ONE

703 Words
Bull's eye! Maligayang alingawngaw ng wolf ni Prinsesa Frenelyn o mas kilala sa pangalan na Eskovar sa mundo ng mga tao. She's a legendary sniper. Eskovar ang pagkakakinlanlan sa kanya bukod sa pangalan niyang iyun walang nakakaalam kung sino siya..na isa siyang babae. Isang babaeng sniper na hinahangaan ng buong Sentinel Arm forces. Maliban sa matandang heneral na si Gen.Arturo lang ang nakakakilala sa kanya..isa sa humahanga sa kanyang ama na si Haring Blaz;na siyang dating kapitan ng Sentinel Arm Forces. Hinayon ng matatalas niyang mga mata ang mga napatumba niyang target;mga rebelde na nagkukuta sa isang tagong kagubatan na milya ang layo mula sa kinaroroonan niya. Mission accomplished! Napangisi si Prinsesa Frenelyn ng makitang wala ng rebelde na kailangan niyang patumbahin. Ang mga kasamahan niya ay abala na sa pagdampot sa mga napatumba nila. Napukaw siya ng may komonekta sa suot niyang earpiece, ang matandang Heneral. "Good job,Eskovar! The Sentinel Arm forces owe you again for the nth time!"puno ng paghangang bungad ng heneral. Nagkibit lang ng balikat ang prinsesa. Mula sa pagkakadapa niya sa makapal na damuhan tumihaya siya at tiningala ang kalangitan na papadilim na. Napukaw siyang muli ng tumawa ang heneral. "Nanawa ka na siguro sa mga papuri ko ano?..pero napakaswerte ko at isang karangalan na makatrabaho ang kaisang-isang anak ni Captain Blaz Fetzeir,he's so lucky to have a daughter like you,Ms.Frenelyn Fetzeir," anang ng heneral. Ipinikit niya ang mga mata. Bigla niya namiss ang kanyang ama at ina. Kung sana lang madali matagpuan ang mate natin,mahal na prinsesa.. Naalala niya ang tinanong niya sa dating panginoon kung paano niya malalaman kung sino ang itinakda sa kanya ng propesiya. "Paano ko malalaman na siya nga ang mate ko? Ang sabi ni ama..nalaman niya na mate niya si ina ng magkaroon sila ng physical contact..ganun din ba ang akin?"agad na pagtatanong niya sa dating panginoon na nakaabang sa labas ng mahiwagang talon. Ngumiti ang dating panginoon at tinuro ang tapat ng puso nito. " Dito,mahal na prinsesa..sa oras na makita niyo siya bibilis ang t***k ng puso niyo na higit pa sa normal na pagtibok ng puso niyo ngayon,"anang ng dating panginoon. Tumango-tango siya. Wala na siya dapat pang usisain dahil mismo ang puso na pala niya ang magsasabi. That's so easy to know her mate. "Heto,nandirito ang mga kakailanganin niyo habang nandito ka sa mundo ng mga tao,kinagagalak kong makita at makilala kayo,mahal na prinsesa.." pag-abot sa kanya ni Zei ng kulay Kahel na parihabang kahon. Yeah,sampung taon na mula ng umapak siya sa mundo ng mga tao,ang mundo na pinagmulan ng kanyang ina,si Reyna Jeniper Eskovar. Nang unang masilayan niya ang mundo ito nagandahan siya pero hindi niya akalain sa kabila ng ganda ng mundo ito ay kaakibat ang walang katapusan na kaguluhan. Alam niya sa sarili niya magagamit ang pagiging bayolente niya nuong nasa mundong-Colai pa lamang siya at dahil na rin nasa dugo niya ang pagiging warrior ay walang pagdadalawang-isip na nagtraining siya sa Sentinel Arm forces kung saan dating kapitan nga roon si Haring Blaz sa tulong ng dating panginoon na si Zei ay hindi na kinailangan pang dumaan pa siya sa pag-aaral. Nang malaman ng Heneral na anak siya ni Haring Blaz walang pag-aanlinlangan na tinanggap siya nito sa Arm forces. "Salamat sayo,Hija..isa kang hulog ng langit para sakin,mula ng dumating ka sunod-sunod na ang pagtanggap ng assignment ng SAF group mula kasi ng magresign si Capt.Blaz,iilan beses pa lang nakakatagpo ng magaling sundalo gaya niya at ngayon nga nahigitan mo pa ang iyong ama!" Napangisi si prinsesa Frenelyn sa huling sinabi ng heneral. Oo naman,anak ka ba ng dalawang mangdirigma eh! "Oh siya! Baka naiinis ka na sa kakadaldal ko," tawa ng heneral. "Okay.." tanging tugon ng prinsesa sa Heneral na muli lang nito kinatawa. Agad na inalis niya ang suot na earpiece matapos madiskonekta ang Heneral. Bumangon siya at paupo na dinipa niya ang mga braso. Nilanghap niya ang hangin-panghapon. May naririnig akong rumaragasang tubig! Talon. Kanina pa nga sila inaakit ng ingay ng pagbagsak ng tubig mula sa talon na kalahating oras ang lalakarin bago marating yun pero sa isang tulad niya treinta y segundo lang naroroon na sila. Dinampot na niya ang paboritong sniper gun niya na kulay Kahel at nilagay sa loob ng kulay kahel din lalagyan niyun saka sinukbit ang malaking duffle bag na kahel din ang kulay sa balikat niya. Ready to go?! Opo,mahal na prinsesa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD