Chapter 2

1506 Words
PYRA POV. AKALA yata ng pamilyang ito ay malilinlang pa nila ako muli. Pamilyang ni minsan hindi ako tiningnan bilang kabagi. Sa tagal ng panahon na kasama nila ako, kahit kailan hindi naging isa ang layunin at mithiin namin sa buhay. Hindi nila ako katulad at hindi ko rin naman gusto na maging katulad nila. Ang akala yata ng mga ito ang pananahimik ko sa isang sulok ay pagsang-ayon na sagot na para sa kanilang nais. Nagkakamali sila, hinding hindi ako pakakasal sa lalaking gusto nilang masaktan at puksain ko lang. Hindi noon at lalong hindi ngayon mangyayari na magiging sandata ako para sa pamilyang akala ko mamahalin ako ng tapat. Mahal lang nila ay kayamanan at kapangyarihan. Kung pagmamahal lang din ang pag-uusapan, mas mahal pa nila ang ampon ng aming pamilya na si Plera. Siguro ramdam nila na para-pareho sila ng ugali. Mga ganid. Kaya siguro hanggang ngayon hindi nila magawang tanggapin na mas angat pa rin ang mga Dela Forta na siyang hari pa rin sa buong kontinente ng Europa. Habang nagmumuni-muni ako hinihnintay ko ang tawag mula sa taong nilapitan ko recently. Batid ko naman na risky ang ginawa ko ngunit hindi naman ako na bigo. Magsisimula ang laro ng linlangan ilang araw mula ngayon. Napatingin ako sa hawak kong cellphone. Nang makita ko kung sino ang nasa kabilang linya agad ko iyong sinagot. “Py! Handa ka na ba? Wala na itong urungan. Kung sakaling magkamali ka at mabigo. Dalawa lang ang maaari mong punta. Ang mamatay at malunod sa apoy ng impyerno o ikaw ang makagawa na lumunod sa taong ‘yun sa init na dala ng apoy mo.” tuloy-tuloy na sabi ng nasa kabilang linya. Pinilit kong lumunok bago magsalita. Parang sa isang iglap naramdaman ko ang init na sinabi niya partikular sa huling pagpipilian. “Mas gugustuhin ko na ako tumupok sa iba kaysa ako ang matupok sa dagat dagatang apoy ng impyerno.” tuwid na sagot ko naman sa lalaki. “Good! It’s been a decade since he saw you. Hindi ka na niya siguro makikilala. Knowing him, lahat ng mahalaga sa kanyang tao ay pilit na kinakalimutan niya, so ihanda mo ang sarili mo Lyrica Samaniego. ‘Yun lang muna sa ngayon.” wika ng lalaki na waring laging nagmamadali. Nawala ito sa kabilang linya. Hindi naman ako nag-aalala tungkol sa mga online info’s ko. Dahil mula pa noon nakatago lahat ‘yun waring ayaw din ng aking pamilya na hiyag sa lahat na bahagi ako ng kanilang kapati-kapatigang angkan. Pinalipas ko ang ilang oras bago ako lumabas ng aking silid at bumaba sa sala de vista. Tiyak na usok na naman ang tumbong ng mga taong daratnan ko doon dahil sa tagal kong bumaba. Lagi na lang silang may gustong sabihin sa akin, na para bang ‘di ko pa alam o memoryado ng husto. “Makisama ka! Para naman may ambag ka sa pamilya!” Libong beses ko ng narinig ang linyahan ni Papa na ‘yan. Linyahan na hudyat ng panimula at pagtatapos ng usapan bilang magkapamilya kuno. Oo, natatapos agad ang dapat mahabang usapan sana, oras na makita at matitigan ako ng aking ama. Ni minsan hindi ko siya nakausap bilang ama sa anak. Siguro gano’n talaga, parte ako ng negosyo nila. Si Mama? Well, busy sa anak niyang playing mahina, masunurin at kamahal mahal. Noon masakit pa, ngayon nakakatawa na sila. I promise to myself the day that my undying nightmare happens, I won't ever chase love, especially love from my parents. Kung bangungot sa akin ang nangyari alam at batid ko na mas higit iyon sa isang taong minsan ko ng ginusto ng husto. But that was in the past. Hindi na pwede sa ngayon. The only thing that matters to me right now, ay ang maisakatuparan na magawa ko ng tama ang lahat. Hindi bilang pambawi sa mga nangyari noon. Kundi para gawin ang tama, na dati ay tinatwa ko sa pag-aakalang magbabago ang lahat sa aking pagkatao lalo na ang lugar ko sa pamilyang ito. “I'm sorry—” “What the hell?!” tila kulog na dumagundong ang tinig ng aking ama. Presensya ko palang talaga kahit sa malayo sinisilaban na siya. Nahinto naman ako sa pag-sariwa ng nakaraan at kasado ko ng plano. “Sis, bakit ang tagal mo? Kanina pa si papa at mama naghihintay sa’yo? Ako, wala naman sa akin kung maghintay ako ng matagal.” wika ng maamong babae na nasa tabi ng aking ina. Kung anong amo ng mukha nito siyang kabaliktaran naman ng kanyang totoong ugali. Siya ang anay at lason sa relasyon namin ng aking magulang. Dahil sa aking narinig, lantaran akong umirap sa babae na umakto namang natakot sa akin. Kung tutuusin mas nakakatakot pa nga siya kay Satanas. Bakit? Kasi na master niya ang pagiging mahusay manlinlang, habang unti-unting inilulubog sa kumunoy ng dagat-dagatang apoy ang mga taong kunwari ay mahal niya at isinasalba. “Ingrata! Ganyan na lang ba ang lagi mong gagawin sa kapatid mo—!” “Oo, ganito na po ‘yun palagi. Kung ‘di mo na kayang matiis mama, itakwil mo na ako. Salita na lang naman ang kulang para sa pormalidad. Dahil ang akto at pakikitungo mo/n’yo sa akin ni papa matagal ng itinakwil ang TUNAY at kaisa-isa n’yong anak!” putol ko sa aking ina. Gulat at tila hindi makapaniwala ang Ginang sa aking naging pagsagot. Bakit nga ba? Noon ay hinahayaan ko lang siya/sila na magsalita at mag kumpara sa aming dalawa ng ampon nilang dakila. “Sumosobra ka na!” sigaw ni papa kaya sa kanya naman ako bumaling ng tingin. “Alam mo pala ang salitang sumusobra na papa. I thought you didn't know that. I also thought that you didn't know how to use nor identify that kind of word.” “You devil—” “You made me papa, but do you know? Do you know that you made not just one devil, papa? May mas nauna kang ginawang demonya kaysa sa akin. Dangan lang na competitive devil ako, kaya tiyak akong lalamangan ko siya at susunugin sa aking naglalagablab na apoy. Masyadong maliit ang impyerno papa para pagharian nating lahat. Tsaka mas magandang isa lang ang reyna kaysa dalawa. Tama naman ako ‘diba Plera?” putol at dire-diretsong sabi ko sa aking ama. Sa huli binalingan ko si Plera na caught in the act na puno ng pagkamuhi. Ngunit ng mapansin na nasa kanya na ang atensyon namin. She softened her facial expression. Malakas tuloy akong natawa, na parang mas ikina-gulat at galit ni papa at mama. Ang anak na panay salo lang ng salita at tahimik sa gilid nagsasalita ng kakaiba. Ang anak na noon pwedeng tanga-tangahin sa harap ng kasambahay at mga tauhan, ngayon tumatahol na at handa na silang kagatin maging lapain. “I'm sorry, Ate! Ako ang dahilan ng lahat—” “Oo, kasalanan mo talaga. Sumpa ang pagdating mo sa pamilya ko. Kung talagang aksidente nga na mapunta ka sa amin? Baka naman kasi hinatid ka dito—” “Stop this nonsense talk! Plera don't listen to her. Wala lang sa mood ang babaeng ‘yan. You are the greatest blessing for us. Ikaw ang anak na tunay naming hinangad. Ikaw ang ana na nararapat at bagay sa pamilyang ito.” putol ni papa sa akin kaya natawa ako ng pagak. “Oh come on! Binibiyayaan pala ang mga sakim at masamang tao? I wonder kung kanino galing ang blessing n’yo. Gosh! I think I know it!” bulalas ko sabay lakad papunta sa front door. Hinintay ko kung may magsasalita pa pero wala kaya huminto ako ng sandali bago huminga at nagsalita. “About the wedding—let’s schedule it 100 days from now. Mawawala ako starting today pero darating ako sa araw ng kasal. I wish I made your day happy and complete, dahil ako ngayon palang masayang masaya na. Guest what? Kasi sa wakas magagawa ko ang tama.” palaisipang ani ko bago tuluyang lumabas ng mansyon. Mansyon na parang hindi naman ako welcome manirahan. May lugar nga kayang nababagay para sa akin? May lugar at tao kayang tatanggap at hahayaan akong manatili doon kasama siya? Paglabas ko ng gate ng mansyon isang itim na SUV ang nag-aabang sa akin. Bumukas ang pinto kaya sumakay ako agad. Wala akong dala na kahit ano pero alam ko na handang handa naman ako sa lahat. “Saan po tayo?” “Sa underground. Doon muna ako mananatili bago matuloy at magsimula ang misyon ko. Misyon na sana hindi ako o siya ang matalo.” Agad na umusad ang kotse kaya sumandal na ako para ipahinga ang aking sarili. Ngunit halos kapipikit ko palang dinalaw na naman agad ako ng aking bangungot. Hindi pa rin gaano nakakalayo ang sasakyan na lulan ako. Malala rin ang traffic. “Itatama ko ang lahat teacher. Hindi ko hahayaan na matalo siya. Ako ang magiging karamay niya kahit kaaway man ang turing niya sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD