"All in position,Black Aces?" pagkonekta ni Captain Aldrin Callias sa kanyang team na kasama niya sa misyon ng mga oras na yun.
"Yes,Captain! I'm in my position now at kanina pang nangangati ang daliri ko na kalabitin ang baby ko," pagtugon ng sniper ng team niya na si Henry.
"We all in position now,Captain," pagtugon naman ni Santos,ang siyang tinuturing din niyang kapatid bukod kay Henry na kababata niya.
"Good..Henry,your signal.." aniya sa sniper nila na siyang nagsisilbi nilang mata.
"Aye,Aye,Captain!"
Napailing na lang si Capt.Aldrin o mas kilala na Capt.Cally o Cally.
Ito ang misyon na ilang buwan na nila tinatrabaho dahil isang kilalang mayor ang sangkot rito. Isang sindikato pala ang mayor at ngayon nga nagaganap ang pakikipagnegosasyon nito sa isang banyaga para ibenta ang mga di-kalibre at mamahalin armas na sana ay napupunta sa kanila!
Napatiim-bagang si Capt.Cally. Sisiguruduhin niyang mabubulok sa kulungan ang Mayor na imbes na makatulong sa sarili nitong bansa na umangat isa din pala ito sa magpapabagsak sa lupang sinilangan nito. Mga salot!
Napahigpit ang hawak niya sa kanyang baril.
"Red!!!"
Mabilis na kumilos ang team niya sa pangunguna niya na pasukin ang hideout ng mga sindikato. Siya at si Santos at ang dalawa pang kasamahan nila ang kubo na kinaroroonan ng Mayor at ng dayuhan ang target nila kaya maliksi nilang pinasok ang kubo habang kinokoberan sila ng iba at ni Henry sa mga kalaban na haharang sa kanila.
Nagkagulo na pero deretso sila sa kubo agad na binalya niya ang pintuan ng kubo at gulantang na napatingin sa kanila ang nasa loob.
"Mayor! May warrant of arrest kami para sayo,kami ang Black Aces troops naatasan na hulihin ka," maawtoridad niyang anunsiyo sa nagulat na Mayor at pati na rin ang dayuhan. Nakaamba sa kanila ang baril ng mga alalat ng mga ito.
Ang gulat sa mukha ng Mayor ay napalitan ng pagngisi.
"Santos!! Ginulat niyo kami!" nakakaloko saad ng Mayor na pinagtaka ni Aldrin.
Huli na ng matanto niya ng bigla na lamang siya tutukan ni Santos ng baril sa nuo niya.
Hindi siya kaagad nakareak sa sobrang pagkabigla. Gaya niya ay may nakatutok na rin baril sa dalawa pa niyang kasama na nabigla din sa nangyari lalo na sa ginagawa ng kasamahan nila si Santos.
Ngumisi ito sa kanya na siyang nagpabawi sa pagkabigla niya.
"Sorry,captain..mas triple ang sahod ko kay Mayor kaysa sa pagsusundalo ko,"anito sa kanya at kinuha ang baril niya at iba pa na nasa katawan niya.
Sinamaan niya ito ng tingin. " Traydor ka,Santos..kaya pala madali sayo na mahanap ang lugar na ito dahil espiya ka ng mga putang-*na mga ito!!!"puno ng galit niyang saad.
Lalo lumaki ang ngisi ni Santos sa kanya. "Atleast ginawa ko ang trabaho ko na binigay mo sakin,Captain," mapanuya nitong saad.
"Captain! Kamusta kayo sa loob?! s**t! An----" bigla naputol ang linya ni Henry.
Lalo nagpuyos sa galit si Aldrin ng magsalita muli si Santos. "Hindi lang ako ang traydor dito,Captain.."
Napalingon siya ng bigla na lamang bumagsak sa sahig si Henry sabay pasok ng dalawa pa nilang kasamahan.
Ang mga traydor sa team niya!
"Bullshit! Anong katarantaduhan 'to?!" bulyaw ni Henry sa dalawa nilang kasamahan pero napasama ang kaibigan ng bigwasan ito sa mukha gamit ang dulo ng baril na hawak nito.
Lalo nagpuyos sa galit si Aldrin.
"Tama na yan!" ang Mayor. "Mabuti pa sabay-sabay niyo na sila tapusin at ikaw,Santos..siguruduhin mong nasa maayos ang plano," maawtoridad na saad ng Mayor.
Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Captain Cally ng titigan niya ang mga kasamahan.
Hindi siya kumurap ng lalong idiin sa nuo niya ang nguso ng baril ni Santos.
"Huwag ka mag-aalala,Captain..hihirangin ka pa rin naman Hero dahil ako na ang bahala magsabi sa komander natin na napatay ka dahil sa pagligtas mo sakin," nakangisi nitong saad.
"Magandang ideya nga yan,Santos.."sarcastic niyang saad.
Tinawanan siya nito. " Oo naman.."
"Iputok mo na bago ka pa mangawit," mariin niyang saad.
"Captain!!!" nasasaktan na pagtawag sa kanya ni Henry na duguan ang gilid ng nuo nito.
Hindi niya lubos maisip na magtatapos sa ganito ang lahat. Misyon na pabagsakin ang Black Aces troops ng kapwa niyang sundalo.
"Paalam,Captain..." nakangisi saad ni Santos.
Bago pa man na makalabit nito ang gatilyo ng baril bigla na lamang may tumasik na dugo sa mukha niya. Malakas na napasigaw sa sakit si Santos. May bumaril sa braso nito kaya nabitawan nito ang baril na nakatutok sa kanya.
Hindi siya kaagad nakagalaw sa pagkabigla. s**t!
"May iba pa bang kasama ang mga yan?!" nagpapanik na saad ng Mayor.
Nakita niya na may kulay pulang dot sa nuo ng Mayor.
May sniper..pero wala silang ibang kasama sa misyon iyun. Tanging si Henry lang ang sniper nila.
Natauhan siya ng isa-isang bumagsak ang mga kalaban..tanging naiwan na sugatan lang ay ang mga traydor nilang kasamahan. May tama sa balikat at ang isa naman sa hita.
"Walang kikilos! Nakatutok sa inyo ang sniper namin," bigla pagpasok ng isang lalaki na nakauniporme.
SAF?!
Nanigas sa kinatatayuan ang dayuhan at ang Mayor. May redspot sa nuo ng mga ito.
"Kami ang Sentinel Arm forces,Captain.Callias.." baling sa kanya ng lalaki.
Agad na nakipagkamay siya rito.
"Eskovar,our sniper know who's the real enemy at your team kaya sinugatan lang niya at hindi ko alam kung paano niya nalaman yun," nakangiti saad nito.
"That's nice," si Henry kahit may iniinda sakit hindi napigilan ang mapahanga ng Eskovar iyun .
"Salamat sa tulong.."
"Actually,si Eskovar ang nakaalam na may nagaganap rito mabuti na lang may camp training ang SAF di kalayuan sa gubat na ito..."
Doon na tuluyan namangha si Aldrin sa Eskovar na yun.
"Sana mapasalamatan ko ng personal si Eskovar," aniya.
"Honesty,wala pa nakakakita sa kanya ng personal,Captain Callias,lahat kami na katrabaho niya maliban sa pangalan iyun lang ang alam namin sa kanya," anito.
Napamaang si Aldrin at napatingin kay Henry na ganun din ang reaksyon.
The mysterious sniper.
Eskovar.