsong nagtama ang kanilang paningin. Hindi akalain ni Roen na sa tagal na niyang nagpipinta ay may mga taong nakasubaybay para suportahan siya.
"Hi!" masigla niyang bati dito. Bahagya itong nagulat dahil sa inasal niya. Napaatras ito at saka agad na inilagay sa likod nito ang kaniyang nakita na painting.
Dahil sa tuwa ay mabilis siyang nakalapit sa lalaki na sa tantiya niya ay mas maliit lamang ng kaunti kaysa sa kaniya. Agad niya itong niyakap. Hindi na rin niya napansin na nakahawak siya ng mahigpit sa kamay nito.
"S-sino ka?! Bitawan mo nga ako!" Dahil doon ay awtomatiko niyang binitawan ang kamay nito. Napagtanto ni Roen ang kaniyang nagawa kaya humakbang ulit siya para makalapit at humingi ng pasensiya pero laking gulat niya nang may sabihin ito.
"Lumayo ka sa 'kin! You! Pervert!" Sigaw nito. Hindi siya makapaniwala sa inasal at sa sinigaw nito. Hindi alam ni Roen kung matutuwa ba siya o maiinis sa sinabi nito.
Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito at saka nagpatuloy na humakbang palapit dito.
"No, it's not what you think... I just want to–" Magpapaliwanag pa lamang siya nang sumigaw na naman ito.
"You want to harass me?! Or do you want to steal this!" Agad nitong inangat ang dala nitong bag na laman ang painting.
"No! I just want to–"
"'wag ka nga kasing lalapit! Lumayo ka!" sigaw nito. Unti-unti na ring nabubuhay ang iritasyon ni Roen. Hindi niya magawang magpaliwanag dahil sa matindi nitong pagsigaw.
"Let me explain!" Napasigaw na si Roen at tila nagbigay naman iyon ng takot sa lalaking kausap.
"Ganiyan ang modus niyong mga rapist kayo! Magkukunwari kayong nakasuot ng disente a pero masahol pa kayo sa hayop! Kahit sino na kagaya mo ay pumapatol kung kani-kanino!" Halos masabi ba ni Roen na naghyhysterical na nga ang lalaki at tila gulat at takot pa rin sa kaniyang presensiya.
"I'm not a rapist! I just want to tell that I'm the one who painted that!" Agad na i-tinuro ni Roen ang bagay na bitbit nito mula sa likod.
Ilang segundo itong nag-iisip at pinapakiramdaman ang kaniyang presensiya. Sa totoo lang ay hindi rin naman niya masisisi ang tao dahil sa inasal niya. Sadyang hindi lang talaga makapaniwala si Roen na may kagaya sa lalaking nakasalubong niya na tumatangkilik pa rin sa istorya niya.
"I-ikaw si R-roen?!" gulat nitong tanong. Sunod-sunod ang kaniyang pagtango bilang tugon. Narinig niya ulit itong nagsalita.
"Ikaw ang nagpinta nitong sakura blossom?" Muli na naman siyang tumango sa tanong nito. Kahit si Roen ay hindi makapaniwala na ito ang makakabili sa paborito niyang painting.
Naagaw nito ang kaniyang atensyon dahil sa pisikal na anyo nito. Hindi mapigilan ni Roen na titigan ito mula ulo hanggang paa at bawat pasada niya ng tingin ay parang may mumunting kagalakan sa kaniyang dibdib.
pero nagpatuloy pa rin ito sa pagsigaw.