Chapter 1
BAD POV.
“f**k those mother fucker! Those people in council and that so-called society! Uubusin ko sila!”
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magmura at isumpa muli ang mga taong simula pa noon humusga na sa aking pagkatao. Dito sa mansyon na luma, lahat kaya kong gawin. Lahat kaya kong isigaw.
“Calm down Bad, wala naman silang magagawa dahil sa pananaw ng pamilya at ng organisasyon, tanging ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana. Ikaw ang nauna, at sa mata ng pamliya ikaw ang legal. Hindi lang pinakasalan ng iyong ama ang iyong ina. Pero kayo ang minahal at mahal ng iyong ama.” Alo ng matandang si Casco na siyang umalalay sa amin mula pa noon ng aking ina.
Ang mga bagay na nagawa ni Casco sa aming ng aking ina na si Beda ni minsan hindi nagawa ng aking ama na siyang head of the family sa ngayon, na aking papalitan na rin soon enough. Alam ko naman na sa ibang paraan gumagawa ng tulong, proteksyon at pagpapakita ng pagmamahal ang aking ama. Isa naroon ay ang pananatili kong buhay kahit na hirap na hirap na akong huminga. Gusto kong ubusin ang lahat ng taong humarang noon sa amin at haharang ngayon sa aking naisin.
“Casco, bumabaon pa rin ang mga salitang ibinabato nila sa akin. Nananahimik na ang aking ina. But still they're using her against me.” galit na ani ko habang nagbabaga ang aking mata na nakatitig sa portrait ng sinaunang pamilya ng Dela forta. Portrait na aalisin at susunugin ko sa harap mismo ng aming angkan oras na ako na ang hahawak ng aming organisasyon. Hindi ako nagpapakahirap ng ganito para lang sa wala. Hindi ko iaalay ang buhay ko ng ganito kung alam ko na ‘di ako magtatagumpay.
“Used that! Gamitin mo lahat ng akala nila kahinaan mo para ubusin sila. I just want to remind you again Bad, na malapit ng matapos ang serbisyo ko sa'yo. May papalit na sa akin—”
“Fück! Isa pa ‘yan sa iniisip ko ngayon. Magiging de numero na naman ang mga galaw at hakbang ko sa oras na may bagong salta sa loob ng teritoryo ko1”
“I will still be here on your side helping you through, kahit na ‘di na ako ang gabay at kanang kamay mo. Marami pa rin namang kayang gawin ang matandang ito na kailangan matutunan ng papalit sa akin. ‘Wag kang mag alala tulad ko ang ama mo ang humubog sa taong papalit sa akin.” tugon ni Casco sa akin na sinamahan ng mahinang tawa.
I look in his face. Still the same man I saw 20 years ago. Gano'n pa rin ang kilatis ko sa kanya tulad ng unang beses kong nakita siya at nauunawaan kung ano ba ako maging sino ako sa pamilya ng mga Dela Forta. Tumanda lang si Casco pero alam ko mas marami siyang kayang gawin kaysa sa kayang sabihin ng kanyang bibig. My father wouldn't trust him everything about me and my mother, kung walang binatbat ang isang Casco.
Hindi man naging normal na pamilya ang meron ako masasabi kong nagawa pa rin ng aking ama na bigyan ako ng magandang regalo, ‘yun ay ang hayaan makasama ko sa aking paglaki ang lalaking ito na kahit kailan ‘di ako iniwan. Kahit kailan hindi ako tatalikuran, subok ko na si Casco dahil marami ng bala ang sinalo niya para sa akin. Ilang beses siyang nakipagpatintero kay kamatayan ‘wag lang akong masaktan.
“Aasahan ko ‘yan Cas. Dahil kagaya mo may pangako ko sa aking ina, na maniningil ako sa lahat ng sumira at kumuha ng lahat ng para sa amin. So you know what to do! Gusto ko ay katulad pa rin ng dati, pabahain mo ang salapi, teritoryo at dugo na mga hayop na ‘yun. Iwanan mo ng palatandaan na ako ang may pakana.” I may be the illegitimate Dela Forta in those eyes of the elites. Pero alam ko na ako ang tanging may karapatan at kakayahan na pang hawakan ang lahat ng meron ang pamilyang nag-parusa sa amin ng aking ina. Mali man pero humihinga na lang ako para maningil ng pautang!” tugon ko kay Cas na hindi naman na sumagot.
Nalulong ako sa labis na katahimikan na siyang nagdala sa akin sa malalim na pag-iisip. Isa lang ang kailangan kong gawin para ma sigurado na ako ang hahawak ng lahat at hindi ang asawa ng aking ama kung sakaling siya ay pumanaw. Hindi sa pinaghahandaan o hinahangad ko ang kamatayan ng aking ama, pero sa dumaang mga taon na kilatis ko na ang karakas ng kanyang asawa. Nakaipon na rin ako ng mga ilang ebidensya na pasasabugin ko sa araw na paghuhukom. Sinisigurado ko na uubusin ko lahat ng swerte niya sa araw na ‘yun.
“I must leave Bad. Kumalma ka lang sana muna sa ngayon. As of today, walang makakasira sa’yo at sa mga plano mo pero kailangan mo na magpahinga muna. But I just want to recall to you that Perretta family is the easy way to make things right. Come to think of it, anak. Sila ang susi—kahit pa sa kanila nakaturo ang pagpasalang sa iyong ina.” untag ni Cas sa akin bilang pagpukaw sa aking atensyon. Buong akala ko pa naman ay umalis na siya at ako na lang dito.
Hindi na ako sumagot sa kanya at hinayaan na itong umalis. Kung sabagay ay tama naman siya. The Perretta family makes me more powerful. Pero paano ko makukuha ang approval nila kung noon pa man ay galit na galit sila sa angkan ng mga Dela Forta. Kung galit sila sa aming angkan ako naman ay kinasusuklaman sila dahil ang aking ina ang binuweltahan nila sa paghihiganti, sa kasalanang si Minerva ang gumawa. Si Minerva na siyang asawa ng aking ama.
“Think Bad! Magaling ka sa larangan na ito. Hindi ka tatawaging Bad for nothing.” anas na ani ko sa aking sarili na nakulong lang naman sa loob ng aking isip. Habang nasa gano’n akong estado, isang larawan ang dumaan sa isip ko. Isang batang babae na may kulay kape na buhok at kayumangging kutis.
“Apoy, kumusta ka na kaya? Bakit sa kanila ka pa nabilang?” ani ko sabay iling at tayo para pumunta sa aking silid. Doon ko uubusin ang libreng oras ko sa araw na ito. Minsan lang ako mabakante at pinakagusto kong gawin sa oras na bakante ako ay pag-planuhan ang lahat ng aking magiging hakbang. Mga hakbang na dalawang ibon mula sa magkaibang direksyon ang tatamaan.